chapter 1

2047 Words
Magisa akong naglalakad papuntang plaza dahil sa inubosan nanaman ako ng ulam ng mga magagaling kong kapatid. Naglaro lang naman kasi ako ng cellphone sa taas kasama si Aphrodite tapos pag baba ko wala na akong pagkain. At ang napaka galing kong kaibigan sabing samahan akong bumili sabi niya naman sakin ay kaya ko na daw to dahil matanda naman na daw ako. Humanda talaga sakin yun akala niya bibilhan ko siya. Who you siya sakin. Naka busangot akong naglalakad naka ponytail ang buhok at naka pantulog na tsenelas. hindi pa ako naka abot sa paroroonan ko ng may nakita akong lalaking matangkad, mistiso at matcho. Hindi ko kita ang mukha niya pero parang sanay siya sa pag iinsayo sa umbok ba naman ng dibdib niya Natulala ako na naka tingin sa sa kaniya, dahil sa pikit nitong kulay puti na t-shirt ay lumabas ng tudo ang porma ng kaniyang katawan. Parang tumulo pa ang laway ko dahil sa umbok nitong dibdib. Yummy. Naglalakad ako habang ang mata ko ay naka dikit sa magandang katawan ng lalaki may dalang asong . Ng hindi ko namalayan ay naka tapak na pala ako sa drainage kaya nadapa ako parang hinalikan at niyakap ko pa ang simento dahil sa pagka tumba ko. Sa lahat ng pagkakataun bakit ngayun pa 'to nangyari. Gulat kong tinignan ang lalaki at mabilis na nag dasal na hindi sa akin ang tingin niya. Pero ang ikinagulat ko ng lakad takbo itong pumunta sa kinaroroonan ko, kaya agad akong tumayo at kumiripas sa pagtakbo. "*Gaga ka talaga Kim." Bulyaw ko sa sarili. Ginawa ko rin ang lahat upang mabilis na makalayu doon. Parati akong palpak pero ito ata ang pinaka worst. Nasa kalagitnaan ako ng plaza at naka layo na rin sa kinaroroonan ng lalaki iyon kaya pinahina kona ang takbo ko. Hihingal hingal ako at pinagpatuloy ang pagiisip kong anong ulam ang bibilhin ko. Gusto kong kumain ng chicken joy ngunit mas nalalaway ako pag naiisip ko ang barbeque hotdog. Habang nag lalakad ako paraming tao ang tumitingin tingin sa akin. Kaya taka ko silang tinignan isa isa. Bahagya pa akong nainis dahil meron pang nag bubulongan tapos sa akin naka tingin kaya alam ko na ako ang pinag chichismisan nila. Anong problema ng mga to? May nakikita pa akong kung maka ilag sakin wagas na para bang isa akong may dalang matinding virus sa mundo. Isang napaka malalim na buntong hininga ang ginawa ko para sana magpahinahon sa nagwawala kong puso dahil sa iritang nakikita ko sa mga tao. Ngunit kakaibang amoy ang na singhap ko. Sisinghot singhot ako para kasing nakaka amoy ako ng ibak hanggang sa napatingin ako sa damit ko. At nanlalaki ang mata ng nakita ko ang dumi na naka dikit sa damit ko. "Ano to." Sabi ko at inilayo ang damit sa katawan ko. Sininghap ko ito at nalaman kong dumi ito ng aso. Nahihiyang tinignan ko ang mga tao sa paligid at gusto ko nalang lumipad dahil sa akin sila lahat naka tingin. Mabilis akong yumoko para lahat ng buhok ko sa mukha ko pupunta. Nag dalawang isip ako kong itutuloy ko pa ba ang pagbili ng ulam pero sa huli ay dinala ko ako ng sariling paa pabalik sa kinaroroonan ko. Matutulog ba akong walang laman ng tyan. Parang hindi ko ata kaya yun. Yung matulong na hindi naka linis ng katawan ay makakaya ko pa pero yung walang kain baka hindi na ako magising kinaumagan niyan. Hiyang hiya ako nakayuko at naglalakad. Mukha na akong isang baliw na gumagala sa kalye dahil sa itsura ko. Tinitignan ko lang ang kalsada habang nakayuko at lahat ng buhok kay nasa mukha ko na, para hindi nila makita ang itchura ko. Nakakahiya talaga. Nag pasalamat ako sa diyos dahil alam kong malapit na ako makalabas ng plaza Sa hindi kalayuan meron akong narinig na nag tatawanan kaya napa angat ako ng ulo at nakita ang mga mag babarkada na kasing idad ko lang. may iba akong kilala doon dahil school mate ko ang mga 'yon kaya napa tigil ako at palinga linga kong saan ako pweding mag tago. Meron akong nakitang pweding pag taguan sa kilid ngunit maraming nag iinuman malapit doon nag dalawang isip pa ako na doon mag tago pero wala na akong pagpipilian. Tumakbo ako papunta doon pero hindi pa ako nakakarating ng may humawak ng kamay ko at mabilis na may ipinatong sa balikat ko. Nang tignan ko ito ay isa itong jacket. Nagulat ako ng si Paul ang lalaking nag bigay ng jacket sa akin. Si Paul ay isa sa mga taong kinatatakutan sa paaralan dahil right hand siya ng isa sa kinatatakutang g**g dito sa lugar namin, pero marami akong narinig na mabait si Paul at sadyang napilitan lang na sumali sa g**g dahil sa mga magulang nito and chaka lang para sakin, hindi nama sa chismosa ako na curious lang din katulad nang Normal na tao. Hindi ako kumibo at tinitignan lang siya habang inaayos ang jacket sa katawan ko isinira niya ang zipper nito at hinawakan ako sa makabilang balikat. Ang paghawak nita palang sa balikat ko ay nakaramdam na ako ng subrang takot, excitement, saya ay pagka mangha. "Umuwi kana." Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa narinig na boss niya. Bakit ang lalim ng boses niya? bakit ganito kabilis ang puso ko? Bakit ang ganda ng mata niya? Bakit gusto kong sumigaw? Nababaliw na ba ako? Parang ayukong matapos ang tinginan namin. Nakaka adik ang kulay brown niyang mata. "Huh?" Nag mukha akong tanga dahil sa tanong ko sa kaniya. pinipigilan ko ang ngumiti dahil baka kasi maging nakakatakot na ngiti ang lumabas sa labi ko. Ngumiti siya kasabay non ang pag apoy ng mukha ko. At Isang mahinang tapik ang ibinigay niya sa balikat ko kasabay ng pag haplos sa nagkakarira kong puso. Mahina akong nag dasal na sana ay hindi niya iyon na pansin. Nakakahiya pag marinig niya ang puso ko dahil sa subrang kabog. Umalis na siya sa harap ko. Napa tunganga ako dahil sa gulat ng mga nangyari hindi ako kumibo at parang sumama sa kaniya ang birhin kong kaluluwa. Kung kanina ay parang baliw akong pagala gala sa kalye ngayun naman ay parang multo akong nag lalakad. Tulala akong naglalakad at hindi iniinda ang mga nangyayari sa paligid. Bakit ganon? Ang cool ni Paul para ko siyang night and shining armor. Niligtas niya ako sa kahihiyan. Wala akong ibang maisip kundi siya lang at ang ngiti niya sakin. Oh Paul. Pagkatapos ng gabing ito magiging isa ba ako sa fans mo? Nasa gitna ako ng aking imahinasyon ng bigla akong nataohan ng may asong tumahol ng tumahol sa harap ko. Para akong natuklaw ng ahas sa gulat. Hindi naman ako takot sa mga aso ngunit ng narinig ko ang boses sa likod at ng tingnan ko ay si Paul doon ako nakaramdam ng takot dito sa asong kaharap ko. "Don't move Kim. Stay calm. Aalis din yan mamaya. " Nanginig ang tuhod ko dahil sa boses niya parang matutumba na ako dahil sa malalim nitong tono. 'God please. Wag niyo po akong hayaan na mag mukhang tanga sa taong nasa likod ko.' mahina kong dasal. Tinignan ko ang aso na nasa harap at pinanlakihan siya ng mata bilang isang saway ng nakita ko ang lahat ng ngipit nito na nakalabas na .. inis kong tinignan ang aso dahil parang lalapit pa ito sakin, nanlalaki ang ilong kong sininyasan ang asong umalis sa harap ko. Pero nawala ang inis sa mukha ko ng may humawak ng kamay ko. Nakita ko na kakagatin na sana ako ng aso ngunit mabilis akong hinatak ni Paul at tumakbo siyang hawak hawak ang kamay ko. Tinitignan ko ang likod niya habang nakatalikod at para kaming tumatakbo sa ulap dahil sa malambot niyang kamay. Ahh heaven. Ins't cloud nine? Ngiti ngiti ako habang tumatakbo at hawak ang kamay niya parang mamamatay na ako sa bilis ng t***k ng puso ko. Parang naging makulay ang mga dinadaan namin ang mga street lights ay nagiging heart na sa paningin ko. May mga bulalak pa akong nakita habang naka apak kami sa ulap. Humina ang takbo namin at doon ko lang namalayan na wala na palang asong tumatahol sa likod namin. Ang kaninang ngiti ngiting mukha ko ay nawala ng nakita ko ang pag alala sa gwapong mukha ni Paul. 'oh dear, my love... Wag naman ganyan ayukong nag aalala ka sakin.' Holy Sh*t.. gustong gusto kong sabihin yung mga katagang yun URGH. "Kim!" Nataohan ako ng inuyog ako ni Paul. Oh God, his palm to my skin. "Kim! Huminga ka!" Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko saka ay na sundan iyon ng sunod - sunod na hininga. I blink many time while breathing faster. "Okay kalang ba?" Pagaalalang tanong niya sakin. Lumunok ako at mahinang tumango. Ayokong mag salita baka kasi ma utal pa ako the worst is baka iba pa ang masabi ko. "Ang ginaw nang kamay mo." Sabi nito at doon ko lang napansin na hinawakan niya pala ulit ang isa kong kamay. 'Paul magsabi ka nga ng totoo bakit moko teno-t*****e?' Tinitignan niya ang kamay ko at sa mukha ko ulit tumingin. "And your shaking too." Narinig ko siyang mahinang nag mura. Mabilis kong kinuha ang kamay ko dahil parang gusto ko nang ma ihi sa mga ginagawa niya sakin. Habang nag mumura siya ay ang cool niyang tignan. Hindi na ako mag tataka kong bakit maraming nagkakagusto sa kaniya, hindi naman kasi sana ako isa sa mga nag kakagusto sa kaniya, wala akong gusto na lalaki kasi ang bo-boring nila pero ang isang to.. urgh. "O-okay la-lang ako." Sabi ko na nga ba na dapat tinitikun ko nalang ang mga labi ko e. "No you are not." Ayun at hinila niya nanaman ako. Syempre nagpahila ako ang lambot kaya ng kamay niya. para na akong lantang bulaklak. Sa hindi ko alam na dahilan ay pa ikang ikang akong nag lakad habang hila niya naramdaman niya siguro kaya nilingon niya ako maliit na ngiti lang ang ibinalik ko kaniyang pagtingin at saka tinignan ang paa ko. Maayos naman ako at wala namang masakit pero bakit paikang ikang kong maglakad ang mga 'to? "Come." A sweet sounds come out in his mouth. "Ba-bakit?" kamalasan ba ang tawag dito? "Hop on Kim. Hindi ka makakalakad ng ganyang ang paa mo." Nakita ko ang pagaalala sa mukha ni Paul. Bakit ganito. Ganito ba siya sa ibang babae? Dahil kong oo dadalhin ko siya sa mars para alien ang lahat niyang kasama at ako lang ang makakaranas nito. Nasa 5'11 ang taas ni paul kaya lumuhod pasiya sa harap ko bago ako buhatin na piggyback ride. Hmm ang bango niya. Kahit nararamdaman ko ang buling dumidikit na sa balat ko at pumapasok na ata sa butas ng t-shirt ko ay talagang ininda ko ang pagka ilang at tinuonan ng pansin ang gwapong bumubuhat sakin. Ang v neck t-shirt niya atmy naoaka nipis kaya namab nararamdaman ng palad ko ang init ng kaniyang katawan. Pumikit ako at inaamoy siya. Ang bango niya. Nilagay ko ang ulo sa balikat niya at pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam ngunit inaantok ako dahil sa kaniyang amoy. Its so comfortable mas comfortable pa nga ako dito kaysa sa kama ko sa kwarto. Nagpapahinga ako sa balikat niya ng nakaramdam ako ng may kumakanta. Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon ay Kailangan nang mamili, isa lang ang maaari Alam mong narito ako, lagi para sa iyo, oh Mahal kita nang labis ngunit iba ang iyong nais At s'ya'y narito, alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig Nalilito, litong-litong-lito Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko O s'ya bang kumakatok sa puso ko? Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko? Nalilito, litong-litong-lito Sino'ng pipiliin ko, mahal ko o mahal ako? Kahit 'di ako ang mahal mo, kung mananatili ako sa 'yo Ay baka matutunan mo rin na ako'y iyong ibigin At kung sadyang s'ya'y tapat, baka sakaling pagdaan ng araw Matutunan ko rin ang ibigin s'ya Hindi ko alam kong siya ba ang kumakanta dahil boses lalaki tapos ay walang pang music background masarap sa tenga kaya ulit akong natulog gusto kung madama ang init ng kaniyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD