Chapter Thirty Three IT turns outs, thrice a week lang pala nasa Ashton si Xander. Nagkataon pa na last day niya no’ng araw na iyon kaya’t kinailangan kong palipasin ang weekends para maisauli sa kanya ang wallet niya. Sira ulo siya. “Hi, is this Xanderone Navarro’s class?” tanong ko ro’n sa estudyanteng nasa labas ng classroom at parang balisang-balisa sa pagte-text. Mukhang mali pa ako ng napagtanungan, ah. She was wearing an eyeglass, has the same length of hair as mine, black ‘yong kulay ng buhok niya na parang buhok ko dati, and the shape of her face oddly looks exactly like mine, too. But aside from that, wala na. Pero siguro, kapag lasing ako, pagkakamalan ko siyang ako. Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa cell phone

