Kristine Calina's POV Malakas kong tinapik ang aking mga pisngi. “Gising, Tin, it’s just a one-night stand with a random stranger,” sabi ko sa aking sarili. Ngunit tila power point presentation na nag-uulit-ulit sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Kung hindi ako nagkakamali, siguro ay siya yung nag-message sa aking mga kaibigan. Dahil alam ko sa sarili ko na, nawalan man ng epekto sa akin ang alak, sobra-sobrang pagod naman ang aking naramdaman. “Unang beses ko pa lang pero parang sinulit ko naman,” napapailing na sabi ko at tuluyan nang nagbanlaw. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas sa aking silid. Wala nang tao, mukhang nakaalis na rin ang kapatid ko. Nagtungo ako sa munting naming kusina. Doon ay nakita ko ang aking mga pusa na nag-iingay. Mukhang nagugutom na ang

