"Travis, dadalaw ka ba sa hospital ngayon?" Nakasandal ako sa headboard ng kama at pinagmamasdan siyang isara ang butones ng polo niya. Bahagya niya akong nilingon at nginitian at tumango, pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng sarili. "Inoobserbahan pa ng mga doctor ang kalagayan ni mommy, she's stable now pero kailangan pa ding i-monitor ang lagay niya." Umupo siya sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko, dinala niya ang palad ko sa mga labi niya and he planted small kisses on it. Dalawang araw na ang nakaraan matapos ang nangyari sa party, his mom is still in the hospital, may sakut sa puso ang matanda at na-triggered ito dahil sa ginawa ko. Nakokonsensya ako dahil kahit walang sabihin si Travis ay alam kong nalulungkot siya sa kalagayan ng ina pero hindi lang niya pinapakita sa akin dahi

