EPISODE 7
Hindi ko alam kung anong potion ang nakain ko at natahimik na lang ako, nakita ko rin na medyo worried sya at naiinis sa mga ikinikilos ko. Pinaghanda nya ako ng steak na paborito kong pagkain. But how am I supposed to eat that na luto nya? I intentionally puked para mainis syang lalo then she suggested na magpahinga na lang muna ako. I even told her na break na kami ni Andrew and I am so sick of her reaction. Ang galing nyang magkunwari. She ruined my lovelife behind my back.
Sa isang iglap, gumuho ang mundo ko sa mga sinasabi nya habang nagkukunwari akong natutulog. Gusto kong masuka sa lahat ng sinasabi niya. I asked her once kung may gusto ba sya dati kay Andrew and she said no, how dare her! Gusto ko syang sigawan sa lahat ng kaplastikang ginagawa nya. Gusto ko na lang maglaho na parang bula sa harap niya. She betrayed me. Narinig kong may nagtext sa phone nya and I am so sure na si Andrew yun. But in the end, I decided to cry and gradually fall sleep sa sama ng loob ko sa best friend ko, I trusted her.
No matter how I think, she betrayed me. And I am wondering, may iba pa bang itinatago sa akin si Alex? Alam kong matagal na kaming magkakilala pero hindi ko pa rin pala sya lubos na kilala and it hurts. I need to find out the truth.