Cazdrin Ivan Alcantara
Today is saturday and we've been invited in Acosta's Modern House kung saan daw madalas natutulog ang mag pipinsan. I heard it's called Rock House?
Matagal na kami mag kakakilala, about 10 years. Since grade school kami it was second grade in elementary. We were seven yearsold when we all get along.
Buhay pa si Garnet
Garnet was used to be my best among all of my friends. Kahit 5 years ang agwat namin ay sya ang naging kuya ko since i was the eldest son of Alcantaras'.
Kahit noong tumira na sya sa London ay in touch parin kami. Until one week syang hindi nag paramdam at nalaman kong naaksidente sya kasama ang isa nyang pinsan at sumabog ang sinasakyan nila pero naka labas ang pinsan nya.
At si Astrid yun.
Matagal konang kilala si Astrid. And aaminin kong may galit ako sakanya ng bumalik sya dito sa pilipinas. Pero nang sinubukan ko syang sumbatan--i saw that she was too affected. Ako pa tuloy ang na-guilty.
"Tara tuloy kayo" pag papapasok samin ni Aiden.
As usual ay kaming tatlo parin nina Dremion at Kriz. Nakakagulat nga na ang bilis nilang maging close ng walang intention of flirting. Maybe Astrid can get along with the boys better than anyone else since lumaki sya sa pamilya ng mga lalaki.
"Why did you invited us for?" Tanong ni Kriz.
"May favor lang kami if is it okay" sabad ni Aquil na pababa ng hagdanan.
"Ano?" Tanong ni Dremion.
"Mag kakaroon kami ng exclusive meeting. Since hindi pa legal age si Astrid--she can't go with us---" i cut him off.
"And your favor is for us to babysit her?"Kunot Noong tanong ko at nag iwas naman sila ng tingin at tumango.
"Not babysit but look after her" sabi naman ni Aiden
"Ganon din yun" mahinang singhal ko
"Malaki na sya...why do we still need to?" dagdag ko pa.
"Astrid is in big danger since she's the one and only woman who has a blood of an Acosta. We can't afford her tobe hurt" kunot noo naman naming tinignan si Craine.
"At kaya kami ang sinasabit nyo sa gulo nyo?" Iritang tanong ko.
Pare-parehas naman silang bumuntong hininga.
"I don't wanna say this---but Astrid is like a treasure for the whole Acosta Clan. Especially for G-garnet. He even said before the accident happen na kaya nyang mamatay para kay Astrid---and he did. Sana hindi masayang yung sakripisyo ng kapatid ko sa kadahilanang mapapahamak parin si Astrid" napa iwas ako ng tingin.
Now i am cornerd.
"Ako ayos lang sakin" sabad ni Dremion.
"Mee too. No problem. Si Astrid naman yan" gatong ni Kriz.
"Okay then" napipilitang sabi ko at pare-parehas naman silang lumiwanag ang mukha.
"Let's eat breakfast" aya ni Brendiv at sumunod nalang kami.
Pero bago kami makapasok sa dining room ay may wall na punong puno ng picture. Huminto ako para tignan ang mga yun.
Typica pictures na silang mag pipinsan lang ang makikita. Simula nung bata sila hanggang ngayon.
Nangunot ang noo ko ng makita ang isang litrato.
Si Astrid ba to?.
She looks completely different though nandun parin yung Astrid. What i mean is---she looks so girly in this picture.
Naka dress sya na itim na mas nag patingkad ng kutis nya at kulay pula ang buhok nya na para bang hindi intensyon at natural na tumubo at hindi kahabaan na hanggang lampas balikat lang. And she, i think naka light make up sya dito dahilan para mas ma highlight ang features nya. Napansin ko naman ang naka akbay sakanya...hindi isa sa mga Acosta pero pamilyar.
Binalik ko ang tingin ko kay Astrid. She's smiling from ear to ear. And she never did smile like that ngayon. Oo ngumingiti sya pero hindi ganyan ka ganda.
"Ang ganda diba?" Napalingon naman ako sa tabi ko at nakita si Hemilton at Mateo.
"S-si Astrid yan?" Tanong ko at ngumiti naman sila at tumango na para bang proud na proud sila.
"That time her eyes still shines and she still smiles beautifully---kahit namatay na si Garnet. She still affords to smile and look beautiful... Inlove eh" kwento ni Mateo habang naka titig sa litrato ni Astrid.
"Sino yung naka akbay sakanya?" Tanong ko at tinitigan ang pamilyar na lalaki.
"Shantil del Rosario" nangunot naman ang noo ko ng ma realize kung sino yun.
"Naging boyfriend nya si Shan?" Nabibiglang tanong ko.
Maging si Shan ay iba pa ang hitsura dito. He still looks innocent. Well he's not.
"Oo. Pero matapos din ang isang taon ay nag hiwalay sila---at dun nag simulang mag bago si Astrid. She changed her natural red hair died into blue. She never used make ups, she never wore skirts and tank tops, she even used her ability to race just to get what she want. Pati narin ang pagiging boxing player nya ay ginamit nya para lang sa pakikipag away nya" napatitig ulit ako sa litrato ni Astrid.
Parang napakamahal ng ngiti ni Astrid sa litrato na yan.
Maging ang pagtindig nya ay nag bago.
From dresses to hoodies. From skirts to shorts and jeans. Ang laki ng pinag bago nya.
"Tara na sa dining" aya ni Hemilton kaya sumunod nalang ako at nakitang nandoon na rin si Astrid.
"I can handle myself! Bakit kailangan nyo pang mang abala?" Iritang tanong ni Astrid sa mga pinsan nya.
"Baka gusto mong matulog sa bahay natin?" Sarkastiko na tanong ni Aiden.
"Sabi ko nga...di naman nakaka abala Dre?" Tanong nya sa katabi at ngumiti si Dremion at tumango. "Eh ikaw Kriz?" Tanong nya kay Kriz na naka upo sa tabi ni Galaxy sa medyo kalayuan sakanila.
"Ayos lang. boring din naman sa bahay" naka ngiting sagot ni Kriz at ako naman ang nilingon ni Astrid.
"Ayos lang ba?" Her smile dissapeared nang ako na ang tanungin nya.
"Oo" tipid kong sagot at umupo sa harapan nya.
Pasimple ko pa syang tinitigan habang nakikipag kwentuhan sya like i always do.
She really did changed a lot.
Her eyes were too blank kahit ngumingiti sya. Hindi katulad nang nasa litrato na parang kumikinang at talagang masaya sya.
Her smiles are not fake. Pero kung makikita mo ang luma nyang litrato nya--hindi man peke ang ngiti nya ngayon ay tipid na kumpara sa dati.
Hindi ko alam pero gusto kong makita ulit yun. Gusto kong makita yung kinang sa mata nya, gusto kong makita yung magandang ngiti nya.
I sound crazy.
Matapos naming mag breakfast ay nag pahinga lang kami at nag usap kung anong oras kami babalik para dito matulog.
Napag desisyonan namin na 7 pm since 8 pm pa naman ang flight nila Aiden.
Ihinatid ko muna ang mga kapatid ko sa tita ko at sinabing may importante akong gagawin. Wala namang tanong tanong ay tinanggap ni tita ang dalawa kong kapatid since mag isa sya sa bahay dail matatanda narin ang anak nyang si Yssa at si Ate Natasha.
At hanggang sa pag uwi ko at pag balik sa Rock House ay naiisip ko parin ang mga ngiti nya.
Gusto ko talagang makita... But how? I can't even make her smile and i can't even say that i will. Dahil alam ko nasasaktan lang sya kung ganon.