SUMUNOD na araw gumising si Chris na may ngiti sa kanyang mga labi habang yakap-yakap siya ni Jaime na mahimbing na natutulog. How she wishes that they could stay this way forever. Being with him is a dream come true. Jaime might not be a perfect hero, but he is the man she loves, and she is willing to do everything to stay beside him. Huminga siya ng malalim at tumingala para makita ang gwapong mukha ng kanyang iniibig na lalaki. Hindi talaga siya magsasawang pagmasdan ang gwapong binata. “Ang gwapo mo talaga," mahinang aniya at pinalandas ang kanyang daliri mula sa may noo ng lalaki patungo sa may mga mata nito at mahaba nitong pilikmata. “I wonder if our son would be handsome as you or much better good looking,” kinikilig siya sa naisip. Nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang

