HINDI mawala ang ngiti sa mga labi ni Chris habang pumili ng kanyang susuotin. Inaya kasi siya ni Jaime na kumain sila sa labas. “Go change," bungad ni Jaime sa kanya pagkadating nito galing sa meeting. Kumunot naman noo niya at napatigil sa pag-alis ng kurbata ng lalaki. Palagi niya kasi itong ginagawa, sinasalubong niya si Jaime at tinutulungan itong magpalit. Iyong typical na ginagawa ng mga asawa kapag uuwi ang mga mister nila. Napangiti siya nang pumasok sa isip niya na asawa siya ni Jaime at lagi ganito ang eksena nila kapag galing ito sa may trabaho. Ngunit nawala ang ngiti niya nang maalala niya si Maria. “Kung hindi lang sana siya umaeksena ako sana ang aayain ni Jaime ng kasal bakit kasi bumalik pa siya ‘e!" inis na sigaw ng utak niya. "Hey, bakit natulala ka diyan?” natata

