Caspian Jyn’s POV “Are you okay?” Asper asked as soon as we reached the garden. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil ang palad ko habang mataman siyang nakatingin sa akin. “You can talk to me, Cee.” Saglit lang ang itinagal namin sa throne hall at nag-aya na ako na maglakad-lakad kami dito sa palasyo para makapagpahangin hanggang napadpad kami dito sa garden. Pareho kaming hindi nagsasalita habang naglalakad. Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi naman din siya nag-aabalang magsalita. Ngunit sa huli ay hindi niya nakayanan ang katahimikan sa pagitan namin at tuluyan na itong binasag. Ngumiti ako sa kanya. “I am not fine but it is okay, baby.” Bahagya ko siyang hinila palapit sa akin at pinulupot ang mga braso ko sa kanyang baywang. “This is not the first time

