"What did you do for living?" Napailing ako sa tanong ni kuya Blaze. Para namang namamanhikan si Travis kung magtanong siya. Nasa harapan kami ng mahabang dinner table. Ang buong pamilya ko na lang ang nandito at umuwi na ang mga bisita. Inalok ni nanay na dito na mag-dinner si Travis. At ngayon para siyang nasa isang interview dahil sa tanong ng mga kuya ko. "Me and my brother are running the law firms that our father left us." Believe din ako sa pagiging confident nitong lalaking ito. Parang hindi man lang siya nai-intimidate sa mga kuya ko. Ako pa ang mas kinakabahan para sa kanya. He looked at me at ngumiti ng mahuli niya akong nakatingin din sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin dahil namula bigla ang mukha ko. He immediately brush his thumb in the corner of my lips. "Ang kalat kumain n

