MATAPOS ang nangyari sa coffee shop ay kinain na muna namin ang in-ordee namin bago umalis. Napagdesisyunan naming dalawang magshopping at manood ng sine para mawala raw kahit sandali ang mga problema na iniisip namin. Naisip ko rin na matagal-tagal na rin akong hindi nakapagshopping at nakanood ng sine kasama siya. Simula kasi ng ikasal sila ni Seb ay hindi na ulit kami nakahang-out na kaming dalawa lang. I know it will never lessen the sin that I did behind her back. And I am not expecting it to happen since, I am aware about what I have done is already unforgivable. After namin magshopping at manood ng sine ay kumain na muna kami ng brunch since ramdam na ramdam na namin ang gutom bago niya ako hinatid pauwi sa bahay. "Thank you for today, Amethyst. I really enjoyed your company.

