Chapter 16

820 Words
MAAGA akong pinagising ni daddy sa katulong namin. Meron daw kaming importanteng pupuntahan. Kinakabahan man ako ay nag-ayos ako at sumama. Kasama ko si mommy at daddy sa sasakyan. Pareho silang walang imik at kahit ako hindi na rin nagawang umimik. Hindi ko maitanong kung saan kami pupunta. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang nasa biyahe kami. Naisip ko si Sky. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya pero mas natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ng daddy ko at wag naman sana. Maawa sana sya kahit sa magiging apo na lang nya. Sobra na ang sakripisyo nya para sa akin at sa magiging anak namin. Alam ko na gustong-gusto nya akong puntahan sa mansion pero mariin kong ipinagbawal sa kanya na wag mangahas sa pagpunta sa amin dahil mababalewala ang mahinahon kong pagsama sa mga tauhan ng daddy ko. I want to fight for what I want this time. I want to fight for my own family. I want to do .my part to prove my love for Sky. NAKARATING na kami sa aming destinasyon. Sa ospital na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Ipinarada ang sasakyan at dumiretso na sa loob. May mga doctors at nurses silang kinausap na hindi ko maintindihan dahil malayo ako sa kanila. Lumapit sa akin si mommy at inaya ako papasok sa loob ng isang room. "Mommy anong ginagawa natin dito?" Kanina pa ako kinakabahan pero mas tumindi ngayon. Dumadagundong ang dibdib ko sa pinaghalong kaba at takot sa hindi ko mawaring dahilan. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa akin ngayon. Kailangan kong makaalis dito. "Daddy mo na lang ang bahalang magsabi sayo." Malungkot na sabi ni Mommy. Wala na akong balak pang pakinggan kung ano ang sasabihin ni daddy basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makaalis na dito. Ang tanga ko naman kasi ! Bakit ako sumama dito ng hindi man lang nag-iisip. "I am sorry mommy but I have to go. Kung may meeting kayo ni dad with the staffs just go on. Uuwi na po ako." Pagdadahilan ko kay mommy. "And where do you think you're going?" Cold na sabi ni dad. "Uuwi na po." Kalmadong sagot ko. Akma na akong lalabas ng kwarto ng hinawakan ako ng mahigpit sa braso ng daddy ko. Sabay-sabay nagsipasok ang mga doctor at nurses sa loob ng kwarto. "Sinabi ko na sayo na hindi mo ako basta pwedeng kalabanin. Hindi porke hinayaan kitang umalis at magpabuntis sa lalaking yun ay okay lang sa akin. Ngayon mo masusubukan ang bagsik ko." He said while grinning devilishly. Sabay-sabay akong hinawakan ng mga nurse at doctor at pinilit na pahigain na parang bakang kakatayin. "Dad please! Maawa ka sa anak ko, kahit sa anak ko lang. Please!" Pagmamakaawa ko kay Daddy. "You're begging now? My mighty, rebellious daughter is begging for the life of her child. How touching." Umiiyak ako sa kanya habang nakahiga na lang at nakatali ang mga kamay at paa. Walang pagmamahal o ni kahit kaunting awa man lang ang mababakas sa mukha nya. Mas masahol na sya ngayon sa halimaw na gustong ipa-abort ang sarili nyang apo. Dumako naman ang tingin ko sa mommy ko na diretso lang na nakatingin sa akin. Wala ring emosyon ang mababakas sa mukha nya. "Mommy please!! Wag niyong gawin ito." Nagmakaawa din ako kay mommy baka sakaling umiral ang pusong ina nya para sa akin at sa magiging apo nya. "Kasalanan mo yan dahil matigas ang ulo mo." Kalmadong sabi nya at bahagya akong inirapan. Kung noon ay concerned sya lagi sa akin, ngayon ay parang diring-diri sya sa akin. Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa sakit ng pilit nilang pag-alis ng aking anak at pagkitil sa buhay nya sa loob ng aking sinapupunan. Walang patid ang pagtulo ng aking mga luha at pagmamakaawa sa mga taong parang wala ng puso. Nanghina ng tuluyan ang aking katawan at kasabay nun ang pakiramdam ng pagkawala ng tuluyan ng buhay na iningatan ko sa loob ng limang buwan at hihintayin pa sana sa loob na lang ng apat na buwan upang maging ganap na ina. Gusto ko na ring mamatay. Sana pinatay na lang din nila ako. Hindi ko alam kung paano ako makakapagsimula ulit na dala-dala sa isip at puso ko ang hirap at pait ng pagpatay nila sa anak ko. Galit ako sa mommy at daddy ko. Galit na galit. Walang silang konsensya. Paano nila nagawang kitilin ang buhay ng sarili nilang kadugo. Hindi ko sila mapapatawad. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa akin at sa anak ko. Hindi ko itong magagawang palagpasin. Manhid na ang katawang lupa ko ngunit nanunuot ang sakit sa buong puso at kaluluwa ko. Wala akong mahingian ng tulong. Si Sky.... Sana puntahan nya ako, gusto kong makaalis sa impiyernong ito. Hindi ko na maaninag ng maayos ang mga tao dito sa room na nagsagawa ng abortion sa akin, unti-unting nanlalabo ang aking paningin hanggang sa maging blanko na ang lahat. Ang tanging natatandaan ko na lang ay ang boses ng isang lalaki na tinatawag ang pangalan ko.... Ang lalaking kanina ko pa hinihintay....ang asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD