Two

1837 Words
Agamani Astrid Ghaile Acosta "AGAMANI ASTRID GHAILE ACOSTA!" Malakas na tawag sakin ni Vreu kaya nag tinginan ang mga tao. "LETSE PWEDENG MAGTAWAG NG MAHINA!" Angil ko ng pasigaw pero sapat lang para sindakin si Vreu. "Acosta? Woah! May babae palang Acosta?" "Baka naman asawa ng isa sakanila" "Asawa?! Hello?! High school palang tayo!" "Duh! Ganon sa mayayaman!" "Bakit kasi hindi ka sumabay?" Tanong nya ng makalapit sila nina Galaxy. "Alam nyo unang araw sa school nag si-inom kayo kagabi. Edi walang nag hatid sakin!" Angil ko rin na ikinakamot ni Mateo sa batok. "Nga pala sa section ka namin---" agad ko syang nilingon. "Section nyo? Eh balita ko panay lalaki kayo dun ah?" Tanong ko at si Hemilton naman ang sumagot. "Naka-usap ni Aiden yung board. Hindi ka kasi pwede sa higher sections lalo na't loko ka rin sa previous school mo" napa irap naman ako. So does this mean na mag iisang babae lang ako sa Section nila?. Ha! Nag iisang babae na nga sa bahay at pamilya pati ba naman sa eskwela!? Wala akong nagawa kundi ang sumama sakanila kaya pinag titinginan kami ng mga studyante--given the fact that we're Acostas' at kilala ang mga Acosta. Pero alam kong clueless sila dahil wala talagang Acosta na babae. "Bakit naka lugay ka? Ang init!" Sita ni Vreu sa naka ladlad kong buhok. "Di ko bagay ponytail" tanging sagot ko at tuluyan na nilang binuksan ang pintuan. Napatingin samin ang mga tao sa loob---sakin tobe exact. Bukod kasi sa bad records ako ay hiwalay ang building na to sa ibang sections kaya nakakapag taka talaga na may babae. This Building is designated to Marivlloso 1-4 which is a section for boys with bad records. Hiniwalay nila ang building ng apat na klase sa sobrang gulo ay baka daw madamay ang ibang section kapag dinisiplina ang mga Marivlloso "Hm?! Bat may babae?" Tanong nung isang lalaki na naka upo sa pinaka unahan at inginuso pa ako. "Uy sino yan?" Tanong naman nung nasa likuran na si Mateo ang kinausap. "Pinsan namin...kapatid ni Aiden, Aquil, Andrew at Andrei" napa irap naman ako. Kailangan talaga isa-isahin mga kapatid ko? Ganon? "Eh? Bat nandito yan?" Tanong naman nung nasa pinaka dulo at nginuso ulit ako. Pitpitin ko kaya nguso nyo? "We can't leave her" si Galaxy ang sumagot. "Hwa, first time in the history ata na may babaeng Acosta" sabi nung isang lalaki na familliar--parang sya yung----"teka? Ikaw si Cassanova!" Sabi nito at tinuro pa ako. Sabi na pamilyar "I'm not Cassanova" sabi ko at tumingin sa paligid. Marami namang bakante--ket saan nalang. "Tara dun" aya ni Mateo at tinuro ang isang row na walang naka upo. Sumunod nalang ako sakanila habang ang ilan sa mga kaklase namin ay pinapanood ako. Oo ako. Hindi naman sa assumera ako pero obvious lang talaga sila. Maya maya lang ay pumasok na ang prof at hindi na nag taka ng makita ako sa classroom ng section na pang bad records. "Why don't you introduce yourself?" Naka ngiting tanong ni Prof Martinez--ayaw ko namang maging bastos kaya sige nalang. Tumayo ako at isinensyas nya naman na lumapit ako sa harap kaya ginawa ko nalang. "I'm Agamani Astrid Ghaile Acosta. Just call me what you want and you have three choices" sabi ko at tumayo naman yung lalaki kahapon. "Akala ko ba Cassanova?" Napa irap naman ako. "Saan ka naman naka rinig ng matapos mong marinig ang tama ay totoo ang akala" muntik na kong mapangiwi pero hanggat maari i want to be neutral dahil sa totoo lang feeling ko lahat ng hindi ko kamag anak ay pina-plastik lang ako dahil sa pagiging Acosta ko. Pati nga syang mga kamag anak ko ay mga plastik Bumukas naman ang pituan at iniluwa non ang isang lalaki---sya yung lalaki kahapon. Kunot noo pa syang tumingin sakin. "Bakit may babae dito?" Tanong nya at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Gago--gwapo ka? Parang nilalait ako sa tingin eh! "Introduce yourself to him Acosta" sabi ni Prof pero nag taas lang ako ng kilay. "I already told who i am so i don't need to repeat my words" mataray na sabi ko at hinarap si Prof. "Oh, sorry for being rude" sabi ko at nag lakad pabalik sa upuan ko. Nangungulangot pa nga si Hemilton eh--kadugyutan. Minos 10 points sa kagwapuhan and add 20 sa kadugyutan. Naging payapa naman ako sa loob ng room na yun pwera nalang sa palingon lingon ng ilan kong kaklase sakin. Oo na! Oo na! Tanggap ko na! Ako na maganda! Matapos ang mga klase ay nakita ko ang iba kong pinsan at kuya na nag aabang sa labas ng room namin. "Agamani!" Napahinto naman ako at nilingon kung sinong hudlong ang tumawag sakin. "Oh?" Si Vreu ang sumagot "Ikaw si Agamani?" Naka ngiwing tanong nung lalaki. "Hindi" naka ngiwing sabi ni Vreu. "Hey! Let's go" napa lingon naman kami sa pintuan at nakita namin sina Kuya Aiden na todo simangot habang nag aantay. "What is it?" Tanong ko sa lalaki na nag tawag sakin. "Nevermind. It seems like your cousins doesn't want to to make friends" tumango nalang ako at naka ngiwing tinignan ang mga pinsan ko bago nag paunang lumabas. "Uy chix!" "Ay! Wala, kasama ng mga Acosta pre" "Bantay sarado ah?" "Sino kaya boypren nyan sa mga yan?" "Bakit ba kasi nandito ako sa buliding ng mgal alaki? And worst, boys with bad records!" Iritang tanong ko at inakbayan nalang ako ni Vreu. "Nakakahiya naman ang record mo" puna ni Kuya Aquil "Baka mamaya apihin ka ng mga babae dun!" Sabi niya at humalakhak. "Oh? Cazdrin!" Bati ni kuya Aquil kaya napalingon ako sa binati nya. Yung tatlong lalaki kahapon sa mall... "Aquil" bati rin nung nasa gitna na jowa nung babae kahapon at nakipag batian kay kuya at sa mga pinsan ko. "Seems like you have someone here?" Puna nito sakin. "Uhmmhmm. Bunso namin. Si Astrid" sagot ni kuya Aiden at inakbayan din ako. "Krizanto" pakilala nung isa at nag lahad pa ng kamay at tinignan ko naman yun bago abutin. "Nice meeting you" tamad kong sabi at agad binawi ang kamay. "Oh! Wala muna poporma dito ha?" Si Kuya Bren ang nag sabi kaya napa ngiwi nalang ako. "Ito naman si Dremion" turo nito sa lumapit sakin kahapon. "Akala ko talaga Cassanova ang pangalan mo!" Kasabay pa nun ang pag hagikgik at pag lahad ng kamay kaya kinuha ko nalang rin. "Sabay sabay na tayo" aya ni Hemilton kaya mas napasimangit ako. Napagigitnaan ako ni Vreu at ni Kuya Aiden at ang iba naman ay nakapalibot samin habang nag lalakad kami pababa papunta sa kabilang building para sa Cafeteria. "Kyaahh! Yung mga Mariv-4!" "Omg ang gwapo mo papa Hem!" "Brendiv!" "Ang gwapo ni Caz!" "Dzuh?! Dremion for the win!" "Uy may kasama silang babae!" Nag patuloy lang kami sa pag lalakad papasok sa Cafeteria hanggang marating namin ang pinaka gitnang lamesa. "Tara, Sino sama sakin bili ng foods?" Tanong nung Dremion na alam ko naman na walang mga balak ang mga ugok na to kaya tumayo ako. "Ako na" sabi ko at tinanggal ang bag ko at ibinato kay kuya Aiden na kaharap ko. "Sama ko!" Si Hemilton ang nag sabi bago kami tumuloy sa counter. "Madalang ang babae sa Acosta kaya nakakabigla na may pinsan silang babae" pag o-open ni Dremion ng topic. Mukha namang okay. Sige na nga kausapin mo na "And it wasn't easy to be only girl" naka ngiwing sabi ko na ikinatawa ni Hemilton. "So tell me, sino ang pinaka paborito mo sakanila" tanong ni Dremion habang nakapila kami. "Honestly? Pinaka madalas ko talagang makasama si Vreu at Aimir kahit nung nasa London pa ko" napatango naman sya. "Pero syempre pantay silang lahat" sabi ko at nag kwentuhan pa kami. "Parang hindi ko pa nakikilala iyong Aimir" sabi ni Dremion kaya napatango naman ako. "Pinaka matanda sa aming lahat. Kapatid ni Kuya Brendiv" napa ahh naman sya. Pag balik namin dun ay mag tatlong higad--este babae ang nandoon. "Oh! What is this b***h doing here?" Taas kilay na tanong sakin nung babae sa resto kahapon. Tss. Brian ata ang pangalan. Sabagay bagay sakanya--bruskong pabebe. "Would you wash your mouth" naka ngiwing bulong ni Kuya Bren habang tinutulungan kaming ayusin ang foods na binili namin--sakto lang samin. "Sino ba ang babaeng yan?! Kahapon pa yan ha?" Maarteng sabi nung babae na yan ata yung nakabanggaan ko kahapon. Birds with the same feather, flocks together. Now i get it. Para silang worst version ng Powerpuff girls. "Babe, may race sa Blashzone later. Pupunta kayo?" Tanong nung babae na hindi pamilyar sakin kay Kuya Aquil na halata namang nairita kaya nilingon ako. Tinaasan ko sya ng kilay. Ngina nyo pag nag punta kayo sasama ako! "S-sino sino ba ang mag lalaro?" Tanong ni Hemilton. "Sina Brakus" napangiwi naman sila pare-pareho. "Sige mag lalaro kami" si Kuya Aiden mismo ang sumagot at tumango naman iyong Cazdrin. "Sama" tinig ko kaya nilingon nila ako. "Nag ka-karera ka rin?" Tanong ni Kriz. Napalabi naman ako. "Hindi" alanganing sabi ko at tinignan ang pag kain ko. "Bakit di nyo turuan?" Tanong ni Dremion kay Kuya Aiden. Mas magaling pa ko dyan! May topak lang talaga at ayaw ako pagkarerahin! "Wala pa sya sa legal age" katwiran nito kaya napa irap nalang ako. "Basta sasama ako" sabi ko at nag angat ng tingin at nasalubong ko naman ang matatalim na tingin nila sakin maliban dun sa tatlo (si Cazdrin, Dremion at Kriz) At yung tatlong higad ay nandito pa pala. Tinaasan ko ng kilay ang mga pinsan at kapatid ko. "Osige. Bugbugin ko nalang ang m---" kuya Aiden cut me off. "Oo na" napa ngisi ako at kumain ulit. "Babe, wag nyo na isama yan. Pabigat lang yan!" Angal nung higad na Brian. "Pabigat--wow" bulong ko at siniko naman ako ni Vreu. "Kapal din ng apog nito na tumabi sa inyo ng babaeng yan nuh?" Asar na sabi nung nasa gitna. "Pwede na kayong umalis?" Inis na tanong ni kuya Aquil na parang napikon. "What?" Mataray na tanong nung babae. "Nakaka bastos kayo eh." Inis na sabi ni Kuya Bren. Inis akong nilingon nung babae. Ngayon ay pinapanood na kami ng mga studyante. "Sino ka ba kase?!" Inis na tanong nya kaya tumayo ako at pinatong ang kamay ko sa lamesa. Tinaasan ko sya ng kilay. "Wag na. Baka makababa sayo" sabi ko at nginitian sya ng nakakaasar. "Babe!" Angil nung babae kay Cazdrin na parang nag susumbong. Tinaasan lang sya ng kilay nito. "b***h!" Nilingon ko si Hemilton at kuya Aquil na napatayo na. "Kapal" bulong ni Kuya Aiden. "Tigas ng mukha mo noh? Kanina pa sinabing umalis ka!" Pasigaw na sabi ni Kuya Aquil kaya hinawakan ni Kuya Aiden ang braso nito. "Leave" gatong ni Vreu sa tabi ko. "What the f**k?! Nag hihumunterdo kayo dahil sa bruha---" hinampas ni Caz ang lamesa. "Just leave will you?" Blangko na sabi nya dahilan para mangiyak ngiyak yung babae na tumingin sakin bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD