"Ma'am Nexie! Welcome home! Na miss ka po namin," bati ng ilang mga katulong nila kay Nexie. Ngumiti naman si Nexie sa mga ito,"Na miss ko rin kayo, kumusta kayong lahat?" "Ok naman po," sabay sabay na sagot ng mga ito. Matapos ang mahigit limang taon ay nakabalik na si Nexie sa Pilipinas, tiningnan ni Nexie ang bawat sulok ng kanyang kwarto. Namiss niya ito sa loob ng limang taon na pananatili niya sa America ngayon na lang ulit niya masisilayan ito. "Anak pasensya na ha, kung may ilang mga bagay akong pinabago dito sa kwarto mo," saad ng ina ni Nexie. "Ok lang Mom, ang ganda nga po eh," tugon ni Nexie. Kumunot naman ang noo ni Nexie ng may napansin siya sa maliit na table na may nakapatong na 2 t-shirt na kulay white at black. May kasama rin na isang jagging pants. Inamoy iyo

