NATHALIE'S POV Tumunog na ang ring bell at Lunch time na. *Bzt* Sino naman kaya 'tong nag text. *1 Message* From: Kuya Nat Princess, sorry di kita maiisama sa pag sundo kay Ate. May Apointment kasi ako sakto Papuntang NAIA. Ako ng bahala kay Ate,okay? Don't worry Princess, kuya's here! Text ni kuya. Sayang di ako makakasama. Naalala ko may lakad kami ni Dominic. "Hey! Lie san ka mag lu-lunch?" tanong ni Blythe, sa katunayan nga di ko alam kong saan ako kakain. "Sabay na tayo." bulong sa akin ni Dominic. "Sa bahay na siguro." pagpapanggap ko kila Vivian at Blythe. Sorry guys. "Sige mauna na kami." sabi nila nag wave sila sa amin ni Dominic. Hinigit naman ako nitong mokong na ito. Hawak-hawak nya ang kamay ko. Para tuloy kami naka Holding hands tapos pinagtitinginan kami.

