Chapter 5 to 7
TAMING A CASANOVA
-CNLove❤
CHAPTER 5
Nang makapag-ayos na si Sky agad kaming sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan.
Inihinto ko muna ang aking sasakyan sa isang mall para bumili ng donuts. Favorite kasi yun ng mga triplets.
Nagpark din si Sky.
"Anong bibilihin mo dito?" Tanong nya sa akin.
"Donuts para sa mga bata. Favorite nila eh."
"Talaga? Ano naman kaya ang ipapasalubong sa mga chikiting ni Marco? Wala pa naman akong alam sa mga gusto ng bata."
"Tara pasok na tayo para makapamili ka ng bibilihin mo."
Inuna ko muna syang samahan bago ako bumili ng ibibigay madali lang naman yung sa akin.
Dumiretso kami sa kiddie stuffs.
"Laruan na lang kaya ? Robot? Kotse?" Tanong nya sa akin.
"Yung may pakinabang naman Sky. Kayang-kaya ibigay ni Marco yun sa mga anak nya."
"Hindi naman maarte si Trixie. Damit na lang kaya? Yung matchy-matchy sila?"
"Pwede rin. Sige pumili ka na."
Pumili si Sky ng plain na pares ng t-shirt and short. Kumuha rin sya ng may mga design.
Habang namimili pa sya ng mga damit na ibibigay ay lumapit sa amin ang isang sales lady.
"Damit po ba ang hanap nyo Ma'am and Sir para sa anak ninyo?"
"Yes. Meron pa ba kayong stocks na pwedeng pagpilian?" Sagot ni Sky.
"Mga ilang taon na po ang baby nyo Sir?" Tanong nung sales lady kay Sky hindi dahil concern sya sa bibilihin ng customer kundi dahil nagpapa-cute sya. So irritating.
"They're already two years old." Nakangiting sagot ni Sky. At kailan pa sya nagkaron ng anak?
"This way Sir." Aya nung sales lady kay Sky.... lang. Hindi ata ako nag-eexist sa paningin nila.
Hindi na ako nag-abalang sumunod pa sa kanila. Mukhang alam naman nila ang dapat gawin. Hinintay ko nalang na matapos si Sky mamili.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang ipasuot kaya pumili na lang ako sa mga nakita ko."
"Feel na feel mo din ano? Agree ka pa dun sa sinabi ng sales lady. May anak ka na pala?"
"Yun ay dahil mag - asawa ang tingin nya sa atin, nakakahiya namang ipahiya di ba ? Saka ikaw naman ang nagpapakilalang asawa ko sa mga babaeng dumidikit sa akin." Confident na sabi nya.
"I am only doing that to help you and to keep my promise to your mom."
"Kaya nga. Bakit hindi nalang natin totohanin? What do you think?"
"Are you out of your mind? Gusto mo bang maunang mapatay ng daddy ko?" Loko-loko pala sya eh, alam naman nyang for sale ang lovelife ko.
"Joke lang naman malay mo pumayag ka."
"Tsss.. dami mong alam."
"Kinikilig ka naman." Pang-aasar nya
"Bakit naman ako kikiligin sa mga low quality na hirit mo? Baka dun sa mga chix mo effective yan."
"Someday, hahanap-hanapin mo rin ang mga banat ko." Makahulugang sabi nya.
"Let's go Sky. Tigilan mo na yan. Di mangyayari yan."
Bumili lang din ako ng ipapasalubong ko at tumungo na kami papunta kina Marco.
*************
Pagpasok palang namin dinig na namin ang lakas ng hagikhikan ng mga bata. Mukhang naglalaro sila.
Si Manang ang nasa labas.
"Good morning Ma'am Chanelle and Sir Sky. Pasok po kayo." Medyo ilag pa rin si Manang sa akin dahil siguro sa nangyari sa amin ni Trixie dati. Di ko naman sya masisi. I was selfish and mean that time. Sisikapin ko nalang na magbago ang tingin nya sa akin.
"Ta Nelle......" sigaw ng mga bata. Mabilis silang sumalubong sa akin pagpasok namin ng mansion.
"Hello there cute babies. Kumusta na kayo? I have something for you."
Ngiting-ngiti at nagniningning pa ang kanilang mga mata sa dala ko mukhang may idea na sila kung ano ang pasalubong ko.
"Andito pala kayo Chanelle. Na-miss mo siguro mga bata ano?" Bati sa akin ni Trixie.
"Andito rin ako. Baka gusto nyo rin akong pansinin." Sabat ni Sky.
"Kasama ka rin pala Sky. Gusto mo ring makita ang triplets? O gusto mong makasama si Chanelle?" Biro ni Trixie.
"What?! Si Chanelle ang nagsama sa akin dito, masyado kasi akong binabakuran." Sky said while grinning.
"Ehem! Baka naman mag away na kayo nyan. Magmeryenda muna kayo." Babatukan ko sana si Sky kaso nahiya naman ako kay Trixie.
"Ano pala yang mga dala ninyo?"
"Pasalubong sa triplets. Donuts." Sabi ko.
"Naku favorite nga nila yan. Lalantakan na naman nila yan pag nakita. Itatabi ko muna kasi katatapos lang nila kumain."
"Trixie.. pasalubong ko sa mga chikiting mo."
"Sky andami naman nito. Grabe ka pala magbigay ng pasalubong sa bata." Gulat na sabi ni Trixie.
Pano ba naman 5 paper bags ang dala na puro damit ang laman. Akala mo anak nya pinamili nya eh.
"Di ko kasi alam kung anong type nila kaya binili ko nalang yung mga nakita ko. Ikaw na bahala dyan." Sabi ni Sky habang nakakamot sa ulo. He look so cute.
"Calyx, Carlisle, Caleb......." tawag ni Ttixie sa mga anak nya.
Si Calyx ay carbon-copy ni Marco, si Carlisle naman kamukha ni Trixie, at si Caleb naman halo ang itsura ng parents nya.
Marco and Trixie are perfect combination. Their children has good looks also. Super cute sila.
Two years old na sila kaya super kulit na din.
"Babies, makipaglaro muna kayo kina Tita Chanelle and Tito Sky nyo."
Nagtatalon ang triplets sa sobrang tuwa.
"I'm not fond of playing with kids. Si Sky nalang." Bago ko pa ipagtulakan si Sky para makipaglaro sa mga bata ayun ! Nakikipagharutan na. Tuwang-tuwa rin ang mga bata.
"Minsan lang magkaron ng bagong kalaro ang mga bata kaya tuwang-tuwa. Overprotective si Marco sa kanila kaya di masyadong makahanap ng kalaro." Sabi ni Trixie.
"Mukha nga.."
"Anyway, kumusta naman kayo ni Sky?"
"Ako okay lang, ewan ko kung okay lang sya." Casual na sagot ko.
"Masyado ka namang defensive. Hahaha
I mean kumusta ang samahan nyo? Mukhang close na ata kayo." Panunudyo nya.
Para mas malinawan si Trixie kung bakit lagi kaming magkasama ni Sky ay ipinaliwanag ko na lahat sa kanya yung pabor na hiningi ng mommy ni Sky.
"Talaga? So kumusta naman? Effective ba strategies mo?" Manghang tanong nya.
"Actually hindi ko alam. Masyado syang babaero. Nakaka-stress. Araw-araw iba ang babae nya." I heaved a sigh because of disappointment.
"Baka naman kailangan lang nya ng katapat para magbago. Malay mo may hinihintay lang sya bago mag-settle ng tuluyan."
"Ano namang hinihintay nya? Snow sa middle east? O pumuti ang uwak?" Sarcastic na sagot ko.
"Hahahahaha masyado ka namang highblood. Relax lang magbabago din yun.
Di ba doctor ka ? Bakit modelling ang papasukin mo sa company nila Sky?"
"Yun naman talaga ang gusto ko, nag-aral lang naman ako ng medicine dahil yun ang gusto ng parents ko dahil na rin sa may sarili kaming hospital. But I wanna prove my father that I can be successful in my own choices. Nakakasakal na kasi yung pagdidikta nila sa akin. Helloo??? 29 na ako pero di pa rin ako pwedeng gumawa ng sarili kong desisyon." Mahabang sabi ko kay Chanelle.
"Gets ko naman yung point mo Chanelle. Lahat naman tayo may mga pangarap na gusto nating ipursue. Kailan mag-i-start yung modelling mo?"
"Di pa ko sure kung anong araw pero one of these days daw mag-i-start na ako dahil may bagong design silang ilu-launch."
"Bagay sayo maging model Chanelle. Mala-super model talaga ang beauty mo. Wala namang masama kung ita-try mo. Kung hinfdi effective at least doctor ka pa rin. But I guess magiging sikat ka."
"Thanks for your support Trixie."
"Buti ka pa nga pwede mong gawin yung gusto mo. Ako medyo stagnant dahil sa triplets.. pero masaya ako na dumating sila sa buhay ko. Mas nauna nga lang sila kesa sa pangarap ko.
Kaya i-push mo lang kung ano ang gusto mo hangga't may pagkakataon ka."
"Don't worry. Magagawa mo din yung gusto mo kapag di na masyadong alagain ang triplets mo. Supportive naman sayo si Marco."
After ng mahaba-habang chikahan at pakikipaglaro ni Sky sa mga bata ay nagdecide na kaming umuwi. Ipinapatawag daw ako ng daddy ko.
Chapter 6
Pag-uwi ko sa bahay, mga matang nanlilisik agad ang sumalubong sa akin.
"Where have you been Chanelle?!" Galit na tanong agad ni Daddy.
"I hang out with my friends Dad." Cold na sabi ko.
"Stop fooling around Chanelle! Sinasayang mo lang ang pinag-aralan mo! Hanggang kailan ka ba magmamatigas ha?!" Sigaw ni daddy
"Shhhhh.. tama na hon, wag mo sigawan ang anak mo." Namagitan na si mommy dahil sumisigaw na naman si daddy, normal na lang naman sa akin na marinig syang sinisigawan ako. Manhid na ako.
"Nagmamatigas? Buong buhay ko sumusunod lang ako sa gusto ninyo. Ni minsan ba tinanong nyo ako kung anong gusto ko? May pakialam man lang ba kayo sa nararamdaman ko?!
Kahit minsan hindi ko naranasang ibuhay ang buhay ko sa paraang gusto ko dahil pati yung buhay ko parte na rin ng negosyo ninyo !"
Hindi ko na napigilan ang sabihin ang saloobin ko. Sakal na sakal na ako.
Malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. May nalasahan din akong kaunting dugo sa labi ko.
Umiiyak na si mommy pero wala syang magawa dahil sunud-sunuran lang din sya kay daddy.
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sumunod na sinabi ni daddy, puro tungkol lang naman yun sa pagmamarunong nya sa lahat ng bagay. Nakakasawa na.
Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Dun ko ibinuhos lahat ng sakit na inipon ko sa puso ko sa loob ng 29 years.
Akala ng ibang tao perpekto ang buhay ko. Maganda daw ako, matalino, mayaman, lahat na...
Kung tutuusin mas naiinggit pa nga ako dun sa mga hirap man sa buhay pero masaya naman.
May masayang pamilya na nagsasalo-salo kahit di gaanong mamahalin ang nakahain sa lamesa eh yung pamilya ko?
Wala ng ibang bukambibig kundi negosyo. Puro pagpaparami ng pera. Pati yung ngiti namin bayad din. Kailangang ngumiti sa harap ng iba at sa camera para masabing masaya ang pamilya namin. Pandagdag publicity daw.
Buo na ang desisyon ko ngayon. Alam kong masasaktan ko si mommy pero hindi pwedeng lagi na lang ganito. I need to do something para makaalis kami ni mommy sa impiyernong buhay na ito.
I will pursue my passion in modelling. Kapag okay na at may sapat na akong pera galing sa sarili kong pagod, lalayo na kami ni mommy. Bahala na si dad magpakabaliw sa pera nya.
I received a text na kailangan ko na daw magreport sa company nila Sky. Mag-i-start na daw ang photoshoot ngayon.
Nagshower muna ako para hindi halatang umiyak ako. Nag-ayos para sa aking first ever photoshoot. Simple lang ang ayos ko, aayusan din naman ako dun.
Pagdating ko sa company nila Sky ay agad akong dumiretso sa office ng mommy nya.
"Good morning Tita." Bati ko kay Tita Celine
"Good morning Chanelle. Ready for your photoshoot?" Masayang tanong ni tita sa akin.
"Yes po. Sobrang thank you tita sa pagbigay sa akin ng opportunity para makapag-model ng brand ninyo."
"No worries hija, masaya ako na natutulungan kitang i-pursue ang passion, kung sana ganyan lang din si Sky whatever it takes susuportahan talaga namin sya." That asshole is really lucky to have a supportive parents like them pero sinasayang lang nya.
"Don't worry tita, I will do my best to help Sky improve." Paninigurado ko. Gagawin ko talaga lahat para masuklian ang kabutihan ng parents nya sa akin.
"Tita, paano po kapag nalaman na ni daddy na model ako dito sa company nyo?" Pag-aalalang tanong ko.
"Wag kang mag-alala hija, kami ni Tito John mo ang bahala sayo. Basta i-enjoy mo lang ang modelling. You're safe here."
Pumunta na ako room kung saan gaganapin ang photoshoot.
As expected, karamihan ng female models ay nagtaas ng kilay, umirap nung makita ako pero wala akong pake dahil hindi naman sila ang ipinunta ko dito. Marami talagang toxic na tao.
Inayusan na ako at nagpalit ng damit.
Nag-start na ang photoshoot. Feel na feel ko ang bawat pose at click ng camera. Puro papuri ang natatanggap ko sa photographer at mga stylist nila.
"You're gorgeous Chanelle." Sabi ng stylist.
"Thank you."
"We look forward to work with you more in the future."sabi ng photographer.
Masarap pala sa pakiramdam na may maka-appreciate sayo sa paggawa mo ng mga bagay na gustong-gusto mo.
After ng photoshoot ready na ako para umalis. May tatlong babae na lumapit sa akin at tinarayan ako.
"Don't you know how to greet your seniors?" Sabi nung kulay red ang buhok
"Kabago-bago mo palang mayabang ka na." Sabat naman nung isa.
"What the hell is your problem?" Mataray na sabi ko sa kanila.
"Aba ! At talagang mayabang ka ano? Mas nauna kami sayo kaya rumespeto ka."
"Respect begets respect. Ang galing ninyong magdemand ng respeto pero kayo meron ba nun? Is that how you treat a newbie? Kawawa naman pala ang mga papasok dito as models. Mas mayabang pa kayo kesa sa may-ari ng kompanyang nagpapasweldo sa inyo." Diretsahan kong sabi sa kanila. Totoo naman eh, masyado silang ma-attitude. Nabigyan lang ng kaunting exposure akala mo hindi na mahihigitan.
Natahimik sila sa sinabi ko. Akala nila basta ako magpapatalo sa kanila. I never called as
Dr. Chanelle Lianna Buenaventura for nothing.
Bago pa man ako tumalikod sa mga impaktitang ma-attitude may tumawag sa pangalan ko.
"Liaaaaaannnnnnnnnaaaa !" Sigaw ng babaeng akala mo ten years akong hindi nakita.
"Stop calling me Lianna. It's Chanelle." Naiiritang sabi ko.
Nagtinginan naman ang tatlong impakta nung lumapit sa akin ang pinsan ni Sky...si Summer.
Mas matagal na kasing superstar itong si Summer pero down to earth. Kilala sya pagdating sa modelling.
"What brings Dr. Buenaventura here?" Curious na tanong nya. Sasagot na sana ako ng sumabat naman ang isa sa mga impakta.
"Doctor kaaaaa?" Parang gulat na gulat.
"Yes. She is a doctor. The daughter of Mr. and Mrs. Buenaventura that owned a well-known hospital in our country. Why? Nagmaldita na naman kayo?" Mataray na tanung ni Summer.
Agad nag-alisan ang mga impakta dahil sa sinabi ni Summer.
"Wag mo intindihin yung mga yun insecure lang sila sayo. Mas maganda ka namang hindi hamak kesa sa kanila."
"I know right." Pabirong sabi ko.
"Kumusta naman kayo ni Sky?" Biglang tanong nya.
"What about Sky? Bakit nyo sa akin kinukumusta ang playboy na yun?"
"HAHAHAHA. Wala naman Lianna. Nagbabakasakali lang ako na may dapat akong kumustahin sa inyo." Nakakalokong sabi nya.
"Summer, I have to go.. see you next time."
"Sinong kasama mong uuwi?"
"Ako lang? Wala naman akong kasamang pumunta dito."
"Eh bakit nandito sya?" Sabi nya sabay turo kay Sky na nakaabang lang sa pintuan.
Napatingin ako sa gawi ni Sky at kahit ako man ay nagtataka sa kanya.
"Bakit ka andito?" Tanong ko kay Sky
"Bawal na ba akong pumasyal sa kompanya namin?"
"Actually, hindi naman. Bakit? Dito ba sa dressing room ang opisina mo?"
"Okay... alis na ako? Masyado kayong hot, nakakapaso." Paalam ni Summer.
"I'll go ahead also."
"Di ko naman tinatanong." Pambabara ni Sky
"Hindi ko naman sayo sinasabi." Marunong na rin akong mambara ngayon.
Sabay na kaming lumabas ni Summer. May balak kasi akong puntahan kaya kanina ko pa gustong umalis.
Chapter 7
I went to a clinic of my college friend, Patricia.
She is a psychologist. Gusto ko kasing malinawan about Sky's behavior.
Since I am also a doctor aware ako na may mga bagay na nagti-trigger sa ganoong behavior nya.
Hindi naman pwedeng forever akong bubuntot sa kanya para lang pigilan sya sa mga kalokohan nya.
"Hey Patricia !"
"Hey Chanelle. Long time no see."
"May gusto sana akong i-consult sayo. It's about a friend of mine na gustong patinuin ko as requested by his mom."
"Ano ba yung problema sa kanya?"
"He is too playboy. Paiba-iba ng babae at different places. Parang walang balak magseryoso sa buhay kaya nag-aalala ang parents. Hindi ko na rin kasi alam ang dapat gawin sa kanya para tumino."
"Oh I see. It's a Casanova Complex."
"Anong cause non?"
"When a guy becomes playboy, it's because he is insecure. Pwedeng mas nakahihigit sa kanya yung partner nya o pwede namang hindi sya napapansin nung talagang gusto nya for some reasons. At dahil dun nagsisilbing trophy ang mga babae para sa kanya, the more na maraming pumapatol sa kanya tumataas yung confidence nya. Kapag mas maraming pumatol sa kanya natatabunan ng confidence na nakukuha nya yung insecurity na nararamdaman nya over someone or something."
"Insecure?"
"Yes Chanelle. Naiinsecure din ang mga lalaki kapag pakiramdam nila hindi worth it."
"Ano naman ang pwedeng solusyon dun?"
"Heart to Heart talk. Iparealize sa kanya na pwede nyang iboost ang confidence sa paggawa nya ng mga bagay na makabuluhan o gusto nya hindi sa pagpapalit ng babae.
O makatuluyan nya yung dahilan ng insecurity nya."
"Thank you Patricia. This will help me a lot. Magkano naman ang consultation fee?"
"Ilibre mo na lang ako sa free time mo."
"Sure. I'll see you next time."
Habang nasa biyahe ako pauwi ay hindi pa rin ako mapalagay sa idea na insecure si Sky. He has the looks, money, fame and everything. Wala akong makitang dahilan para mainsecure sya.