Chapter 7

2132 Words
Sabi ko na nga ba mabuti nalang at na kuha ko ang pitaka niya kong wala ay ako nanaman ang magbabayad ang dami pa naman ng enorder ko. Nasa loob na kami ng taxi ni Aphrodite nag se-cellphone siya katulad ko. Hinihintay ko kasi ang text ni Zaire. Nasa kandungan ko ang plastic na puno ng pagkaing namin ni Zaire nag order kasi ulit ako ng halo halo for midnight snack. "Ito po kuya." Pera rin ni Zaire ang pinangbayad ko sa taxi. Kasalanan niya to iniwan ba naman kami ni Aphrodite. Pagbaba namin ay una kong tinignan ang bahay ni Zaire. Malaki ito kasing laki ng bahay namin kaso ang pinag kaiba ay siya lang ang naka tira doon kaya sa mga ganitong oras at wala pa siya ay subrang dilim ng bahay niya katulad kay Aphrodite. Mag isa lang din kasi si Aphrodite sa bahay nila dahil nasa ibang bansa ang tatay niya at namatay naman ang nanay niya nong pinanganak siya. Best friends kami ni Aphrodite simula bata kaya nong umalis ang tatay naya ay sa amin siya binilin nito mabait naman daw kasing bata si Aphrodite kaya agad siyang tinanggap ni mommy. Nilingon ko ulit ang bahay ni Zaire bago pumasok ng gate. Si Aphrodite naman ay umuwi na at doon daw kasi siya matutulog sa bahay nila. Pero kadalasan ay sa bahay namin siya matutulog. Sa amin siya binilin. At ayaw naman ni mommy na doon siya natutulog sa bahay nila. Maliban sa siya lang mag isa doon, dilikado pa dahil babae siya. Minsan niya napapaisip ako kong talaga bang mahal ako ni mommy. Minsan kasi inuun a oa si Aphrodite kaysa sakin. "Mommy doon muna ako sa labas hihintahin ko lang si Zaire naiwan kasi niya sakin ang pitaka niya" paalam ko kay mommy si daddy ay nanunuod naman ng TV. Tinignan ako ni mommy habang nag tutuklip ng mga damit. "Sige, Sabihin mo kay Zaire na dito nalang siya kumain." Bilin ni mommy. Parang anak na kasi ang turing niya sa kanila ni Aphrodite at Zaire kaya parati pag nale-late na makauwi si Zaire ay hinahanap siya ni mommy sakin. May resposibilidad pa tuloy ako! "Okay po my." Sabi ko at lumabas na ng pinto . Ni-ref ko yung halo halo ko at ang ibang binili ko ay nilagay ko sa oven at para hindi lamigin. Pinainit ko rin ito ng limang minuto. Se-net ko yung time bago ako nagpaalam kay Mommy. Nasalabas ako at nag lalakad lalakad habang hinihintay na makauwi si Zaire hindi pa naman naka bukas ang ilaw niya sa bahay at naka lock rin ang pinto kaya alam kong hindi pasiya nakakauwi. Napatingin ako sa relo ng matagal tagal na akong nag hihintay at wala parin siya. 9:30 na pero hindi parin nakaka uwi si Zaire kinabahan ako kaya naman paulit ulit kong tinawagan ang cellphone niya. Pag ito hindi uuwi ngayun gabi malilintihan to sakin bukas. "Hey." Mahinang boseslang iyon ngunit napa talon ako sa gulat. Naka focus kasi ang attention ko sa tinatawagan. "Ikaw bakit ngayun kalang?!" Napasigaw ako at hinampas siya. "Andaming lamok dito! Pag ako magka dengue. Sasama kita sa hukay ko!" Bulyaw ko pa. "ang ingay mo! Where's my wallet?" Tanong niya at inangat ang kamay. Tumingin ako doon at napa ngiwi ako ng may nakita akong pulang nasa laylayan ng damit niya. Imbis na kunin ko ang pitaka niya sa bulsa ko ay doon pumunta ang kamay ko. Mabilis ko iyong ginawa kaya hindi siya naka iwas agad at bago pa niya ako pigilan ay nabuksan kona ang damit niya Napasinghap ako ng may bandage akong nakita. "Anong nangyari sayo?" Pag aalala ko nilapitan ko pa siya lalo at titignan sana ng mas mabuti ang sugat niya kong hindi lang siya umilag at paatras na lumayo sakin. Tiningala ko siya at naabotan ko ang pag lunok niya. "Wala to nadapa lang ako." "Wag mokong maluko luko. Napano ka? Saan ka pumunta kanina! Nakipag basag ulo ka nanaman ba?" Tanong ko. nag alala ako sa kaniya ng nakita ko ang sugat niya. Parang malaki kasi iyon at hindi ko mapigilan na mapa sigaw. Si Zaire ang taong napaka tamad ngunit alam ko ang kaya niyang gawin kong makipag away dahil minsan ko na siyang nakitang nakipag basag ulo nong nakaraang taon nang may nag bastos