His POV
Nakatingin lamang ako sa kalangitan habang patuloy na bumabagsak ang malalaking butil ng ulan. Dumampi pa sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napabuga na lamang ako ng hininga at bagsak ang balikat. Ngayon pa talaga umulan nang malakas kung kailan wala akong payong.
Eto ang problema sa panahon e. Sa oras na may dala ako ng payong, wala namang ulan. Pero kapag nakaligtaan ko naman na magdala, doon naman bubuhos ang malakas na ulan. Okay lang sana kung ambon lang e, but it was raining heavily. Mababasa ako nang matindi kung magbabike ako pauwi ng bahay. Wala naman akong naiwan na kapote sa locker ko. Baka mag-stay muna ako dito sa building para magpatila ng ulan. I'll just text my mom na malelate ako ng uwi.
"What are you doing?"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Si Autumn pala. Nakatingin lang din siya sa malakas na buhos ng ulan habang nakatabi sa akin. She was wearing a jacket. Napangisi ako. Malamang, may ideya na siya sa magiging panahon sa araw na 'to. Nasa habit niya naman kasi na manonood or magbabasa muna siya ng weather forecast bago pumasok ng school.
"Trying to stop the rain." Sagot ko.
Dinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Nakalimutan mo payong mo, ano?" Hinarap niya na ako at saka nameywang. "Hindi ba sinabi ko sa'yo, manood ka muna ng forecast lagi bago ka umalis ng bahay. Hindi ka kasi nakikinig. On top of that, kailangan may dala ka laging payong kahit pa maaraw." Natawa lamang ako dahil daig niya pa ang nanay ko kung makasermon sa akin.
"Pahiram payong." Saad ko nang mapansin na may hawak siyang payong sa kamay niya. Siningkitan niya lamang ako ng mata. Imbes na matakot ay mas lalo lamang akong nacute-an sa kaniya. She can be fierce sometimes, but mostly cute.
"Bakit kita papahiramin ng payong? Magdusa ka dyan." Inirapan niya lang ako. Tinanggal niya ang tali sa payong niya at harap-harapan itong binuksan sa tapat ko. Napalayo pa ako ng ulo ko at napapikit kahit na hindi naman ako matatamaan ng payong. Nang imulat ko ang mata ko, para pang dahan dahan niyang inangat ang kaniyang payong paakyat sa ulo niya. Nang masilayan ko na ulit ang kaniyang magandang mukha ay napangiti lamang ako sa loob ko nang asarin niya ako. She stuck her tongue out to tease me. "Ciao!"
Autumn flipped her hair then walked away from me, out of the building. Napailing na lang ako sa inakto niya. Cute cute. Tumalikod na lamang ako para bumalik ngunit nagitla ako nang may humawak sa braso ko saka pinaharap ako. I saw Autumn again. Kumunot ang noo ko, ang akala ko aalis na siya?
"Sabay ka na sa'kin. Kawawa ka naman. Baka isipin pa ni Tita pinapabayaan kita." She uttered. Hindi na ako nakapalag nang hilain niya na ako at isama palabas ng building. I could feel my heart skipped a beat when she hooked her arm on mine.
"Ako na maghahawak," I told her. Mas matangkad ako sa kaniya kaya mahihirapan siyang magpayong. Inabot niya naman ito sa akin. Bago kami maglakad sa ilalim ng ulan ay kinuha ko ang bag niya. "Ako na magdadala ng bag mo para hindi mabasa."
"'Wag na, ako na." Pagtanggi niya.
"Let me, Autumn." Umangat ang tingin niya sa akin. Whenever I stared at her brown eyes, it brought so much calmness in me. Tulad na lang ng ulan ngayon. "Please?"
"Hmm." She nodded, I smiled. Kinuha ko ang bag sa kaniya saka sinukbit ito sa harap ko.
"Tara na?" Nang tumango siya ay sinimulan na namin na maglakad sa basang kalsada. Sinigurado kong sakop niya ang payong kahit na nababasa na ang balikat ko sa ulan. Malakas naman ang ulan ngunit hindi nagpapatalo ang t***k ng puso ko sa sobrang lakas din ng kalabog nito. I wonder if she's feeling the same thing.
Kinakabahan ako sa mga oras na 'to. I've known Autumn since we were still in grade school. At napakasinungaling ko naman kung hindi ko sasabihin na hindi ako nagkagusto sa kaniya. Hanggang ngayon pa rin naman, walang nagbago sa nararamdaman ko. I still like her. It's so hard not to like her. Napakabait niya kasi. Halos lahat ata ng students sa school namin ay kilala siya because of her personality. Tipong kahit hindi ka niya kilala ay babatiin ka niya ng matamis na ngiti. A social butterfly, indeed.
Kaya nga hindi na ako nagtataka na maraming gustong manligaw sa kaniya. Maraming nagpaparamdam. Sa tuwing Valentine's day ay daig niya pang artista na palaging nakakatanggap ng chocolates and flowers. May mga nagbibigay pa nga ng letters sa kaniya. I kind of envy them. Kasi paano sila nakakakuha ng lakas ng loob na magconfess ng feelings sa kaniya? Samantalang ako, ilang years ng kilala si Autumn, pero hanggang ngayon ay itinatago ko pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Siguro kaya ako nahihirapan ay dahil nagsimula kasi kami sa pagiging magkaibigan. If only we're strangers, I wouldn't hesitate to confess to her. Wala naman kasing mawawala kung mareject man ako. But we're not. Fortunately and unfortunately, we're friends. I was so scared that our relationship might change once I tell her what I truly feel about her. Pero natatakot din ako na balang araw na maisipan kong magpakatotoo, baka huli na ang lahat.
"Autumn," I called her. Tumingala siya sa akin. Binabalot ako ng kaba kaya pinili kong iiwas ang tingin ko at idiniretso lamang sa nilalakaran namin. Kumuha ako ng lakas at huminga nang malalim bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Wha—" I cleared my throat nang maramdaman na may sumabit na kung ano. "What would you say If I told you I like you?"
Malapit na kami sa main gate nang bigla siyang mapahinto sa paglalakad. Napahinto rin ako, kinakabahan na nilingon siya. Nakatingin na lamang siya sa basang semento. I'm not a good mind reader kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Maybe she was in shock with my sudden confession. Sino naman kasing hindi magugulat? Ang kinilala mong kaibigan sa matagal na panahon ay bigla na lang aamin sa'yo.
Gusto kong bawiin ang sinabi ko at irason na may nagpapatanong lang sa akin o di kaya biro lang iyon ngunit bigla siyang tumingin sa akin. Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Natulala na lamang ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"What took you so long?"
Iminulat ko na ang mga mata ko saka pinagmasdan ang patuloy pa rin na pagbuhos ng malakas na ulan mula rito sa glass door ng aking Clinic. Napapadalas na ang pag-ulan ah. Mabuti na lang talaga ay nagdala na ako ng payong kaya may magagamit ako kung sakaling hindi tumigil ang ulan. Bumalik na lang ulit ako sa office ko.
I sat down on my swivel chair and about to check the papers on the clipboard nang mahagip ng mata ko ang flyers na pinatungan ng pen holder. Napangiti ako nang makita na tungkol ito sa baking class. Nabanggit kasi ng kaibigan ko na may kakilala raw siya na magkoconduct ng baking class kaya hiningian ko siya ng flyers. Naisip ko agad si Khai doon. Matutuwa siguro siya kung pinaalam ko sa kaniya 'to. Nabanggit niya kasi dati na pangarap niyang makapagpatayo ng bakeshop. Makakatulong 'to sa kaniya para may makuha siyang tips and advice that can help her in managing a bakeshop. I already signed her up in the class. Free lang naman kaya pinasok ko na.
Kinuha ko ang flyer saka pinasok na sa shoulder bag ko. I couldn't wait to tell her the news.
***
Her POV
Walang lakas na napatagilid ako ng higa sa sofa. Kanina pa ako nanonood ng TV kaso wala naman akong maintindihan dahil sa pangingibabaw nitong sakit ng puson ko. Pinilit ko na nga lang na tapusin 'yung gawaing bahay kahit na para na akong mahihimatay sa sakit.
Tapos susunduin ko pa si Winter. Dapat nga nagpapasalamat ako na dinatnan ako 'cause it only means na walang nabuo sa sinapupunan ko mula sa pagsisiping namin ni Will. As if naman may mabubuo e maingat naman kami.
Dumapa ako ng higa sa sofa saka isinubsob ang mukha ko sa unan. Lord, tabang! Hindi naman kasi ako mahilig uminom ng gamot kapag may period cramps kaya madalas ay hinahayaan ko lang 'to hanggang sa mawala.
Gusto ko pa nga sanang matulog kaso baka hindi naman ako magising sa oras na susunduin ko na si Winter. Baka pagalitan pa ako ng tatay nun. Maulan pa naman. Bumangon na lang ako ulit saka dinampot ang phone ko para maibaling ang atensyon ko sa iba at nang hindi ko masyadong mapansin ang pananakit ng puson ko.
Dahil namimiss kong makita ang pagmumukha ni Will ay binuksan ko ang Vinstagram ko. Ilang buwan na kong narito sa kanila pero kahit kailan ay hindi ko naisipan na istalk ang account nung isa. Kung sa bagay, simula kasi nang maparito ako sa kanila ay hindi ko na rin masyadong nahahawakan ang phone. Kung hindi nagbabantay at naglilinis, nasa ilalim naman ako ng matipunong katawan ni William.
May social media naman siguro siya ano. I tried to search his name. Mabuti na lang ay lumabas agad ang name niya kaya hindi ako nahirapan. His account was public so it wasn't hard for me to stalk him.
________________________________
whanzserrano
38 posts • 764 followers • 192 following
Dr. William Hanz Serrano
Fav seasons: autumn & winter
Visit: www.autumnhanzpetcare.com
________________________________
Chineck ko ang huling post niya na mukhang last year pa. It was two pictures of him and his daughter in a fruit shake shop. Ang una ay picture ng anak niya na may hawak na fruit juice tapos ang lawak ng ngiti. Sa pangalawa naman ay selfie nila kung saan nasa table pa rin sila at nakapeace sign. Nang basahin ko ang caption ay bumulwak ang dugo ko nang matawa nang todo.
@whanzserrano ⁃ May nakita akong bata, sabi niya sa'kin nauuhaw na raw siya. Naawa ako kaya heto, nilibre ko juice. Sana masaya ka na. Ngayon, ako naman wala pamasahe pauwi
Siraulo 'tong William na 'to! Naisipan pang pagtripan ang anak niya. Kaya siguro ito na rin ang huling post niya dahil nabasa siguro 'to ni Winter. Baliw ba naman. Tinignan ko ang kasunod na caption sa baba. Binawi naman agad niya ang kalokohan.
@whanzserrano ⁃ HAHAH jk. Sunday date with this cutie patootie, Winter
Nagscroll ako pababa para magtingin pa ng pictures. Puro pictures ng anak niya ang narito. Cute cute nilang mag-ama. Parang hindi naman 'to Vinstagram ni Will e, mukhang kay Winter ata 'to. Nakakatuwa pa si Winter kasi magaling mag-pose. Artistahin! Naku, kung sakaling payagan ni Will itong anak niya na magkasocial media na, naku famous ang batang ito. Sa school pa lang nila e, halatang maraming nakakakilala sa kaniya. Minsan nga tinatanong ko si Winter kung kilala niya ba sila. Hindi naman daw. Shala ng bibi ko. Famous! Nakakaproud tuloy maging yaya nito.
Malayo na ang narating ko kakascroll hanggang sa mapansin kong wala ng pictures ni Winter. Puro na ito pictures ng asawa ni Will na si Autumn. Pinindot ko 'yung picture nito para lumaki. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mukha nito. Ngayon mas malinaw na sa paningin ko na maganda nga talaga siya kumpara sa pictures nito sa frame na nakita ko sa kwarto ni Will. She has a calm aura and she always wear a sweet innocent smile in every pictures. Sa tuwing magkasama sila ni Will sa pictures, mararamdaman mo talaga na masaya sila sa relasyon niya. They must be one of couples na may healthy relationships. Mukhang magkasabay din silang grumaduate.
Ang pinakahuling pictures nito na nakapost ay may nakalagay na message mula kay Will.
________________________________
@whanzserrano ⁃ To my favorite season, Autumn,
I miss you. I miss you so much. I love you so much.
It's been so long since the last time I saw and heard your voice. If only I knew this would happen, I should have brought a recorder with me in every day I'm with you so I could record your sweet and calm voice. I should have brought a video camera with me every time you laugh and get mad at me. But I have to accept it. Masakit man pero kailangan. Miss ko na ang ngiti mo. Miss ko na ang lahat sa'yo. Mahal na mahal kita. Happy birthday to my dear angel in heaven.
By the way, love, our child got your personality. She reminds me of you.
________________________________
Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata ko. Kumuha na nga rin ako ng tissue sa may center table para isinga ang bara sa ilong ko. Why did I even read this? Naiyak tuloy ako. Pinatay ko na ang phone ko at nag-isang singa pa ulit. Kung kanina naiirita ako sa sakit ng puson ko, tapos natawa ako sa nabasa ko, ngayon naman ay bumuhos ang luha sa mga mata ko. Iba't ibang emosyon naman ang naramdaman ko ngayon. E kasi naman, mala "The One That Got Away" ang story nila. It makes me sad how tragic their story ended. Hindi ka lang kasi basta iniwan ng mahal mo e. Iniwan ka sa katotohanan na hindi mo na siya ulit makikita pa. Iyong tipo na alam mong wala ng pag-asa na magkakabalikan pa kayo kasi wala ng babalikan.
Pinili ko na lamang na maghilamos para maging fresh itong mukha ko. Ipapaalala ko nga sa sarili ko na huwag ng magbasa ng ganun. Hindi nakakabuti sa puso ko.
Oras na para sunduin ko si Winter kaya naman nagpalit na ako ng damit. Nagdala na rin ako ng dalawang payong. Isa sa akin tapos 'yung maliit ay sa para sa batang paslit na may design na cartoons. Nang masundo ko si Winter ay tumambay ulit kami sa waiting area para hintayin ang ama nito na susundo sa amin. Aba 'yung mokong na 'yun. Mukhang hindi na ata nagtyagang maghanap ng driver. Sabi kasi niya dati ay ipapasundo niya na lang kami sa driver. Ilang buwan na, wala pa rin. Baka nagbago na siguro isip non or hindi lang talaga madaling makahanap ng mapagkakatiwalaan na driver.
Maya maya ay dumating na nga ang sundo namin. Kinuha ni Will ang bag ni Winter at siya na ang nagdala nito sa kotse. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puson ko. Napahawak na lamang ako rito habang nakatingin sa labas ng bintana.
Pagpasok namin sa sala sa bahay, dumiretso ako sa kusina para gumawa ng meryenda. Magluluto lamang ako ng pancake para mabilis habang nagbibihis pa 'yung bata. Ang akala ko pa nga ay umakyat na rin si Will para magbihis ngunit sumunod pala siya sa akin sa kusina. Tumabi siya sa akin habang hinahanda ko 'yung paggagamitan ko sa ibabaw ng counter.
"You okay?" Tanong ni Will. Nilingon ko siya saka kumunot.
"Ako?" Tumango siya. "Ayos naman, why?"
Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Ang putla mo." He brought his gaze back to my eyes again. "May sakit ka ba? Ang tamlay mo rin kasi." Napasinghap pa ako nang ilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit."
Hinawakan ko ang kamay niya para alisin sa noo ko. "Ayos lang nga. Masakit lang puson ko."
Mukhang doon siya naliwanagan kung bakit matamlay ako ngayong araw. "Aah. Uminom ka ba ng gamot para dyan?"
I shook my head. "Hindi ako nainom ng gamot sa dysmenorrhea. At saka ayos lang ako, ano ka ba. Normal lang naman 'to. Don't worry."
Tinitigan niya pa muna ako saglit, sinusuri kung maniniwala ba siya sa sinabi ko. "Hmm okay. If you need anything, just tell me." Hinintay niya muna akong tumango bago siya maglakad paalis ngunit bumalik pa ulit siya nang may maalalang sabihin. "Ah siya nga pala. Here." May inabot siya sa aking papel kaya kinuha ko iyon. It was a flyer. "You like baking, right? Here. Every saturday, mayroon silang baking class na pwede mong attendan. Since wala namang class si Winter ng weekends, isasama ko na lang muna siya sa Clinic. Isang araw lang naman. You can also get some tips and advice there which can help you in your bakeshop someday."
Paliwanag niya na mukhang pinaghandaan niya na dahil hindi niya akong hinayaan na makapagreact. Binasa ko ang flyer. About nga ito sa baking class. Mukhang malaki nga ang maitutulong nito sa akin. Kinalawang na nga ang utak ko sa mga baking dahil ilang taon na rin nang huli akong nagtrabaho sa mga pastry shop. Ngayon na nga lang ulit ako nakapagbake simula nang maging yaya ako. And tips and advice? Grabe, super helpful nito.
"Sure ka ba rito? Gusto mo akong pumasok sa ganito?" Takang tanong ko.
Nakangiti siyang tumango. "Yeah. Pangarap mo makapagtayo ng bakeshop, diba? It's a great opportunity na rin." About that dream, tanda niya pa pala. Napangiti ako sa loob ko. Sinilip ko ulit ang flyer. "I already signed you up there. Pagpunta mo na lang ang kulang."
"Thanks."
"Can't wait to call you a pastry chef in your own bakery." Will commented. Hindi ko na napigilan ang galak sa loob ko at sumilay ang ngiti sa labi ko sa komento niya.
Sir naman, 'wag kang ganyan! Baka kahit meron ako ay bumukaka pa rin ako sa'yo.
Kinagabihan, mas lalo kong naramdaman ang sakit ng puson ko kaya naman pagdating ng dinner at maglinis ng pinagkainan, dumiretso na ako sa kwarto ko. Nakabaluktot ako ng higa sa kama. Pinipilit kong matulog kaso masakit talaga. Nakailang ikot na ako sa kama kaso dilat pa rin ang mata ko.
Narinig kong may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Alam ko naman na si Will 'to. Bakit narito ang mokong na 'to? Alam na nga niyang meron ako. Hayok na hayok, Sir. Di ba pwedeng time out muna. Pagpahingahin mo naman pechay ko. Need ko day off kahit mga one week. Baka gusto pa ata nito ay mayfile ako ng leave of absence. Naramdaman kong gumalaw ang kama hanggang sa pumulupot ang braso ni Will sa bewang ko. Inalis niya pa ang buhok ko na nakaharang sa pisngi ko saka dinampian ako ng halik.
"Masakit pa rin puson mo?" Malumanay niyang tanong. He sounded concern about my situation.
"Hmm." Iyon lamang ang naisagot ko.
Ang akala ko kung saan pupunta ang kamay niya nang gumapang ito pababa hanggang sa huminto ito sa ibabaw ng kamay ko na nakahawak sa aking puson. "Hintayin mo ko, may gagawin lang ako." Bulong niya sa tenga ko bago siya umalis ng kama at lumabas.
Ilang minuto ang lumipas nang bumalik ulit siya. "Khai," tawag niya sa akin. Umikot ako ng higa para humarap sa kaniya. May dala siyang tumbler nang umupo siya sa gilid ng kama. "Bangon ka. Inumin mo 'to."
Kumunot ang noo ko. "Ano muna 'yan? Baka mamaya halamang gamot na 'yan ah. Ayoko. Di ko trip mga ganyan." Reklamo ko.
"No, it's not. Hot choco lang 'to. Maganda daw 'to para mabawasan period cramps mo." Paliwanag niya. Tinitigan ko muna ang hawak niya bago mapagdesisyunan na bumangon. Inabot niya sa akin ito na siyang kinuha ko naman.
"Sigurado ka hindi 'to kung ano anong halamang gamot? Kapag ito mapait, William, sinasabi ko sa'yo." Ikinatawa niya lamang ang pagbabanta ko. Inamoy ko pa nga ang loob. Mukhang legit na hot choco naman. Amoy chocolate e.
"Dahan dahan, baka mapaso ka. Mainit 'yan." Paalala niya.
Hinawakan ko ito sa dalawang kamay at hinipan muna bago ko dahan dahan na ininom. Ramdam ko ang init nito na bumaba sa tyan ko. Ang sarap sa pakiramdam nung init. Pinanood lamang ako ni Will na ubusin ko 'yung hot choco. Hindi ko pa napigilan na dumighay nang mabusog. Tumawa lamang siya nang mahina.
"Matutulog ka na ba?" Tanong niya nang makuha ang tumbler sa kamay ko.
"Ita-try ko."
Tumango-tango lamang siya. "Hmm okay." Hindi muna siya umalis at mukhang may gusto pang sabihin. "Gusto mo bang... tabihan kita?"
"Bakit?"
He clenched his teeth, searching for reasons to say. "W-wala naman. I just thought you need someone to cuddle you."
Minatahan ko muna siya bago tumango. Pwede kaya 'yon? Iyong ipapasa ko sa kaniya 'tong nararamdaman ko sa puson ko? Ay wow, Khaila. Ano ka buntis?
Bumalik na ako sa pagkakahiga at tumagilid na nakatalikod sa direksyon niya. Gumalaw ang kama at naramdaman ko na lamang na tumabi na siya sa akin. Inayos niya ang comforter sa ibabaw namin bago niya ilapit ang braso niya sa ulo ko. Awtomatiko akong napaangat at ginawang unan ang kaniyang braso. He spooned me. Pumikit na ako para makatulog na. Totoo nga 'yung sinabi niya tungkol sa hot choco. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Sa ilang minuto na ganito ang aming posisyon, unti-unti ng bumabagsak ang talukap ng mata ko. Bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko pa ang kamay niya na bumaba ulit sa puson ko. It brought so much comfort to me when he gently tapped my belly. Sa ginawa niya ay mas lalong napadali ang pagtulog ko.
***
Kinaumagahan, nagising ako na mali ang posisyon. Nang realize na nakatihaya ako ng higa ay bigla akong binalot ng kaba. Mabilis akong bumangon at hinawi ang comforter para makita ang bedsheet. Sh#t naman! Napakamot ako ng ulo ko nang makita ang tagos sa bedsheet. Sabi na e! Kapag talaga namamali ako ng posisyon sa kama, ganito ang nangyayari. Jusme, puti pa naman. Mas malala pa 'to sa unang gabi na pinagsaluhan namin ni Will e. Mas marami ang mantsa.
Speaking of Will, wala naman na siya sa tabi ko. Nang silipin ko ang likuran ko sa salamin na nasa pinto ng closet, nakita ko na namilog na ang mantsa sa short ko. Nagtungo ako sa drawer para sana kumuha ng napkin kaso pagtingin ko sa pack ay wala ng laman. Sinilip ko pa ang loob para makasigurado. Ano ba 'yan! Wala na akong gagamitin. Hindi naman agad ako makakabili dahil wala namang sari-sari store dito na pwede kong pagbilhan. Isang sakayan pa papunta sa bilihan.
Hindi naman ako pwedeng umalis na ganito. Binuksan ko ang pinto saka sinilip ang labas. Walang tao. Dumampot muna ako ng tuwalya para ipulupot sa bewang ko bago ako nagmadaling lumabas ng kwarto at kinatok ang pinto ni Will.
"Sir Will," mahinang tawag ko sa kaniya sa pinto habang marahan na nakatok.
"Sandali." Sagot nito ngunit hindi ko masyadong narinig. Pinapapasok niya na ba ako? Hindi na ako nakapaghintay at binuksan na ang pinto. Pagtingin ko sa loob ay tumambad sa paningin ko si William na saktong nag-aangat ng black pants niya. Jusmeyo! Dalawang matumbok na buns agad ang naging agahan ko sa umaga. Napaiwas ako ng tingin.
"Magpants ka nga!" Sermon ko.
Tumawa siya. "Diba sabi ko sandali. Ikaw dyang pasok ng pasok e." Narinig kong nagsisinturon na siya. Sandali pala sinabi niya? Ang akala ko pinapapasok niya na ako e. "Ano pala kailangan mo?"
Sinilip ko siya at nakapag-ayos na siya ng suot. Isinukbit niya sa ilalim ng collar niya ang necktie bago lumapit sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko, iniisip kung tama ba ang hihingin kong pabor sa kaniya. "Pwede pahingi favor?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. Hinawakan niya ang braso ko bago ako halikan sa pisngi. "Anong favor?"
Ilang segundo pa bago ako makasagot. "Tinagusan ako."
Bumaba ang tingin niya sa tuwalyang nakasabit sa bewang ko. Nagets niya ata kung bakit mayroon ako nun. "And then? What do you want me do?"
I pressed my lips tightly. "Wala na ako napkin." Pag-amin ko. "Ang akala ko meron pang isa para sana ngayon at bibili na lang ulit ako. Kaso wala na pala."
Nginisian niya ako. "Gusto mo na ako bumili ng napkin mo?" Mabagal niyang tanong.
Nahihiya akong tumango. "I mean, kung malelate ka naman na sa work mo, 'wag na. Ayos lang. Baka tela na lang gamitin ko para may magamit ako pansaman—" Nawala na ako sa sinasabi ko nang halikan niya ako.
"I'll buy. Dito ka na lang muna sa bahay. Willing ka naman maghintay diba? Ihahatid ko lang muna si Winter bago ako dumaan sa convenience store. Tapos babalik ako sa'yo."
Ang hassle naman nun. Babalik pa siya ng bahay para lang maiabot sa akin 'yung napkin. "Hindi na, wag na pala. Sayang sa gas." Napasinghap ako nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko saka itinago sa likod ng tenga ko.
"I'll buy it for you. Hindi naman siguro ako aabutin ng 30 minutes para mabigay sa'yo. Kaya mo naman maghintay ng ganoon diba?" Marahan akong tumango. "Good. Hintayin mo na lang ako sa kwarto. Ako na muna bahala sa breakfast ni Winter."
"Hmm." Nakalimutan ko na ata paano magsalita. Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya ako isama sa paglabas ng kwarto.
Siya na nga ang nag-abala sa breakfast ni Winter habang ako ay naiwan sa kwarto, nakadapa ng higa. Hindi na kumportable ang baba ko kaya naman nang makaalis sila ay nagtungo na lang ako sa bathroom para maligo. Makakabalik naman siguro si Will after ko maglinis ng katawan. Pansamantala ay naglagay muna ako ng tissue sa panty ko habang hinihintay 'yung napkin. Nasa may tapat ako ng bathroom, nakasandal sa pader nang makatanggap ako ng text mula kay Will.
Boss Will: I forgot to ask what's your pad
Boss Will: Saan dito?
Nagsend siya ng picture kung saan naroon ang hilera ng mga napkin. Nakita ko naman agad 'yung binibili ko kaya sinabi ko sa kaniya ang kulay.
Boss Will: Itong Whis**r?
Me: Yup
Me: May wings ba 'yan?
Boss Will: Wings?
Me: Oo, testing mo nga kung nalipad
Me: Pag mataas lumipad, 'yan na 'yon
Natawa na lamang ako.
Boss Will: Be serious, Khai
Ito naman si Sir, hindi mabiro.
Me: Kapag may nakalagay with wings, okay na 'yun
Boss Will: Oh okay, may nakalagay naman. I'll take this. May ipapabili ka pa ba?
Me: Wala na po. Balik ka na, mapupuno na tissue ko
Mga sampung minuto pa ata ang lumipas nang marinig ko ang yabag ng paa mula sa hagdan. Dumating na si Will, nagmamadali pa. May hawak siyang plastic nang lumapit sa akin.
"Here," inabot niya sa akin iyon. "Ayos lang ba pakiramdam mo?"
Kinuha ko ang plastic ngunit naramdaman pa na medyo mabigat ito. Hindi naman mabigat ang isang pack ng napkin ah? "Hmm. Salamat sa pa-hot choco mo kagabi."
Napangiti siya. "Good to know. I have to go na. Late na ko sa Clinic."
Naguilty tuloy ako. Late na siya. "Hmm. Sige na. Babye."
"Bye." Hinawakan niya ako sa likod ng leeg ko at matamis na dinampian ako ng halik sa noo. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang bumaba ng hagdan. Napahawak ako sa noo ko. Bakit ba ang hilig niyang humalik sa noo at pisngi? Naninibago tuloy ako. Mas sanay ako na laplapan agad.
Bumalik na lamang ulit ako sa banyo at nang makapagpalit ulit ng pambaba. Ngunit napansin ko na hindi lamang napkin ang binili ni Will kung hindi may kasama pa itong box ng ice cream. Kaya naman pala ang bigat. May nakadikit pang sticky notes dito.
________________________________
Eat this para mawala na ng tuluyan sakit ng puson mo. Pagaling ka okay :)
________________________________
Nang mabasa iyon ay naramdaman ko na lamang ang kakaibang t***k ng puso ko na ibang iba kapag may nangyayari sa amin ni Will. It was heavier than before. Ang weird. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko. What is happening?