Asper Reign’s POV Jyn, together with Lair and Cassandra, toured me around the city of Vit as soon as we landed on the mainland of Avenir. Ang sabi nila, ito ang pinakapopular na syudad sa buong Svart City dahil para itong Yain City ng Hexoria. Dito matatagpuan ang karamihan sa mga popular na kainan na talaga namang nagse–serve ng iba’t-ibang klase ng cruisine na pasok sa panlasa ng mga dayuhang tulad ko. At sa pag-iikot namin ay isang bagay lang ang napansin ko. “Bakit walang kahit isang branch ang JFCC dito?” tanong ko kay Jyn habang hinihintay ang mga pagkain na in-order sa isang high-end restaurant na hindi kalayuan sa kumpanya na pupuntahan ko mamaya. “You were born here. Dito ka din nagtapos ng pag-aaral, hindi ba? At hindi ka agad nag-migrate sa Hexoria nang magdesisyon na ang pa