sakin na tambay sa school yung parang mga gangster pero nag mukha silang hamster nong nasuktok silang lahat ni Zaire. "Wala nga to! yung wallet ko!" Nakita ko sa mukha niya ang pagka irita kaya mas lalo akong na inis Hinawakan ko siya sa kamay at saka hinila papasok sa bahay ng pinigilan niya ako. "Saan mo ko dadalhin?" Tinaasan ko siya ng kilay at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. Yung higpit na makakaramdam talaga siya ng sakit. "Sa bahay. Wag kang maate Zaire." Sagot ko kailangan niyang mag linis alam kong magagawa naman niya iyon sa bahay nila pero mag isa lang siya tapos ay nababahala ako sa sugat niya. Matalino lang siya pero tamad at tanga siya sa bagay bagay kaya wala akong tiwala na iwan siyang mag isa. "Ayoko!" Pagmamatigas niya. "Isa." Banta ko "Ayoko nga Kim! Ang kulit mo!" Ito sana ang mga oras na nasasayahan ako dahil sa naiinis na siya sakin ngunit iba ang sitwasyon ngayun. "Papasok ka o papakos ka?" Tanong ko ulit. "Ayoko." Subrang pasinsiya na ang ginawa ko sa kaniya kong wala lang talaga siya sugat hahayaan ko talaga siya sa buhay niya eh. Pero kasi hindi ko rin alam kong malaki ba ang sugat niya sa tyan o maliit, Natatakpan kasi ng bandage kaya hindi ko kita ang laki pero nasisisgurado kong sugat iyon dahil sa dugong nakita ko. Alam to ding hindi pa iyon nalilinisan dahil sa paraan ng pag lagay ng puting bandage na parang minadalian lang yung paglagay "Zaire!" "Ayong mag alala sila ni tita tita. Okay! Just give me back my wallet." Pagmamakaawa niyang sabi. At kita sa itchurang walang balak na pumasok sa bahay. "f**k* that wallet Zaire. Mas importante pa ba yan sayo kaysa sa kalusugan mo?" Naiinis na ako. Oo at sa munding ito ay mahalaga ang wallet natin pero may sugat siya at hindi ako makakatulog pag hindi ko nasisiguradong okay lang siya. "Your language Kimmy. And yes! That's more important!" Tumaas ang kilay ko at imbis na ibigay ang pitaka niya ay marahas ko siyang binitawan at madaling pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay nandoon parin sila sa kanilang mga pwesto simula kanina. Nilingon ako ni mommy. "Nasaan si Zaire?" Tanong nito sakon. "Mommy, daddy pwedi po ba akong pumunta saglit sa bahay ni Zaire. May gagawin lang po kaming homework." Tanong ko ay panatag naman akong papayagan nila dahil may tiwala sila kay Zaire at parang anak na ang turing nito sa kaniya. "Akala ko ba hihintayin mo lang siya sa labas." Sagot ni daddy na nasa TV parin ang mata. "Opo naalala ko kasi na may homework kami sa school. Sa research subject pa naman yun, kaya kailangan ko ang tulong ni Zaire." Paliwanag ko at tumango naman si daddy kaya malaki akong ngumiti sa kaniya. "Kukunin ko lang po yung pagkain sa oven my." Agad akong nag tungo sa kusina kinuha ko yung halo halo sa ref at ang mga ininit kong pagkain sa oven. Sinigurado ko ring hindi na naka plug ang sasakyan bago ako umalis. Nagpaalam ako kay mommy at daddy bago lumabas ng pinto. Dali dali akong lumabas ng gate at inaasahan na nandoon parin si Zaire at nag hihintay sakin at hindi nga ako nagkamali. Nakasandal siya sa labas ng gate namin naka sandal din ang ulo niya at mariin na naka pikit habang hinihilot ang taas ng kaniyang ilong.. Napa bugtong hinginga ako sa kanita. He look so tired nakita ko rin ang sugat sa kaniyang kamay at halatang nakipag suntukan pero mabuti nalang at wala siyang pasa sa mukha. Sa tyan nga lang meron Tumaas ang kilay ko ng sinilip niya ako sa ilalim ng kaniyang mata. "Ano yan?" Tanong niya at tinuro ang bitbit kong plastik. "Tara na." Sabi ko, hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa tapat ng kaniyang gate nahihiwagaan niya akong tinignan dahil hindi talaga ako napuputa sa bahay niya pag gabi na. Nang magbukas ang gate ay mas nauna pa akong pumasok. Nilingon ko siya ng hindi ko narinig ang pag sira ng gate. "Dalian mo diyan nangangawit ang paa ko. Dahil sayo hindi ako naka upo ng halos dalawang oras. Pag itong binti ko lumaki. Mapapatay