Sa trabaho ay nanatiling walang kibo si Zeffy kaya naiilang siya dito. "Ahmm.. Zeffy, ikakasal na pala si Revia? Ang buong akala ko kayong dalawa pa hindi na pala," saad ni Nexie. Pero nanatiling walang imik si Zeffy. "Ahm... Bakit nga pala kayo naghiwalay?" tanong naman ni Nexie dito. "Bakit gusto mong malaman?" tugon ni Zeffy, tumalim pa ang tingin nito kay Nexie. "Masama ba malaman?" muling tanong ni Nexie. "Bakit ba tanong ka nang tanong?" pabalik na tanong ni Zeffy, pabagsak pa nitong nilapag ang key plan na hawak hawak nito. Ngumiti na lang ang naging tugon ni Nexie dito, hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang trato sa kanya. Samantalang, puro pang bwibwisit ang ginawa nito noong nakaraan. Ilang minuto rin na tumahimik siya saka nag salita muli. "Sumunod ka pala s

