"L-lahat po na 'to sir?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae sa cashier kay Travis, napayuko naman ako dahil sa hiya, pero kasi takam na takam ako sa ice cream. "Yeah, how much is that whole freezer?" Nanlaki ang mga mata ko ng ituro ni Travis ang malaking freezer na pinaglalagyan ng mga tube ng ice cream, mahina ko siyang pinalo sa braso. "Travis! Ang OA mo naman." I hissed dahil nahihiya na ako sa mga taong nakatingin sa amin. Pinakyaw kasi ng lalaking ito ang halos lahat ng ice cream na nandito sa convenience store. He looked at me and shrugged. "Every midnight ginigising mo ako para lang makakain ka ng ice cream, paiba-iba ng flavor ang gusto mo kaya lagi akong puyat." He sweetly said at sinundan pa ng pagtawa, nakonsensya naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Isang linggo nang

