Edrian POV
Tinitigan ko sya sa huling pagkakataon. Teka! Bakit ba ako nagkakaganito? I don't even know her kaya bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng yun dahil lang sa Hindi na kami magkikita.Tsss
"Hi Edrian my loves!"sigaw nung nasa likuran ko kaya agad akong napalingon.
Hindi na ako nagulat sa mga taong nasa harapan ko ngayon. Si mommy kasama ang babaeng patay na patay sakin.
"Hi son! What are you doing here? Nakakapagtaka lang dahil nandito ka sa park magisa."tanong ni mommy. Sabi na ehh itatanong nya sakin yan.
Hindi ko pwedeng sabihin na kaya ako nandito dahil kailangan kong magisip ng paraan para hindi matuloy ang kasal.
"Ahmmm ..." what should I say?
"I think tita balak siguro ni Edrian my loves na dalhin ako dito Am I right?"tanong nya sakin habang nakangito ng malaki.
Inirapan ko lang sya at hindi na pinansin.
"What son nagaantay ako ng answer mo"saad ni mom
Magsasalita na sana ako kaso biglang may humiyaw sa di kalayuan samin.Pagtingin ko yung babae pala kanina.Tumatakbo sya papunta samin.
"Wait lang! Hayyy kala ko umalis kana.Eto yung panyo salamat ah."sabi nya nang may ngiti sa kanyang labi habang hinihingal. Damn she's so beautiful.
"And who is she?"mataray na tanong ng nanay ko.
Hmmm I think I have a brilliant idea. And mukhang nahanap ko na ang babaeng kailangan ko.
Walang pagdadalawang isip na hinila ko yung babae palapit sakin at inakbayan ko sya.Halata namang nagulat silang lahat sa ginawa ko lalong lalo na si Krizalyn. Haha!
"Mom kaya ako nandito kasi imimeet ko sana yung girlfriend ko and ngayong andito na siya I guess its time for you to meet her finally."may ngiti sa ma labi ko habang sinasabi ko yun.
Hahaha! Mukhang hindi na matutuloy ang kasal ko with Krizalyn.
Maya maya naramdaman kong siniko ako nung babae at bigla akong hinila palayo sa kanila.
"What was that for? Bakit mo sinabing girlfriend mo ako kahit pareho nating alam na hindi yun totoo."mahina peri may halong galit sa boses nya.
"Basta miss sakyan mo na lang ako then I will explain later okay?"sabi ko sabsy hila sa kanya.