Twenty-two

1852 Words
Brothers Agamani Astrid Ghaile Acosta Matapos namin mag punta sa cliff house nila Filip ay umuwi narin agad kami. At ngayong umaga, hindi inaasahang tao ang bumati sakin ng magandang umaga. Naka uwi na sila. "Ghaile! Let's eat!" Tawag sakin ni Tita Amanda, asawa ni Tito Hein na parents ni Hemilton, Mateo at Kuya Sherwin. Hindi ko maintindihan kung bakit dito sila dumeretso sa bahay naming mag pipinsan kung ganon naman na higit ma mas malaki ang Central Mansion kaysa dito. Pag upo ko sa lamesa ay hindi ko magawang ngumiti sakanila gaya ng ginagawa nila---mga plastik "Ma, bat dito kayo dumeretso?" Naka bisangot na tanong ni Mateo kay tita Amanda. "Why Mateo, don't you wanna see us?" May himig parin ng pag ka istrikta sa boses ni Tita Sapphire na asawa ni Tito Bret. Parents naman nila Kuya Craine and kuya Brendiv and kuya Aimir . Panganay kasi si Tito Bret sa Mga Acosta na anak ni Lolo kaya sya ang may pinaka matanda ring anak. "Hindi naman sa ganon ma--but madami kami rito and this house is just an average, yet you decided to go here at hindi nalang kami ang ponatawag sa Central Mansion" may pag ka asar na sabi ni Kuya Craine--agpalaban! Dun ako kay Craine Acosta! "Hm, then later pupunta kayo sa Central Mansion since Andrei, Aiden, and Andrew is back." Sagot ni Tita Zenith. Asawa naman ni Tito Garret na parents ni Galaxy at ni kuya Garnet. "Sayang lang hindi na kayo kumpleto" malungkot na sabi ni Tita Zenith. Nag katinginan kaming mag pipinsan since wala pa pala kaming nababanggit sa pag papakita ni kuya Garnet. "Contact him Ghaile" siniko pa ako ni Kuya Aiden. "Why would i?" Pabalang na tanong ko at sinamaan nya ako ng tingin kaya napa singhal nalang ako at tumango. "Sinong i-co-contact?" Nai-intrigang tanong ni Mommy samin kaya umiling kami. "Ikaw Ghaile...baka mamaya may nobyo ka na" matatalim na tingin ang binigay sakin ni Tita Amanda kaya nag baba ako ng tingin at palihim na kumusilap. "At baka mamaya--mag loko nanaman dahil sa lalaki" kinuyom ko ang kamay ko sa sinabi ni Tita Zen "Mom!" Suway ni Galaxy sakanya at matunog na umismid lang ito bago bumalik sa pag kain. Matapos din ang umagahan na yun ay binilinan kami na mag handa para sa Familly Lunch mamaya sa Central Mansion. Ang Central Mansion---bahay ng pamilya namin. Si Daddy, si Mommy, at kaming mag kakapatid kasama ang mga kasambahay. I mean our family. Not the Acostas'. Sa pamilya rin namin ibinigay ang Central Mansion na syang pinaka malaki sa 5 symbolic traditional Mansion ng mga Acosta na sya ring pinaka mahalaga. Nag suot lang ako ng tipikal na damit na parati kong sinusuot. Hoodie and a shorts paired with a sneakers at iniladlad ang buhok ko kagaya ng palagi kong ginagawa. Biglang bumukas ang pintuan ng walk in closet ko at sumalubong ang kunot noong mukha ni kuya Aiden. "Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong nya--nahiya ako sa polo at pants nya na pinaresan ng makintab nyang sapatos. "Wala namang iba. Acosta lang ang makikita ko" prenteng sagot ko kaya sya mismo ang nag halungkat sa damit ko at inilabas ang isang off shoulder velvet dress na may crystal designs "Wear it" sabi nya at sa mga sapatos ko naman bumaling bago kuhanin ang stiletto na kulay velvet rin na galing naman sa CL (Christian Louboutin) "I will call Maya to style up your hair" napa irap nalang ako sa sinabi nya at napipilitang kinuha ang dress. Bakla ba to?! Pareha sila ng taste nung ate ni Mikai---ay oo nga pala HIHIHI Sinuot ko narin ang stiletto na napili ni kuya. Sa dinami dami ng heels ko. Stiletto pa talaga. Inayusan narin ako ni Maya ng buhok. Itinaas nya yun ng naka braid ang gilid. Sinuot nya rin sakin ang isa sa mga side hair combs ko na may blue diamonds na pinasadya. Regalo sakin to ni kuya Aimir noong 16th birthday ko. Pag baba ko ay panay naka formal rin sila at bahagya pa nila akong nilingon at napangiti ng makita ang ayos ko. "Woah. It's my first time once againseeing you like that" manghang sabi ni Hemilton at inalalayan pa ako pababa. "Mauna na kayo. Dadaan dito si Kuya Garnet." Nag iba naman ang hitsura nila at binawi ko ang kamay ko kay Hem. "Sige. May tiwala ako kay Garnet. Pinsan parin natin sya. Isa pa rin syang Acosta" blangkong sabi ni Kuya Aquil at lumapit sakin para humalik sa noo. Tinanaw ko naman ang mga palayo nlang sasakyan at maya maya lang rin ay pumarada ang isa Audi. Lumabas doon ang ayos na ayos din na si Kuya Garnet at bahagya pang naka ngiti ng sinalubong ako. "You look effortlessly elegant" sabi pa nya at kumindat "ang gwapo ko kasi kaya ganon" sabi nya at iminwestra pa ang hitsura ko. "Alam ba ni Ms. Painite na pupunta ka sa Central Mansion?" Tanong ko at nilingon nya naman ako at pilit nya akong nginitian. "Won't you call her Mama instead?" Pilit ko rin syang nginitian. "You see... i'm not sure yet" tumango naman sya. "Hindi kita masisisi dahil maski ako ng una ay hindi naniwala" sabi nya at nag maneho. Matagal tagal ang naging byahe namin papunta sa Central Mansion since nasa kalagitnaan sya ng province. "Are you ready?" Alangan na tanong ko sakanya at huminto kami sa tapat ng mataas na security gate na humaharang sa central mansion. "They're all the same old shits Astrid." Sabi nya at ngumiti kaya napatawa ako kaya humagikgik narin sya. Kinausap ko ang guard at hindi muna nag pakita si Kuya Garnet since pinaalala ko rin kila Kuya na huwag muna ipapa alam sa mga nakakatanda na kasama ko si Kuya Garnet. Pumarada kamisa tabi ng mga sasakyan nila kuya Aiden at nag abang naman ang mga servants sa pag baba namin. Nauna akong bumaba at mababang pag yuko ang idinalo nila sakin kasabay ng pag bati. Pero nang nag angat sila ng tingin ay pare-pareho silang natigilan ng makitang naka kapit ako sa braso ni kuya Garnet. "Mr. Gem" gulat na utas ni Wilson. Butler ni Lolo. Tipid na tango at ngiti lang ang sinagot ni Garnet bago kami mag patuloy sa pag pasok. Bawat nadaraanan naming tagapagsilbi ng Acosta ay natitigilan muna bago mag bigay galang saming pareho. Narating namin ang naka sarang malaking pintuan papasok sa Dining room at nang buksan iyon ay inanunsyo pa ang pag dating naming dalawa kaya kitang kita ang gulat nilang ekspresyon ng dumapo ang paningin nila kay Kuya Garnet. Nakakalokong ngisi lang ang naka silay sa mga labi ni Kuya Garnet at tinapunan ng tingin ang mga nasa loob. "What's up mga tanda" pilyong sabi nya at bahagyang binitawan ang braso ko. "Ang ganda ba namin pag masdan ng kapatid ko ng magkasama? Malamang! Ang ganda ba naman nya at sobrang gwapo ko" mahangin na sabi nya at humalakhak pa. Marahang tumayo si Tito Garret at tita Zenith na parang hindi makapaniwala na nasa harapan na nila ang anak. "Oh? Hi Dad! Hi mom!" Bati pa nya sa magulang at kumaway bago nag bow sa mga ibang Acosta. "What kind of fvcking joke is this?!" Matagal na panahon na nung huling makita ko si Kuya Andrei. Naging buo ang boses nya at kung titignan ay mag kasing katawan na sila ni Kuya Aimir. "Andrei? Mukha bang joke ang gwapong mukha ko na to?" Nag dra-dramang sabi ni Kiya Garnet bago ako harapin at hawakan sa braso. "Kausapin mo yang kuya mo! Iniinsulto ang kapatid mo!" Sabi nya at unang nginuso si Kuya Andrei bago ituro ang sarili. "Garnet Gem Acosta--" buong buo ang boses ni Tito Bret ngunit na putol sa pag singhal ni Kuya Garnet. "Garnet Gem Hidalgo" pag tatama nya na may patango tango pa. Natigilan naman silang lahat kaya tumawa si Kuya. "Nakakagulat noh? Hindi nyo rin insahan!" Sabi bya at humalakhak "Anong plano mo?" Naasar pero bakas ang pag ka seryosong banggit ni Kuya Andrew. "Saan?" Painosenteng tanong ni Garnet. "Layuan mo ang kapatid ko---" he cut kuya off "Kapatid ko Andrew---tsk tsk" sabi nya at umiling iling pa. "Tuluyan na bang naalog ang utak mo? Pinsan mo si Ghaile" sabad ni kuya Aimir at iminwestra pa ako. "Yeah. Hindi ko pa yan madidiin dahil hindi pa to ang oras para mag pakita si Mama" sabi ni kuya Garnet at nilaro pa ang kuko. "Mama?" Pabalang na tanong ni Tita Zenith "Mama--yung biological Mom namin Mi. Si Painite Alexandra Hidalgo? Or should i say---Painite Alexandrite Acosta" sabi nya at nag iba ang hitsura na kung kanina ay nag bibiro at nag loloko, ngayon ay seryoso na para bang galit sa mga kaharap. "Your crazy!" Sigaw ni Mommy. "It's better to be crazy than a liar Tita." Mapait na sabi ni Kuya Garnet at sinulyapan pa ako. "Eh kayo? Anong plano nyo sa kapatid ko?" Tanong nya at nginuso pa ako. "Hindi mo sya kapatid!" Angil ni Tito Garret na hindi pinakinggan ni Kuya bagkus ay tinignan ang nananahimik na si Lolo. Tinignan ko rin sya. Bigla naman lumapit sakin si Kuya Garnet at itinuro si Lolo bago nag salita. "Kausapin mo na ang tatay mo. You wanna know the truth right?" Naka ngiting sabi nya at binawi ang kamay. Nanatili akong naka titig kay Lolo hanggang sa tumayo sya. Diretso syang naka tingin samin. "Stop this Garnet" ayun at dumagundong ang mababa at buo na boses ni Lolo sa buong Dining room. "Kayo ba Lo? Ano plano nyo kay Ghaile? Pamanahan ng halos buo ng yaman ng mga Acosta? Para maka bawi sa nanay namin sa paraan na yun?" Mapait na sabi ni Kuya Garnet at inakbayan pa ako. "I believe na hindi papayag si Mama don. Kung gusto nyong bumawi sa anak nyo, at sa isa nyo pang anak, man up lo. Just saying" sabi nya pa kay lolo at kumindat. Bahagya nya pang nilingon ang relos bago bumuntong hininga. "I gotta go for something important. Nice tobe back" sabi nya habang may ngiti sa labi bago ako harapin. "San ka pupunta?" Nag aalalang tamong ko. Muli naman syang lumapit at hinalikan ako sa noo at niyakap ako. "I will be back for you. I will get you from them" mahinang bulong nya habang nakatingin mismo sa mga mata ko bago muling yumuko para halikan ako sa noo. Humarap sya sa mga Acosta na bahagya kaming pinapanood. "I'll be back. At sa oras na malaman o matunugan ko at nang kahit sinong Hidalgo na itatakas nyo ang kapatid ko o itatago. Gagawin ko kayong domino na isa isa pero sunod sunod na pababagsakin. Better think about that because you don't know how Hidalgos' can powerful be" sabi niya habang naka tingin ng seryoso sa mga Acosta. Nilingon nya pa ako at nginitian bago ako talkuran pero hinabol ko ang braso nya. "Don't leave me Kuya" parang bata kongzabi at ngumiti ulit sya. "Kuya will be back" sabi nya at bahagya pang hinawakan ang kamay ko bago nilingon ang mga Acosta at sumulyap sakin at matamis na ngumiti bago tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD