champer-4

340 Words
Shaina POV Ano bang pumasok sa utak ng lalaking to? Ako? Girlfriend nya? WTF!? Sa pagkakaalam ko meron akong boyfriend at hindi sya yun. Ayyy teka mali... EX na pala. Kakabreak lang namin 1 week ago. He cheated on me at pinagpalit niya ako sa EX niya!.Lintek lang! Ginawa lang niya akong tanga sa loob ng 6 months.Oo 6 months pa lang kami tapos niloko na nya ako. Kaya nga ako nandito sa park kasi sinundan ko yung EX ko kasama yung bago niya.Ang sakit lang makita na sobrang saya nilang dalawa habang ako nasasaktan. Hindi ko napigilan yung luha ko kaya napaiyak ako kanina tapos kinapalan ko pa yung mukha ko dahil nanghiram pa ako sa lalaking to ng panyo at nang dahil don naipit na ako sa sitwasyon na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit nya sinabi na girlfriend nya ako at sakyan ko na lang daw yung sinasabi nya.Hindi pa nga ako nakakapagdecide pero hinila na nya agad ako. "Mom meet my girlfriend"sabi nitong posteng lalaking humila sakin. Humanda ka talaga saking lalaki ka kung sino ka man. Ni hindi ko nga sya kilala tapos sasabihin niya na gf nya ako. Kagagaling ko nga lang sa break up tapos eto na naman.Lord eto ba ang kapalit ng paghiram ko sa kanya ng panyo? Kung alam ko lang sana hindi na ako nanghiram sa kanya. "What's her name?"tanong nung mommy nya ata. Hindi naman agad nakasagot si kuyang pogi.Oo gwapo nga sya tsaka matangkad pero naiinis ako sa kanya dahil pinasok nya ako sa sitwasyong ito. "Ahmm..."yan lang ang nasabi nya pagkatapos ay tumingin sakin na para bang may gustong sabihin. Ahh gets ko na.Haha di nya nga pala alam ang pangalan ko.Buti nga sayo! "Ah Hello po ako po si Shaina Montenegro."pakilala ko sa mommy nya tapos inilahad ko sa kanya yung kanang kamay ko. "I'm Gloria Hernandez,mother of Edrian."pakilala rin nya sabay abot sa kamay ko para makipagshakehands.So Edrian pala ang pangalan ng toreng lalaking to. Teka lang parang familiar sya sakin.San ko ba sya nakita?Hmmm...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD