"Sleep early, Artemis, maaga ang flight natin bukas." Mula sa paglalagay ng ng damit sa maleta ay nilingon ko si Kuya Blaze na nakapamulsa habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. "Opo, magpapahinga na ako pagkatapos mag-empake." I smiled at him at itinuloy ang ginagawa, hindi ko naman kailangang dalhin lahat ng damit ko, yung mga bagay lang na importante sa akin kaya hindi na ako nahirapan pa. "Do you want to use my phone? In case you want to text your friends that you're going to New York." Napalingon muli ako kay Kuya Blaze dahil sa sinabi niya, Binasag niya ang cellphone ko noong isang araw dahil walang tigil ang pagtawag at text sa akin ni Travis. "No need kuya." Bahagya lang akong umiling sa sinabi niya, wala naman akong kaibigan na kailangan kong magpaalam. "Are you s