kita!" Pagbabanta ko sa kaniya. Sinukuan niya na ang pag tingin sakin at sinira ang gate. Sinundan ko siya ng tingin patungo sa pinto, nakayuko siya at naka tingin sa kamay habang hinahanap ang tamang susi sa napakaraming susi na nasa kamay niya. Minsan na akong nag taka kong bakit ganito ang susi niya eh sa bahay niya lang naman ito ginagamit. Ang susi niya sa sasakyan ay hindi naman doon nakalagay. "Hey, suspicious man. Sabihin mo nga akin ang totoo susi yan ng mga kapit bahay natin yung iba ano?!" Pagbibintang ko sa kaniya. Pinanliitan ko pa siya ng mata at tinignan siya na may paghihinala. "No. Pero andito ang susi ng kwarto mo. You want proof?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at gusto siyang hampasin pero puno ang dalawa kong kamay kaya tinadyakan ko nalang bago tuluyan na pumasok. "Ano ba kasi yan? Lagay mo na diyan at umuwi kana. Kababae mong tao at gabi na tapos pumunta kapa sa bahay ng lalaki. Paano nalang kong wala na ako." Sabi niya habang sinisira ang pinto. Ni-lock niya ito na napakunot ng noo ko pinapauwi ako pero ni-lock naman nang pinto. Hanip to ah. "Saan ka naman pupunta? You can't go without me mister Lombardi!" Sabi ko at tinahak na ang kusina niya. Pumasok ako doon na parang ako ang may ari ng bahay. Ginalaw ko na din ang mga gamit niya at pinakialaman ang ref. Nag hanap ako ng pwedi ko pang makain. Nakita ko ang mga chocolate sa refrigerator at naisip na mamaya ay kukuha ako diyan. "Dapat lang!" Proud pa itong umupo at tinignan isa isa ang dala kong pagkain. "Yeah. Wala kasi akong ma sundan pag may test. Alam mo naman yung si Aphrodite buraot pag dating sa answer. Mabuti nga lang at hindi mapakali yang pwet mo pag hindi ako ang katabi mo." Tumalikod ako kumuha ng baso at nilagay sa island table tapos ay kumuha ako ng tubig sa ref. "Malapit na nga lang Zaire masasabi ko na talagang sincere ka sa sinabi mong may gusto ka sakin." Napa ngiwi ako sa sariling sinabi. Hindi ko ma-emagine na nobyo ko ang isang to. Masiyadong nakakadiri. "Hoy alam ko yang iniisip mo Kimmy. Sa gwapo kong to!" Tumayo siya at kung hindi ako nagkakamali ay nabangga ang tyan niya sa island table. "Wag mo kong dinidi..di..ri.an." napasinghap ako ng bigla siyang umupo halatang nasasakyan siya dahil sa naka ngiwing itchura niya at hawak ang tagiliran. "Zaire, bakit?" Tanong ko at agad siyang pinuntahan binitiwan ko rin ang plastik na hawak kanina. Hinawakan ko ang balikat niya at napa yuko siya sa sakit nataranta ako gusto kong tumakbo sa labas para humingi ng tulong kay daddy pero natatakot akong iwan siya mag isa. "Zaire!" Napa sigaw ako dahil hindi siya sumagot at umongol dahil sa sakit. Naiiyak na ako ng bigla siyang nag salita. "I'm good, unuwi kana." Sabi pa niya at kahit mag sugat siya ay malakas ko siyang binatukan. "Gago* ka ba? Ayoko! dito ako matutulog." Sabi ko natatakot akong iwan siya dito. "Kimmy.." may pagbabanta sa boses niya at parang sinasabi na umuwi na ako pero iba ang naka ukit sa mata niya ng tumingala siya sakin. Parang sinasabi na wag ko siyang iwan. "Tatawagan ko si Aphrodite sasamahan ka namin dito. Mag papaalam lang ako kay daddy." Kinuha ko ang cellphone at ng pigilan niya ako ay agad ko siyang tinignan ng masama. "kung ayaw mong pumunta sa bahay, dito ako matutulog." Sabi ko at alam niya na yun lang gagawin at gagawin ko sa ayaw at sa hindi niya. Hindi niya ako mapipigilan at alam niya kong paano katigas ang ulo ko. Even my mommy and daddy ay walang magagawa dahil sa tigas nito. "Okay fine sa bahay niyo na ako matutulog. Pero okay Lang ba kay tita?" May pag aalala sa boses niya. "Siya nga ang nag sabing doon ka sa bahay mag hapunan kanina eh. Okay lang yun. Sabihin mo din na may homework tayo sa research." Sabi ko binaba ko na ang cellphone ay tininan ang mga pagkain. "Kainin mo muna yan." Sabi ko at turo sa pagkain. "Okay." Nahihirapan siyang gumalaw at humarap sa pagkaing nilapag ko para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD