"Nexie.. Anak kumusta?" Bati sa kanya ng ama ni Zeffy at yumakap pa ito. Family weekend kasi kaya nag kikita kita ang dalawang pamilya nila. Ito ang nagiging bonding ng pamilya, tuwing huling linggo ng buwan. Minsan nasa mansyon sila ng pamilya Montenegro, pero madalas out of town sila. Tulad ngayon nasa isang resort sila sa Batangas. Na pag mamay ari ng kamag anak ng ina ni Zeffy. Ang mga Sevilla. "Ok lang po ako tito, kayo po kumusta?" ganting tanong ni Nexie. "I'm great, ahmm... Mamaya pala may itatanong akong mahalagang bagay sa iyo, sana naman sa pagkakataong ito maging tapat ka sa akin anak," seryusong saad nito sa kanya. Kaya napa kunot ang kanyang noo, maging si Zeffy. "Ano po iyon?" tanong niya muli dito ni Nexie. "Mamaya na. Ikaw naman masyadong excited anak, kumain na

