Chapter 23

1681 Words
SKY POV MAAGA kaming nagprepare para puntahan ang ate ni Chanelle. She looks very excited. I can't blame her, sino ba namang hindi makakamiss sa kapatid mong hindi mo nakita sa loob ng six long years. "Why don't you tell me about what you discovered about my sister?" Nakangiti niyang sabi habang nakaharap sa akin. "Why don't you ask her when we get there?" "Hindi na kasi ako makapaghintay na malaman kung ano na ba ang nangyari sa kanya simula ng ipadala siya sa Europe nila mommy at daddy." Puno ng pagkasabik at panghihinayang na sabi niya. "Don't worry love, you'll find out soon." Malambing na sabi ko sa kanya. Nagi-guilty ako sa ginagawa ko. I am worried about what she'll say about me when she finds out but I am more worried about her reaction. Hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang sinabi sa akin ni Marco the last time we talked about her sister. Hindi ko pa kasi kayang sabihin sa kanya considering her situation right now at nagsisimula pa lang siya maging okay sa mga nangyari. Fate is really brutal to her. I can't believe she has to go through with so much pain. Tahimik lang siya sa biyahe at nakatingin sa labas habang ako naman ay nagko-compose na sa isip ko kung ano ang magiging explanation ko kapag nando'n na kami at yung tungkol sa nalaman ko. Gusto ko lang kasi na siya mismo ang makadiscover. I am being senseless but telling her right away will make her worry and suffer before seeing her sister. Ipinarada ko na ang sasakyan na hiniram ko lang sa kaibigan ko dito sa Paris. Looking at her reaction I know many questions are running to her head. She looked at me as if she is waiting for me to tell something. "Let's go, love." Pag-aya ko sa kanya. Kita ko sa kanya na nag-aalangan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at inakay papasok. "Bakit nasa mental h-hospital tayo?! Don't tell me andito ang ate ko??!" Nagsimula na siyang maging hysterical. "Let's go inside." Kalmado kong sabi sa kanya. At kalmado lang din siyang sumunod sa akin. Pagpasok namin ay tinanong namin sa nurse station ang pangalan ng ate niya at tinanong ang room number niya. Dumiretso kami sa room na sabi sa amin. Naabutan namin ang ate ni Chanelle na tulala sa kawalan. "Ate." Halos naibulong ni Chanelle. Lumapit si Chanelle sa ate niya at agad itong niyakap. Lumandas ang masaganang luha sa mga mata ng ate ni Chanelle. "Cha..." sambit nito habang dumadaloy pa rin ang luha sa mga mata niya. "Kilala mo ako ate?" "Of c-course." "Bakit andito ka ate? Nasiraan ka na ba ng bait?" Direktang tanong ni Chanelle sa ate niya. "I am forced to stay here. Dito ako dinala simula ng ipatapon ako dito sa Paris." Seryosong sabi ni Chesca. "Forced? By who? At bakit pumayag ka? Bakit hindi ka tumakas kung hindi ka naman pala baliw?" "By Helena. That damn b***h. Hindi ako makaalis dito dahil bayad ang mga tao dito. Bantay-sarado ako. Wala rin akong pera at kakayahan para umalis dito." Naiiritang sabi niya at sinabayan pa ng pag-irap ng mata niya. "Mommy did this to you?" Gulat na turan ni Chanelle. Ewan ko ba kung bakit gulat pa siya eh nagawa nga nilang ipaalis sa sinapupunan niya ang magiging anak sana namin. "Don't call that b***h--mommy!! Hindi natin siya mommy. Pinatay niya ang totoong nanay natin." "W-what??? How ??" Naguguluhang tanong ni Chanelle. Kahit ako naguguluhan din. Ibig sabihin pala iba ang tunay na nanay nila? Bakit walang alam si Chanelle. "Anyway, who is this handsome guy with you?" Tanong ni Chesca habang sinisiyasat ako magmula ulo hanggang paa. Sa tingin ko iniiba niya ang usapan. "Sky. My husband." Tipid na sagot ni Chanelle. "Sky Del Castillo?" Turan niya at humarap sa akin. "Y-yes." Nauutal kong sabi. Kinabahan ako sa naging expression ng mukha niya. "Ikaw yung playboy na pinsan nila Marco?" Gulat na sabi niya at pinaningkitan ako ng mata. "Drop that playboy thing ate. He's a changed man now." Sabat ni Chanelle. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako sa mga tingin ng ate niya. Mas kabado pa ako ngayon kumpara sa pagharap ko sa parents nila. "Masyado ka namang defensive sister. Masama bang kilatisin ko ang asawa mo? At bakit ka naman tameme diyan Sky?" "Hmmm.. I don't know what to say." Mahinang sabi ko. Totoo naman eh, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Masyadong intimidating ang presence niya. "Pffffft. Seriously? Hindi mo alam ang sasabihin? I thought you were good with talking to girls. Kinalawang na ata ang dakilang casanova ah? O baka naman mas nagagandahan ka sa akin kesa sa kapatid ko?" Sabi ng ate ni Chanelle habang tumatawa. "Ateeee! Nasiraan ka na nga ng ulo sa pag-stay mo dito sa mental." Naiinis na sabi ni Chanelle. Napanganga ako sa inaasta nilang magkapatid. Ganito pala sila mag-usap. Kung si Chanelle ay pikon, sobrang mapang-asar naman ang ate niya. But honestly, they look good together. At mukhang mas naging okay si Chanelle. May kaunting kirot lang akong naramdaman na makita siyang okay kasama ngayon ang ate niya na nawalay ng matagal sa kanya kesa sa akin na asawa niya at kasama araw-araw. Napawi lang ang iniisip ko ng magtanong ulit si Chanelle. "Paano ka nakaka-survive dito ate araw-araw? Lalo na at puro baliw ang kasama mo dito?" Kahit ako na-curious din kung paano nakatagal ang ate niya dito. To think na mental institution ito. Bumuntong-hininga ang ate niya. "I had to act like I am insane kagaya ng mga tao dito. My every move is reported to Helena. Sinisigurado talaga niya na hindi ako makakaalis dito." "Bakit hindi mo ako kinontak para natulungan kita?" "Kung ganoon lang sana kadali yun sa tingin mo magtitiis ako dito? Pinagbantaan niya ako na sasaktan ka niya kapag hindi ako pumunta dito sa Paris. At ang akala ko pwede kitang kausapin o si daddy dahil sinunod ko na ang gusto niya but I am wrong. Nung una nasa hotel lang ako tumutuloy pero nung sinubukan kong kontakin kayo ay pinalabas niyang nasiraan na ako ng bait at pinilit dalhin dito sa mental institution." "Eh di ba sabi nila nagrebelde ka daw dahil iniwan ka ng long-time boyfriend mo dahil sa suhol ni daddy?" "At some point, may katotohanan naman yun. Pero kagagawan din yun ng Helena na yun. Siniraan niya si Calvin kay dad kaya nagdecide si daddy na paghiwalayin kami e kaso ayaw naming pumayag hanggang sa sinuhulan nila si Calvin ng malaking halaga." "Tinanggap naman niya?" Lumungkot bigla ang expression ng mukha ng ate ni Chanelle. "Sad to say, yes. That's why pumayag na rin ako sa gusto ng Helena na yun na pumunta dito sa Paris. Masama rin kasi ang loob ko no'n. Pakiramdam ko mas pinili niya ang pera ni dad kesa sa akin." "Napakahayop naman pala ng Helena na yun. She even killed my child." Nanggigil na sabi ni Chanelle. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. "What?!!!! She killed your child? How?" Gulat at galit na sabi ng ate niya. "Forced abortion." Cold na sambit niya. "In our own hospital." Dugtong pa niya. I can sense her pain at kahit siguro taon pa ang lumipas at magkaroon kami ng sariling mga anak ng tuluyan at mananatili pa rin ang galit niya. "She's lunatic. I'm sorry Chanelle. Kung alam ko lang na kakantiin ka rin niya sana hindi na lang ako pumayag." Puno ng panghihinayang na sabi ng ate niya. "It's okay ate. I understand. Alam ko namang nasaktan ka rin sa nangyari sa inyo nung Calvin na yun." Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na medyo katangkaran nasa 5'8" siguro ang height. Maputi at medyo singkit. Matipuno rin ang katawan. Pareho kami ni Chanelle na napatingin sa lalaki. Agad itong lumapit kay Chesca at hinalikan sa noo. Nakatingin lang kami sa kanila at naghihintay ng kasagutan. Ngumiti muna ang ate niya bago ipinakilala ang lalaki. Batid siguro niya ang curiosity namin. "This is Calvin." Pagpapakilala niya. Kinamayan naman kami nung sinasabi niyang Calvin. "Calvin? You mean yung Calvin na sinuhulan ni dad at itong nasa harap namin ngayon ay iisa?" Ngumiti silang pareho. "Yes, Chanelle. Siya ang dahilan kung bakit nakaka-survive ako dito. Patago lang din siyang bumibisita sa akin para hindi mareport kay Helena." "W-why? How come na nandito rin siya." Tumingin lang ng makahulugan ang ate niya kay Calvin at parang sa tinginan pa lang ay nagkakaintindihan na sila. Nagsalita yung Calvin. Siya siguro ang magpapaliwanag sa amin. "My name is Calvin Bautista. Yes, ako yung long time boyfriend ni Chesca na sinuhulan ng daddy niya.. daddy niyo I mean. Ako rin yung dahilan kaya nagdecide siya na pumunta dito sa Paris pero hindi ko naman sinadya ang mga nangyari. Bago pa man ako suhulan ay alam ko na ang balak nilang paghiwalayin kami dahil tatay ko ang driver ng daddy niyo. Narinig ni tatay ang usapan nila at sinabi yun sa akin. Siniraan ako ng stepmom nyo kaya nagalit sa akin ang daddy niyo. Narinig din ni tatay na may kausap si Ma'am Helena patungkol sa pagpapadala kay Chesca dito sa Paris kaya nong inalok ako ng pera ay tinanggap ko agad para may magamit ako sa pag-asikaso ng papel para masundan siya dito." Mahabang paliwanag niya. Napanganga na lang kami ni Chanelle sa narinig namin. All this time, sila pala ang magkasama na isurvive ang relasyon nila, it amazed me. "Bakit naman hindi mo pa rin inaalis si ate dito sa mental?" Mataray na tanong ni Chanelle. Sumabat ako para pigilan ang inaasta niya. Nakakahiya naman sa kanila, lalo na dun sa Calvin dahil anlaki ng sakripisyo niya para sa ate niya. "I get your point, Chanelle. Pero hindi naman ako galing sa mayamang pamilya kagaya ninyo kaya wala akong kakayahan para kalabanin ang parents niyo. Sinisikap ko naman na maging successful para maialis siya dito." Malungkot na sabi ni Calvin. "I am sorry and thank you for taking care of my ate. You must love her very much." Nahihiyang turan ni Chanelle. Akala ko masama na ang ugali ng mommy nila pero may isasama pa pala. Sabagay, hindi naman pala nila totoong nanay yun kaya ganon ang gawain niya. Maybe their father is hypnotized kaya sunud-sunuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD