Tumitig ang ina ni Nexie sa kanya at napataas ng kilay. "Eh, bakit ka namumula? Naku anak magsinungaling kana sa lahat huwag lang sa akin dahil mapapahiya ka lang." Nanatiling naka taas ang kilay nito. "Mom,! Kasi naman nakakabigla ang tanong n'yo." Umiwas ng tingin si Nexie sa kanyang ina. "Sigurado ka?" muling tanong nito. "Hindi ko alam, ewan ko ba Mommy. Pinipigilan kO naman eh, iniiwasan ko na nga siya pero siya itong lumalapit muli sa akin." Napatungo naman si Nexie nang pagkakataong iyon. Inakbayan naman siya ng kanyang Mommy, at tinapik tapik ang kanyang balikat. "Hindi ko alam Mom, hindi ko alam bakit kahit paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na si Luke ang mahal ko, si Luke ang mahalaga sa akin, si Luke ang boyfriend ko. Pero kapag nariyan si Zeffy, iba iyong sayan

