"I'm sorry baby. I'm really sorry about my mom's insensitive and irrational act." Kanina pa siya humihingi ng tawad sa akin mula ng umalis kami sa mansyon nila pagkatapos ng nangyaring sagutan sa pagitan namin ng ina niya hanggang ngayon na nakauwi na kami sa unit namin. Nanatili lang akong tahimik na nakasandal sa headboard ng kama dahil haggang ngayon ay naaapektuhan pa din ako ng mga salitang ibinato sa akin ng mommy niya. Feeling ko naapakan ang pagkatao ko. "Baby ko. Pagpasensyahan mo na si mommy ha? Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanya mahal. Hindi naman siya ganun talaga. My mom is really sweet." Mapakla akong natawa sa sinabi niya. Sweet huh? Kung ganon ay bakit puro maaanghang na salita ang ibinato nito sa akin? "Baby naman. Please understand, It's just that.." Hindi niy

