Her POV
Malala ang kaba ng dibdib ko habang nasa may sala ako, dito pa rin sa bahay ni Emman, habang tulala sa kawalan. Mapupuno na lang ulit ang pantog ko dahil kanina pa ako inom nang inom ng tubig. Hindi ko na nabilang kung nakailang baso na ako.
I don't know why I agreed to it. Bakit, Khai? Diba ang plano mo ay lumayo sa kaniya? Kasi ako na mismo ang nagsabi sa sarili ko, he's no good for me. Ayoko ng magising sa umaga na may basa sa panty ko just because I had wet dreams with him. Pero tignan mo anong nangyari?
Here I am, couldn't stop myself from fidgeting as I wait for William to arrive. Susunduin niya raw kasi ako para siya na ang maghatid sa akin sa bahay niya. Kinabahan ako hayop. Wala si Emman sa bahay dahil nasa trabaho habang ang asawa naman niya ay umalis kaya ako lang ang narito. Hinawakan ko pa ang tuhod ko para patigilin sa paggalaw ang binti ko.
Magiging yaya pa tuloy ako ng anak niya.
Tumingin ako sa orasan. Ang sabi niya after ng work niya ako susunduin. Hindi ko naman natanong kung anong oras ba siya matatapos.
Ginulo ko ang buhok ko. Kung hindi lang talaga ako problemado sa pera ay hindi ko tatanggpin ang alok niya. But I need money. And he offered a better option. Actually, the best. Mahirap na makahanap ng trabaho ngayon. Kung makahanap man ako, baka abutin ng syam syam. Ayoko namang palagpasin pa ang pagkakataon dahil kailangan ko na ng pera. Kasi maliban sa utang at gastusin ko, may pinag-iipunan ako.
Napatayo agad ako sa kinauupuan ko nang bumukas ang pinto. Ngunit si Ate Alice lang pala, asawa ni Emman. May dala itong eco bag kaya tingin ko ay galing siyang palengke. Lumapit agad ako sa kaniya para tulungan siya sa hawak niya.
"Ako na po dyan," kinuha ko 'yung eco bag mula sa kaniya saka ipinatong sa mesa.
"Salamat. Hindi pa ba siya dumarating?" Tanong ni Ate, tukoy niya kay William.
Kinuwento ko kasi sa kanila na mayroon na akong nahanap na trabaho. Una hindi pa sila nagtanong pero noong sinabi ko na kailangan kong umalis na rin ng bahay nila dahil sa amo ko mismo ako titira, doon sila nagpasabog ng mga tanong. Kesyo bakit daw ako sa bahay ng amo ko makikitira? Ano raw ba kasi kinuha kong trabaho? Doon na ako nagkwento sa kanila na mag-aalaga ako ng bata. Full time yaya.
Ayoko sanang makitira sa bahay nila Will, but he offered... again na I can stay in his house for a little while para makapag-ipon daw ako nang maayos kaysa naman umupa pa raw ako ng bahay. Balak ko na rin kasi talagang umalis sa bahay nila Emman. He also said na less hassle na rin daw na sa bahay nila ako nakatira since need ni Winter ng 24/7 na tagabantay lalo na't hindi siya sure kung anong oras siya lagi makakabalik ng bahay.
"I'll do the house chores aside from taking care of your daughter." Iyon ang sinabi ko sa kaniya kagabi nang mag-offer siya sa akin. Ayoko naman na nakikitira ako sa bahay nila tapos taga-alaga lamang ako ng anak niya. Sobra sobra ang offer na binibigay niya, it's not fair. Lugi siya sa pagpapasweldo sa akin kung sa kaniya rin ako titira.
So imbes na maging nanny lang ni Winter, I made a better deal with him. I'll be their full time yaya. Ayaw niya pa sanang pumayag kasi hindi naman daw paglilinis ng bahay ang inoffer niya sa akin. But in the end, napapayag ko siya.
"Bukas ka na magsimula. Susunduin kita sa inyo after work." He said.
"Bukas agad?"
"Yeah. I badly need someone who will look for Winter habang nasa seminar ako since I'll be gone for two days. Hindi ko siya pwedeng isama e." He looked at me. "I need a nanny, you need money. I think it's a win-win situation for us. I mean, hindi sa tine-take advantage ko 'yung sitwasyon mo. I felt bad of what happened to you and naisip ko na lang baka makatulong ako sa'yo."
I smiled at him halfheartedly. I really do appreciate his sympathy towards me. Hindi ko naman binigyan ng malisya ang offer niya. I could feel his genuineness through his words. And from the way he looked at me, all I could see was pureness in his eyes. Just like his daughter. Mag-ama nga sila.
"I know. And thank you." I muttered in a soft voice.
Iyon ang naging pag-uusap namin.
Ngayon ay dala dala ko na ang bag ko palabas ng bahay nang makareceive ako ng text mula kay Will na nasa labas na raw siya ng bahay ni Emman.
Doc William: I'm already here
I should probably change his contact name in my phone. Boss William na dapat ang nakalagay. Bhoxzs William m4pH4gmah4l. Natawa naman ako sa kalokohan ko. Sige lang, Khaila. Panindigan mo 'tong desisyon mo. Ipagpepray ko na lang talaga na wala akong gawing kalokohan sa bahay nila. Iniisip ko pa lang na palagi na kaming magkikita, jusko. Help me, Lord.
"Hey." Malalim na boses niya agad ang sumalubong sa akin. Halata ang pagod sa boses niya at kahit sa mukha niya. Marami sigurong ginawa sa Clinic niya.
"Hey," ganting bati ko sa kaniya.
Pagsilip ko sa kotse ay naroon si Winter, nakasilip sa nakabukas na bintana sa backseat. Nginitian ko agad siya sabay kaway na rin. "Hey, Winter."
"Akin na 'yan." Inabot ko naman kay Will ang bag ko at nagtungo siya sa likod ng kotse para ilagay sa compartment. "Wala ka bang ibang naiwan?" Tanong niya pa nang makabalik sa tapat ko.
Umiling ako. Sinigurado ko naman kanina habang nag-eempake na dala ko na lahat. "Wala naman na."
"Tara na?" Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang pareho na kaming makapasok sa loob ng kotse ay pinaandar niya na ito.
Ang bigat pa ng bawat paghinga ko habang nasa byahe ako. Kahit kailan kasi wala akong experience sa pag-aalaga ng bata. Miski pamangkin ko nga ay hindi ko naalagaan. Pwede pa sa gawaing bahay e. Nang silipin ko si Winter sa rear-view mirror ay may hawak itong children's book. Himala ah, hindi phone ang hawak niya ngayon. Mukha namang hindi mahirap alagaan itong batang ito. She looked behave and well mannered kaya wala naman siguro akong dapat problemahin.
Si William na lang talaga! Sandali ko pa siyang sinilip. Kaya mo 'to, Khai. Wala naman akong dapat ikabahala. I mean wala siyang dapat ikabahala. Katiwa-tiwala naman ako. Wala siyang dapat ipag-alala sa akin dahil wala naman akong balak na gapangin siya sa kama niya.
Sinampal ko ang sarili kong pisngi para magising sa kaharutan ko. Maghunos-dili kang babae ka!
"You okay?" Nang mapalingon ako kay Will ay nakakunot ang noo niya. Nahuli niya pala akong sinampal ang sarili ko. I just awkwardly smiled at him then nod my head. Sandali niya pa akong sinilip ulit para makasiguro na ayos lang ako bago niya ibalik ang atensyon sa kalsada.
Nang makarating sa bahay nila ay siya na mismo ang nagbuhat sa bag ko. Hinawakan agad ni Winter ang kamay ko nang makababa siya ng kotse. Nakatingala siyang ngumiti sa akin bago niya ako hilain papasok sa loob.
Kasama namin si Winter nang igaya ako ni William sa kwarto na siyang tutulugan ko. Nasa second floor iyon. Magkatapat lamang ang kwarto na tinutulugan niya at ang guest room kung saan ako matutulog. Tumakbo agad si Winter sa kama at pabagsak na umupo nang makapasok kami.
"This will be your room. Napalitan ko naman na 'yung pillows and everything. Gamit mo na lang kulang." Paliwanag ni Will nang mailapag niya sa ibabaw ng kama ang bag ko.
Nang tignan ko ang paligid ay simple lang naman ang arrangement ng mga gamit dito. Mukhang bago ngang palit 'yung bedsheet at pillow sa kama. Inalala ko tuloy kapag may dalaw ako baka mamantsahan ko. Puting puti ba naman.
"Salamat." Tugon ko.
Sunod niyang ginawa ay inilibot ako sa bawat parte ng bahay niya. Dalawa lang naman ang floor nito. Sa baba ay naroon ang sala, malawak na kusina, dining area, at restroom. Sa taas ay puro bedroom tapos hiwalay na bathroom. Tipikal na kung ano ang makikita sa bahay. Ang tanging parte sa bahay niya na siyang ikinamangha ko ay ang malaking swimming pool sa likod bahay nila. Napanganga talaga ako. Grabe! Pwede kaya ako lumangoy dito? Parang gusto ko na tuloy maghubad ng saplot tapos tumalon.
"Can I swim in here? I mean, pag free time ko?" Nag-aalangan na tanong ko kay Will na nasa tabi ko.
Ngumiti si Will sa akin. "Yeah. But make sure lang na marunong kang lumangoy."
Nagdiwang ang puso ko. Yes! Huling langoy ko kasi sa swimming pool ay 2nd year college pa ako noong outing namin. Jusko, ilang taon na rin. Swimming na swimming na ako. Sisiguraduhin ko talagang maibababad ko ang sarili ko rito kapag wala akong ginagawa.
Bumalik ako sa kwarto ko para ayusin na ang gamit ko. Ginamit ko ang bakanteng closet para doon ilagay ang mga damit ko. Nang matapos ako sa pag-asikaso sa gamit ko ay sumilip muna ako sa bintana ng kwarto. Madilim na rin ang kalangitan.
Someone knocked on the door so I walked towards it and opened it. Si Will pala 'yung kumatok. "I'm going to make dinner. May gusto ka bang ipaluto?"
Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko. "Bakit parang baliktad? Diba dapat ako ang nagtatanong sa inyo niyan?"
Kinagat niya ang ibabang labi niya nang marealize ang ginawa niya. Napakamot siya ng ulo saka awkward na ngumiti. "Do you want to make dinner for us then?"
Mahina akong natawa saka umiling. "I will make dinner tonight. Breakfast tomorrow. Lunch everyday. Baka nakakalimutan mo, katulong mo na ako. Not just some random guest." Lumabas na ako ng kwarto saka sinara ang pinto. Tiningala ko muna siya. Matangkad kasi siya, hanggang balikat niya lamang ako. "Ano gusto mong dinner?"
Nasa kusina na kami nang ipakita niya sa akin kung ano-ano 'yung mga nakalagay sa wall cabinet. He even asked me kung marunong akong gumamit ng electric stove. I don't want to lie to him so I said no. So ayun, itinuro niya sa akin. Ang sabi niya gusto raw ni Winter ng menudo kaya naman iyon ang gagawin ko ngayon. Buti alam ko kung paano lutuin iyon.
"Masarap ka ba magluto?" Tanong niya habang pinapanood ako na ihanda 'yung mga putahe. Nakasandal lamang siya sa counter habang nakakrus ang mga braso.
I was somehow offended with the way he asked me that. Pakiramdam ko kasi ay pinagdududahan niya ang cooking skills ko. Excuse me, William? Ilang taon na akong mag-isang tinataguyod ang sarili ko. Malamang, kailangan kong matutong magluto dahil kung puro bili lang ako ng process food ay baka matagal na akong wala sa mundo. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napataas ang dalawang kilay niya, mukhang walang ideya sa inaakto ko.
"Masarap ako magluto, 'wag ka mag-alala." Umirap pa ako.
Tumawa siya nang mahina. "It's not that I doubt you. I'm just asking."
"Bakit, ikaw? Masarap ka ba magluto?"
Dahan dahan pa siyang tumango. "Yeah. I mean, Winter liked all the foods I cook for her."
Baka napilitan lang anak mo. Gusto ko sanang ibato iyon sa kaniya kaso I decided to keep it in myself. Sobrang feeling close ko naman para makipag-biruan ako sa kaniya. At saka below the belt naman ata 'yun. Naku, Khaila. Baka nakakalimutan. Amo mo na ito. 'Wag mong patulan at 'wag na 'wag mo ng pagnasaan.
"Pwes, maghanda ka na kasi luto ko na ang hahanap-hanapin niya." Mapang-asar ko siyang nginitian. "Ipapatikim ko sa'yo ang pinakamasarap na luto na matitikman mo."
Mapang-asar siyang ngumiti na animo'y hindi tinablan sa sinabi ko bago siya humakbang palapit sa akin. Nabigla ako sa ginawa niya kaya napaatras ako. Hawak hawak ko 'yung isang buong carrot sa kamay ko. He slightly bent down and leaned forward. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya. "Edi ipatikim mo sa akin." We had an intense eye to eye contact for a few seconds bago siya tumayo nang tuwid. He was challenging me. "I'll wait for it." Nagawa niya pa akong kindatan bago siya tumalikod.
Kung makakindat naman 'to. Isa pa nga.
Joke! Haha. Umayos ka.
"Ah," sambit niya saka lumingon ulit sa akin. "Winter is kind of sensitive when it comes to food. Kung hindi siya nasarapan sa luto, dalawa lang ang pwedeng mangyari. It's either, habang buhay niya ng hindi kakainin ang pagkain na 'yun or..." He paused. "Hindi na siya kakain sa luto mo kahit kailan. Kaya galingan mo, okay?" He had this smug look on his face.
Napairap ako nang tuluyan na siyang umalis sa kusina. Ako ba ang hinahamon ng lalaking 'to? I scoffed. The audacity of this man to threatened me. Humanda ka. Ipapatikim ko talaga sa kaniya 'yung pechay ko— p#ta, I mean, kung gaano ako kasarap magluto. Tipong sa sobrang sarap ay araw-araw mo itong hahanapin hanggang sa iyon na lang ang habang buhay mong kakainin. Humanda ka, William. Sisiguraduhin ko talaga na hindi ka na makakatapak sa kusina na 'to. Pinagbantaan ko pa siya sa isip ko habang nakataas ang carrot na hawak ko.
Sinikap ko talaga na sarapan ang luto ko. Nakailang tikim pa ako para walang masabi itong amo ko. Nakapagsaing na rin naman ako kaya inahanda ko na ang mga ito sa mesa. They must be in their rooms kaya naman umakyat ako sa second floor para tawagin na sila. Kulang na lang talaga ay magsuot ako ng uniform na pang-maid. 'Yung sinusuot ng mga maid sa anime, ganun ang gusto ko para naman bongga ako tignan. Edi sana feel na feel ko itong trabaho ko kung ganoon ang suot ko.
Kumatok muna ako sa pinto ng kwarto ni Winter. Wala pang ilang segundo nang may marinig akong tumakbo sa loob hanggang sa bumukas ang pinto.
"Dinner na." Pahayag ko rito.
"Okay po." Iniwan niyang nakabukas ang pinto nang bumalik siya saglit sa kama niya para may kalikutin sa kaniyang tablet bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
"Una ka na don. Tawagin ko lang saglit papa mo." Utos ko sa kaniya. Magalang naman siyang tumango saka bumaba na ng hagdan.
Nagtungo na ako sa kwarto ni Will para kumatok. "Sir William." Lumipas na ata ang minuto ngunit wala pa ring nagbubukas sa pinto. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung may tao ba sa loob kaso sobrang tahimik. Nasaan na kaya 'yung lalaki na 'yon?
Kakatok pa sana ulit ako nang biglang may bumukas na pinto, hindi sa tapat ko kung hindi sa tabi nito. Sa mismong bathroom. Pagtingin ko ay mabilis akong nanigas sa kinatatayuan ko, naiwan sa ere ang kamay ko na nakakuyom para kumatok sana ulit. Para akong hinugutan ng hininga at nanlalaki ang mga mata nang makita si William na walang saplot maliban sa puting tuwalya na nakabalot sa bewang niya.
Mula sa basang buhok ay bumaba ang tingin ko sa makisig niyang katawan. Napalunok ako nang makita na ang ganda ng hubog ng katawan niya. Nang mapunta ako sa tuwalya ay napansin kong may nakaumbok sa gitna kaya nagpanic agad ako at mabilis na binalik ang tingin sa mukha niya. What the f#ck?
Mabilis akong tumalikod sa kaniya. Utang na loob, ano ba 'to? Ayokong makita niya ang mukha ko dahil baka mapansin niya ang pamumula ng pisngi ko. Sobrang init ng mukha ko, kainis!
"Khai? Are yo—?"
"Kakain na. Bilisan mo." Madiin kong utos na para bang hindi ko amo ang kausap ko saka mabilis na nagmartsa pababa nang hindi na siya nilingon pa.
P#taena.
Jusko, Lord. Hindi pa naman umaga pero may pawalong pandesal at maumbok na jumbo hotdog na agad.