chapter-13

436 Words
Shaina POV "Huwag mo naman ipahalata na gwapong gwapo ka sakin." Oo na sya na ang gwapo! Napakayabang! "Alam mo hindi ka lang pala masungit no mayabang ka rin" pero tinawanan nya lang ako. "No I'm not. I'm just telling the truth." Edi wow! Tsss saksakan ng yabang! Ngayong araw ang una naming pagkikita at eto rin ang araw na naging fake girlfriend nya ako. Hayyy sana lang matagalan ko sya at makayanan ko ang magiging takbo ng plano ni Edrian at siguro plano ko na rin. Sana lang hindi ko rin pagsisihan ang naging desisyon ko. "Hoy baka kung san mo ako dalhin ah? Humanda ka sakin."banta ko. Syempre bawal makampante noh! Kakakilala lang kaya namin. Mahirap na kahit gwapo sya. Ano ka ba naman Shaina! Ilang beses mo ng sinabi na gwapo sya! Tumigil ka na! "Dadalhin talaga kita sa ibang lugar kung hindi mo sasabihin sakin kung san ka nakatira."may point naman sya. Tinuro ko naman ang daan sa kanya kasi baka kung saan ako dalhin nito. Lumipas ang ilang minuto nakarating na rin kami sa bahay. Hayy sa wakas makakapagpahinga na rin ako. Lumabas na ako ng sasakyan at papasok na sana sa bahay pero hinawakan nya ang kamay ko. Para akong nakuryente sa paghawak nya na yun. Ganitong ganito rin yung naramdaman ko kanina nung hinawakan nya ako sa kamay at ning hawakan ko rin sya sa kamay.Ano ba yun? "Wait"saad niya. Hindi ko naman sya matingnan sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. "B-Bakit?"pautal kong tanong. "Can I get your number?"tanong niya. Dali dali ko namang kinuha sa bag ko yung phone ko at binigay sa kanya yun. Wala namang password yun kaya okay lang. Nakatalikod pa rin ako sa kanya habang hawak hawak nya pa rin yung kamay ko. Kailan nya ba balak bitawan ang kamay ko? "Okay na" dali dalj kong inabot yung phone ko ng hindi nakatingin sa kanya pero hindi na pa binibigay sakin kaya napalingon ako sa kanya. "Akin na!"utos ko. Pero tinaas nya pa lalo yun kaya hindi ko maabot. "Bakit di ka muna makatingin sakin? Kinikilig ka noh?"pangaasar niya. Ako? Kinikilig? Sa kanya? Duhhh! "Kapal mo naman!"pagtanggi ko. Totoo naman ah. Bakit naman ko kikiligin sa kanya? "Okay sabi mo eh. Oh"sabi nya sabay abot ulit ng phone ko. Mahigpit ko na iyong hinawakan at hinila sa kanya pero hindi nya parin binibitawan. "Ano ba bi---" naputol ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinila palapit sa kanya. Grabe sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa at ang lakas ng t***k ng puso ko. Panigurado namumula na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD