lyneth point of view
Nakatayo ako sa body size mirror habang sinusuri ang suot ko, ng mapansin kong nakatayo si xandrew sa likuran ko habang nakapamulsa suot ang sky blue polo na nakatupi hanggang siko at white cargo pants
you look simple yet beautiful"ngiti nya kaya humarap ako sakanya bago pasadahan ng tingin ang suot kong highwaist pants at croptop
simple nga, kung dati ay nakadress ako at ayos na ayos suot ang mamahaling alahas at branded na sapatos at bag ngayon ay liptint nalang at earings ang suot ko at simpleng sling bags ganon ata talaga kapag nanay kana wala ka ng pakialam sa magiging itsura mo pag lalabas ng bahay
mommy daddy lets gooo!!"lander at nagtatakbo palapit kay xandrew at nagpakarga
nag aya kasi tong si lander mag mall at mag gala kaya eto, wala nakong nagawa dahil ito daw ang first family bonding namin isa pa gusto ko rin magkasama ang mag ama
lumabas na kami ng bahay at nag antay mailabas ni xandrew ang kotse sa garahe, bumaba si xandrew at binuksan ang pinto sa harap
ayoko naman magmukang driver nya kaya dito kana lyneth"xandrew
sasamahan ko si lander sa likod"sabi ko
mommy okay nako dito kayo nalang ni daddy ang magtabi!"ngisi ni lander kaya binalik ko ang tingin kay xandrew na nagkibit balikat lang
see ? Lander wants you to sit next to me"xandrew, kaya wala nakong magawa hinawakan ni xandrew ang kamay ko at inalalayan sumakay ng kotse
umikot sya sa driver seat at inistart ang makina
Maikli lang ang naging biyahe dahil malapit lang naman ang mall, kagaya ng una ay inalalayan at pinagbuksan nya ko ng pinto at kinarga si lander
saan mo gustong mag lunch?"nilapit nya ang bibig sa tenga ng maglakad kami na kinagulat ko
k-kahit san"sagot ko na kinangiti nya
sa kwarto want mo kumain?"tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin
joke"bawi nya habang tatawa tawa
daddy Daddy, I want the big spiderman figure model, can we buy it?"lander
anak display yan sa harap ng toy store you cant buy that"sabi ko na kinasibangot nya
ofcourse we can buy anything for you baby!"malapad na ngiti ni xandrew at kinarga ang anak at naglakad papasok ng malaking toy store
sumunod lang ako sakanila habang busy sila sa pagtingin ng mga laruan
i also like toy car daddy plssss?"lander
hey ms can you take it to the counter?kukunin ko lahat ng ituro ng anak ko"xandrew
okay sr"sagot ng sales lady
Huminto si xandrew at kinuha ang cellphone at may tinawagan,ilan minuto pa ay binaba nya na ang cellphone ng matapos makipag usap at tumingin sakin at ngumiti
hindi mo naman kelangan bilhin ang lahat ng yan xandrew pinalaki kong hindi maluho si lander"sabi ko
let me give to lander what he wants lyneth ngayon nalang ako babawi sa anak natin alam mo kung gaano ko pinangarap ang araw na ito"xandrew
isa pa i owned this whole mall lyneth i bought this last week kaya kahit ano ay kaya kong bilhin para kay lander"xandrew
walang imposible kay xandrew nabilhan nya ng ng condo unit si monica e eto pa kayang buong mall?
natahimik nalang ako at hinayaan nalang silang mag ama
window shopping?"napaigtad ako sa gulat ng marinig ko ang baritonong boses na nagsalita sa likuran ko
tyron?"napangiti ako ng makita sya kumaway sya at gumanti ng ngiti
your with lander?"tyron
mukang kakagaling nya palang sa duty dahil nakasabit sa braso nito ang white lab coat, nakasuot sya ng grey polo na nakatupi hanggang siko habang hawak nya sa free hand ang brown na briefcase, malalim ang ibabang mata nya at medyo gulo ang buhok
ah hehe sorry kagagaling ko lang kasi sa duty 2days nakong walang tulog dahil sa dami ng pasyente kaya eto nagka eyebags nako"nahihiya nyang sabi kaya natawa nalang din ako dahil muka syang ewan
kamusta si lander ikaw?"tanong nya , huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti
okay lang mabilis nagkasundo ang mag ama"sagot ko .nayuko sya at tumango tango ng iangat nya ang ulo ay ngumiti sya sakin
lyneth"kumabog ng husto ang dibdib ko ng marinig ko ang seryosong boses ni xandrew
so pano lyneth i have to go"paalam ni doc tyron at tumingin saglit kay xandrew bago maglakad paalis
lets go gutom na si lander ung mga binili ko for him ang mga tauhan kona ang bahala mag uwi sa bahay"sabi ni xandrew at naunang maglakad paalis ng toy store
nakagat ko ang ibabang labi bago sila sundan na dalawa, walang umiimek samin dalawa tanging si lander lang ang nagsasalita habang naglalakad kami papunta sa jollibee
umupo kami sa tabi ng bintana, tatayo nasana ako para umorder ng maunahan ako ni xandrew
ako na"cold nyang sabi at tumayo na para umorder, naiwan kami ni lander na tahimik lang din na nakaupo
mommy"tawag ni lander
b-bakit anak?"tanong ko, ngumuso sya
bakit lahat ng family na nakikita ko sa mall at dito sa jollibee sweet ang mommy at daddy bakit kayo ni daddy hindi?"tanong nya na kinabigla ko
k-kasi anak hmm"ano bang sasabihin ko na kami ng daddy nya ay hindi na kagaya ng dati?hindi pwedi hindi pa mauunawaan ni lander un ngayon
maya maya pa ay bumalik na si xandrew sa pagkakaupo bitbit ang order namin
daddy pwedi bang dito ka sa tabi ni mommy?"lander at tumayo napatingin sakin si xandrew
ha?"tanong ko. walang tumatayo saming dalawa para lumipat ng pwesto kaya hinawakan ni lander ang kamay ko at hinila patayo. umusog naman si xandrew na wala pa rin imek hanggang ngayon
magkatabi kami ni xandrew sa iisang upuan habang nasa harap namin si lander na nag iisa sa upuan
mommy hindi nyo naba love ang isat isa?"malungkot na tanong ni lander habang nangingilid ang mga luha
b-bakit mo naman natanong yan anak?"tanong ko, nilibot nya ng tingin ang paligid at dun ko napagtanto na napapaligiran kami ng masayang pamilya na kumakain din
don't think that lander, I love your mom so much"xandrew at inabot ang ulo ni lander para himasin
nakabusangot na tumingin si lander sa bintana, kaya nagkatinginan kami ni xandrew
umusog si xandrew sakin at pinulupot ang braso sa bewang na kinagulat ko, hindi ako makagalaw dahil anlapit namin sa isat isa
Wag ka ng malungkot love namin ang isat isa right honey?"nakangiting tanong sakin ni xandrew kaya ngumiti nalang din ako at tumango
sumigla ang muka ni lander at malapad na ngumiti,