VIVIAN'S POV
Familiar sa akin si Lie Parang may kahawig sya. Uhh, di ko na matandaan.
By the way,
Im Vivian Lauren Perry 16 Years Old Half Japanese/Half Filipino Sanay na akong nag tagalog dahil 2 years na na kaming nandito sa Pilipinas. May Older sister naman ako. My Daddy and Mommy may Businesses sila si Dad siya may ari ng Wine Factory Corp, tsaka meron ding Chocolate Factory si Dad Kasi Favorite ko ang Chocolate noong bata ako kaya Naisipan nyang mag pagawa ng Chocolate Factory. Pati nga din ngayon eh, Favorite ko pa din. Si Mommy naman Sya May ari Ng Malaking Shops ng Model Accessories. May Shop din sya sa State at Japan.
Ramdam ko na yung gutom ko, sakto naman nag pa dismiss na si Ma'am Geneva.
Kaso nga lang wala akong friend dito. Akala kasi ng iba masungit ako. Like Uh! Friendly ako sa totoo lang. Promise, may pagka taray lang pag gutom ako or badvibes.
"Vivian!" may familiar na tumawag sa akin. Pagkalingon ko si Lie pala, di ko nga alam kong bakit Lie lang ang name nya tsaka di nya sinabi yung apelyedo nya sa pagpapakilala kanina.
"B- Bakit?" sabi ko sabay ngiti ko sa kanya, ang ganda nya nakakatibo siya oo/ .
"Ah eh... may may kasama ka ba?" ah... yun pala itatanong niya kala ko kong ano.
"Wala eh, wala nga akong friend ni isa akala kasi nila masungit ako." sabi ko sakanya.
"Okay. Pwedeng tayo na lang mag kasama and pwedeng makipag friend? Wala din kasi akong kaibigan." nag pout siya ang cute cute niya^_^. Kung di lang ako babae siguro niligawan ko na 'to.
"Sige! Friends na tayo mula ngayon?" tanong ko, saka ako ngumiti sa kanya.
"No."-Sabi niya nagulat ako akala ko ba friends na kami?
"I said no, best friend na lang hihi*big smile*!" dagdag niyang sabi, akala ko naman kong ano nang mangyayari.
"Okedokie!" sabi ko sa kanya. Sarap sa pakiramdam na may friend na ako.
Nag shake hands kami.
"Tara! Punta tayo sa mini cafe." sabi niya, may mini Cafe kami. I mean maliit na canteen. Iba naman ang Cafeteria kasi malaking canteen siya.
"Sige tara, gutom na din ako ." sabi ko sa kanya.
Nag lakad kami papuntang Mini Canteen. Di naman kalayuan, pero infairnes di siya maarte. Ako? Hindi naman ako maarte. Swak nga sa bulsa kapag sa mini canteen ka kumain. Kapag sa Cafeteria ka bumili ng mga pagkain sobrang mahal.
Nakadating na kami sa Mini Canteen. Unti lang ang tao dito. Yung mga nag i-snack dito sa mini canteen walang arte. Karamihan nga dito puro 1st year.
Pumunta na kami sa Counter.
Pumili na sya ng kakainin nya, pati din ako.
"Hello po, isang chessy burger, isang choco juice nga po." yan ang order nya.
"Ikaw? Anong order mo?" tanong ni Lie sa akin.
"Isang burger lang tsaka milktea." sabi ko.
"Sige po magkano lahat?" waitt ... Ako mag babayad ng akin!
"Ako na magbabayad." singit niyang sabi.
"Salamat." sabi ko sa kanya.
Ang bait niya.
Habang kumakain siya tinititigan ko lang siya . May kahawig talaga siya, di ko lang maalala.
—
to be continue....