"Yes, I am. Nakapagtapos, hindi kagaya mo na hindi." sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa, nagmamataas at nangungutya ang kanyang mga tingin. "Hindi nga ako nakapagtapos, pero hindi naman ako tanga kagaya mo! Sinong abogada ang papatol sa may asawa na, aber? Sinong abogada ang sasabihin na titira siya sa isang bahay na kasama ang tunay na asawa ng gustong niyang kabitan?!" mariin ang bawat sambit ni Amanda, may halo 'yong gigil at inis, "Sige nga, sabihin mo sa akin, abogada ka niyan? Abogada ka ba talaga o abogaga ka?" "How dare you to say that!" akma niya 'tong susugurin nang iharang ni Arthur ang sarili at bahagyang itinulak si Scarlett na siyang ikinaurong niya. "Don't try to hurt my wife, Scarlett! I warned you! Ako ang makakalaban mo!" Nagsukatan ng tingin ang dalawang

