Nagising ako kinabukasan na masakit na masakit ang ulo. Damn! Iminulat ko ang mga mata at nakitang nasa loob pa din ako ng unit ni Travis.
Pilit kong inalala ang nangyari kagabi at huminga ng malalim ng marealize ko ang ginawa ko. Siguro ay tama naman yon ng magising siya sa katotohanan.
Hinimas ko ang leeg ko dahil sumakit ito sa pagkakahiga sa couch. Natatandaan ko pa na umalis si Travis pagkatapos ng nangyari kagabi, susundan ko sana siya pero nahilo ako at nakatulog na.
Mukhang hindi pa siya bumabalik dahil wala namang kabakas bakas niya ang unit at nandoon pa din ang nabasag na vase na tinapon niya kagabi.
Tumawag ako ng cleaning service sa lobby at pinalinis ang unit niya bago ako bumalik sa sarili kong unit.
Habang nasa shower ako ay hindi ko mapigilan ang isipin kung nasaan siya at saan siya nagpunta. Naisip ko din ang maaari niyang gawin kay Candice pagkatapos.
Nagbihis ako ng simpleng skirt at croptop bago bumaba ng lobby at magpunta sa Starbucks doon. Sinimsim ko ang Espresso Macchiato para mawala ang hangover ko. Inaamin ko na kahit papaano ay nakokonsensya ako sa ginawa ko pero a part of me is happy. Nagtagal pa ako doon ng ilang minuto para mag-isip isip ng makita ko si Travis na papasok ng starbucks. Pinagmasdan ko siya habang umo-order. He look okay. Pero makikita pa din ang mga mata niyang halatang walang tulog.
Agad ko siyang kinawayan ng makita kong naghahanap siya ng pwesto. Nakita niya ako pero hindi niya pinansin. Napasimangot ako at lamapit sa kanya.
Wala siyang magawa ng hilahin ko siya papunta sa pwesto ko.
"What now?" Masungit niyang saad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag mo akong sinusungitan. Pinalinis ko pa ang unit mo kagabi dahil hindi ka naman umuwi, saan ka pala galing?" Tanong ko sa kanya at muling sumimsim ng iniinom ko.
"Wala kang pakialam." Masungit na sagot niya sa akin kaya napairap ako.
"You know what? You look hotter when you're not in the mood." Ngumisi ako sa kanya. Napailing naman siya sa akin at tumayo upang kuhanin ang order niya ng marinig ang pangalan.
Napangisi ako ng makita siyang papabalik sa table namin. Kung tutuusin ay pwede na siyang umalis pero bumalik pa din siya dito.
Naniniwala na tuloy ako sa 'kapag mahal ka ay babalikan ka' pero ang totoo ay ako lang ang nagmamahal. Mamahalin pa lang niya ako.
"Yung sinabi ko sayo kagabi." I told him pagkaupo pa lang niya.
"Alin dun? Ang dami mong sinabi." Balewalang sagot niya sa akin. He looks cooler now kays asa itsura niya kagabi na parang mangangain ng buhay.
"I am willing to be your rebound." Napatingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala, tumawa siya ng mapakla.
"I'm fcking serious here. You can use me to forget her basta ba huwag ka ng babalik kay Candice." I told him.
"I can't believe you." Saad niya at tumayo na. Humabol naman ako agad sa kanya hanggang sa parking lot.
Sumakay siya ng sasakyan niya kaya sumakay din ako sa shotgun seat katabi niya. Hindi naman siya umalma kaya napangisi ako.
Nagmaneho siya ng hindi ko alam kung saan pupunta pero kahit saan naman kami magpunta basta kasama ko siya ay ayos lang.
Nagkwento ako ng kung ano ano sa kanya habang nasa byahe kami dahil hindi ko kaya ang katahimikan ng atmosphere namin.
Halatang hindi siya nakikinig at nakatutok lang ang tingin sa kalsada pero nagpatuloy ako sa pagkwento.
Huminto kami sa tapat ng Campus. Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako sa kanya. Pinagtitinginan pa nga kami ng ibang estudyante pero wala akong pakialam. Iniirapan ko lang sila.
Ikinawit ko ang braso sa braso niya at laking tuwa ko ng hindi na naman siya umangal. Lalong dumadami ang tumitingin sa amin habang binabaybay namin ang hallway. May iba na nagbubulungan pa.
Sabagay, alam nga naman ng karamihan na ang girlfriend ni Travis ay ang santa santita kong bestfriend kaya nagugulat sila na ako ang kasama ni Travis ngayon.
Well, i don't care. Ako ang nauna at ang mahalaga ay ako ang kasama ngayon.
---
"Arsie." Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin sa pamamagitan ng pagtingin sa salamin sa harapan ko.
Nakita ko ang repleksyon ni Candice sa likod ko. Tinapos ko ang pagpapahid ng pulang lipstick sa labi bago siya nilingon.
Mukhang wala siyang tulog at magang maga ang mga mata. Nakaramdam ako ng habag sa itaura niya pero hindi ko pinahalata. Tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" Pagsusungit ko. Nakita ko ang pamumuo ulit ng luha sa mga mata niya.
"Bakit mo ginawa sakin yun?" Garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon sa akin.
"Because you deserve it." Siguro ay nasabi na sa kanya ni Travis na akong nagbunyag sa kalandian niya.
"Wala kang alam Arsie. Sana ako muna ang kinausap mo!" Pumipiyok na siya habang sinasabi ito. Muli akong nagtaas ng kilay at ngumisi.
"Sorry not sorry Candice, sa akin ka kasi nagpahuli ng kalandian mo." I smirked again. Lalong bumagsak ang mga luha niya.
"You don't know everything, hindi mo alam ang dahilan ng mga ginagawa ko." Humihikbi siya at basang basa na ng luha ang pagmumukha. Nakaramdam ako ng awa pero pinigil ko ang nararamdaman.
"Ginawa ko yun kahit na labag sa loob ko. Nagbenta ako ng katawan kahit na nandidiri ako sa sarili ko." Kinagat niya ang labi at tumingin sa akin. Pinipigil ko ang emosyon kahit na gulat na gulat ako sa sinabi niya.
"Lumalala ang sakit ni nanay. Nawala na din ang scholarship ko dahil napapabayaan ko ang pagba-ballet. Bayaran na ng tuition ni Carmi at walang wala ako Arsie. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kumapit ako sa patalim. Binenta ko ang kaluluwa ko." Gusto ko na ding umiyak sa narinig pero nagmatigas ako at pinilit ayusin ang emosyon. Nanlulumo ako sa nakikita kong kalagayan niya.
"Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin ha? Alam mo namang tutulungan kita." Sabi ko sa kanya, which is true sa kabila ng ginawa niya ay kusang loob ko siyang tutulungan hanggang kaya ko.
"Sa kabila ng ginawa ko? Alam kong galit ka sakin at marami na akong utang na loob sayo." She looks like a mess, basang basa na ng luha ang mukha niya at namumugto ang mga mata.
"Si Travis? Siya na lang ang meron ako pero nawala pa ng dahil sayo. Ngayon masaya ka na? Masaya ka na ba? Ha?" Bahagya niya akong tinulak. Hindi ako kumibo dahil oo, may parte sa akin na masaya na.
"Diba eto ang gusto mo? Ang maghiwalay kami para makuha si Travis sa akin? Ayan na. Nangyari na. Sana naging masaya ka sa paninira ng buhay ng iba!" Muli niya akong tinulak at nagtatakbo palabas. I left dumbfounded.
Ako ba ang dapat sisihin? Kasalanan ko ba?
LEGENDARIE