Asper Reign’s POV Alam kong hindi tama ang mga sinabi ko kay Clea pero mas makakabuti na din iyong ngayon pa lang ay tigilan na niya ang plano niyang paghabol kay Andrel kung wala din naman siyang planong lumaban para sa sarili niya. She grew up depending everything on the people around her. Hinayaan niya ang mga taong iyon na kontrolin ang buhay niya. At hindi ko naman siya masisisi tungkol sa bagay na iyon dahil sa totoo lang ay higit iyong madali. Yes, hindi masayang mabuhay sa ganoong paraan pero natural na sa tao ang piliin kung ano ang mas madali kaysa mas masaya. Pero sinubukan niyang makawala doon kahit paano. Namuhay siya sa labas, nagkaroon ng iba’t-ibang koneksyon pero iyong kalayaan niyang iyon ay hinayaan niyang dumepende pa din sa ibang tao. Up until now, she hasn't done

