Chapter Six: Blast From The Past

4322 Words
ISANG araw matapos kong 'makalaya' mula sa mansiyon, heto ako. Nakahilata sa kama habang nakatitig sa kisame. Pero plain white lang 'yon at walang universe na nakapinta ro'n. Hindi pa ko lumalabas simula nang makauwi ako. Natulog lang ako ng natulog para makalimutan ko 'yong mga nakaka-trauma na bagay na naranasan ko no'ng isang gabi. Pero sa totoo lang, hindi naman sa buhay na manika ako na-trauma. Mas nangibabaw ang takot ko kay Jared at sa muntik na niyang gawin sa'kin. 'Yon din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang lumabas. Baka kasi makasalubong ko uli siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko 'pag nagkataon. Ngayon tuloy, hindi ko alam kung tama ang desisyon kong huwag isumbong ang ginawa sa'kin ni Jared.  Sa totoo lang, nanahimik ako hindi lang dahil sa alam kong kakampi niya ang awtoridad sa lugar na 'to. Ginawa ko 'yon kasi ayoko nang balikan ang nangyari sa'kin ng gabing 'yon. Sigurado kasing marami pang uungkatin ang mga pulis. Gaya ng kung anong ginagawa namin sa bahay na 'yon ng magkasama. Kung sakaling 'yon ang nangyari, siguradong makakarating 'yon sa mga magulang ko. Wala rin naman kaming pera para paabutin pa sa korte ang nangyari sa'kin. Lalo na't anak ng mayor si Jared. "Kalimutan mo na 'yon," saway ko sa sarili ko. "Huwag mong hayaang sirain ni Jared pati ang isip mo." Nag-imagine na lang ako ng munting universe sa kisame na tinititigan ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong mga galaxy, stars, at mga planeta na nakapinta sa kuwarto ni Levi. Levi Mitchell Hope. Aaminin ko na no'ng una, sobra ang takot na naramdaman ko kay Levi. Sino ba naman ang hindi matatakot sa buhay na manika? Lalo na't kinulong pa niya ko sa kuwarto niya. Pero alam kong hindi siya masama, at hindi niya intensiyong takutin ako. Desperado lang siya. No'ng na-realize naman ni Levi na mali ang ginagawa niya sa'kin, huminto agad siya. Itinama niya ang pagkakamali niya. Pinakawalan niya ko nang hindi sinasaktan. Humingi pa siya ng tawad. Higit sa lahat, ni minsan ay hindi niya ko hinawakan o nilapitan gaya ng bilin ko sa kanya. Alam kong gustung-gusto ni Levi na magkaro'n ng kaibigan. Pero hindi ko kayang maging gano'n sa kanya. Siyempre, kahit naman nababaitan ako sa kanya, hindi ko pa rin puwedeng ibaba ang depensa ko. Hindi ko pa rin alam eksakto kung ano siya. O kung totoo ang kuwento nila ni Beatrice na dati siyang tao. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon, lalo na sa mga paranormal na bagay. Nag-vibrate ang phone ko sa ilalim ng unan. May notification sa f*******: ko. Nag-comment na naman sina Hani at Felix sa post ko. Hani Lee: Sunny, please stop. Huwag mo nang idamay ang pinsan ko dito, okay? Lalo ka lang mapapahiya kung sila naman ang aawayin mo. Maawa ka sa sarili mo. Like. Reply.2 minutes ago Felix Hernandez: princess, if all else fails, delete this post and block the b***h. mom has read this s**t on her newsfeed and she's not happy about it. Like. Reply.Just now Tinitigan ko ang phone ko. Pero hindi sa comments nina Hani at Felix napako ang atensiyon ko. Tinitingnan ko 'yong pulang notification ng mga friend request ko. There was a certain 'Levi Hope' asking for confirmation. Naka-public ang profile ni Levi kaya nabisita ko ang account niya. 'Yong display picture niya, silhoutte ng isang marionette. Ang cover photo naman niya, litrato ng night sky. 2011 pa ang huli niyang post. Puro pictures ng mga painting ang laman ng timeline niya. Siya kasi ang artist no'n? Sunod ko namang binisita ang personal information niya na naka-public. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakalagay na birthday niya: September 24, 1974. Thirty eight years old na siya? Kung tama ang pagkakatanda ko sa sinabi ni Beatrice, twenty years na simula nang maging manika si Levi. Ibig sabihin, eighteen years old siya bago siya naging gano'n. Kaya pala 'yong hitsura niya, bata pa. Huminto ang oras para sa kanya kaya puwede kong sabihin na sa kasalukuyan, magkasing-edad kami. Pero hindi naman ako puwedeng maniwala agad sa mga nakasulat lang sa online. Kahit ako, puwede kong baguhin ang mga information ko sa f*******:. Saka bakit naman ilalagay ni Levi ang mga totoong impormasyon niya ng gano'n-gano'n lang? Sinunod ko naman ang pag-click sa link ng pangalan ng high school at college na pinasukan daw ni Levi, ayon sa nabasa kong information sa profile niya. 'St. John College' ang pangalan ng eskuwelahan at may f*******: page 'yon kung saan siya nadirekta. Alam niya ang St. John College dahil do'n nag-high school si Vince. Sa kabilang bayan lang 'yon. Puwede siyang mag-tricycle lang papunta ro'n. Active ang page ng St. John College at kahapon lang ang pinaka-recent post niyon. Foundation week ng eskuwelahan kaya puro pictures ng event ang nasa timeline niyon. May mga booths, contests, at sports competition ang nakita ko sa mga litrato. Aalis na sana ko sa page nang mapansin ko ang post ng isang certain Napoleon de Leon. May lumang picture siyang in-upload na ang caption ay: #throwbackthursday Group photo of the first collegiate basketball team of St. John College.Picture taken in 1992. Happy golden anniversary, St. John College! Sa tingin ko, sampu hanggang labindalawang college basketball players na nakasuot ng pulang jersey ang nasa picture. Pero sa isang lalaki lang napako ang tingin ko. Short and disheveled brown hair, blue smiling eyes, thick eyebrows, long lashes, pointed nose, thin and cherry-colored lips, chiseled handsome face, tall and lanky body. He had lighter complexion compared to the other guys in the picture, and his cheeks were pink (probably from heat?) which was a sign of good skin. He looked really alive and healthy. Napasinghap ako nang biglang nag-flash sa'kin ang mukha ng guwapong manika na parang exact replica ng college basketball player na tinititigan ko. Kinilabutan ako. Pero hindi dahil sa takot. I felt a different kind of thrill that I didn't understand at all. "Levi...?" I WAS doing something reckless again. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko 'to ginagawa dahil lang bored ako o gusto ko ng distraction. Ginagawa ko 'to dahil curious at excited akong malaman ang isang bagay na kumuha talaga ng buong atensiyon ko. Saka mas okay na siguro na ganitong may gana na uli ako sa buhay ko kaysa nakakulong ako sa bahay at kahit si Vince, hindi ko masyadong pinapansin. Nagpaalam naman ako sa pinsan ko kanina bago ako umalis. Ang excuse ko, mag-i-inquire ako sa St. John College para sa requirements ng mga may balak kumuha ng entrance examination. Graduating high school students na ang mga kapatid kong sina Rainy at Cloudy sa pasukan kaya mabilis naniwala si Vince. Inalok nga niya ko kung gusto kong samahan niya ko. Pero tumanggi ako dahil kailangan siya ni Tita Viel sa farm. Nilibot ko ang tingin ko sa buong St. John College na maabot ng mga mata ko. Mas malaki 'yon kaysa sa inaasahan ko. Pero private school 'yon kaya siguro, dapat inasahan ko nang sing ganda rin 'yon ng mga university sa Maynila. Sa totoo lang, nangunguna rin ang eskuwelahang 'yon pagdating sa engineering school. Naglagay ako ng mental note sa sarili ko na dumaan sa head office bago ako umuwi para totohanin ang pag-i-inquire. Pangarap kasi ni Rainy ang maging archictect at si Cloudy naman ay gustong maging engineer. Mukhang okay ang St. John College para sa mga kapatid ko. Madali akong nakapasok sa eskuwelahan dahil foundation week at pinapayagan ang mga outsider na pumasok sa loob para makisaya. Pagpasok ko pa lang, sumalubong na sa'kin ang malaking quadrangle kung saan nakatayo ang iba't ibang booths na pinipilahan at pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Mukhang sobrang nag-e-enjoy talaga sila kaya wala nang pumansin sa'kin sa mga nilapitan ko. Wala na tuloy akong choice kundi lapitan na ang isang guwardiya na nakasalubong ko. "Kuya, kilala mo ba si Sir Napoleon de Leon?" tanong ko sa guard na sa tingin ko ay nasa early thirties na. Mataba siya at kalbo pero maaliwalas naman ang mukha, hindi gaya no'ng nasa gate na ang tapang ng hitsura. "Dating estudyante kasi niya ko at gusto ko sana siyang bisitahin." Oo, nagsisinungaling ako. Pero para sa good cause naman ito. "Puwede kayang pakisamahan ako sa kanya?" "Ah, si Sir Nap," nakangiting sagot ng guard. "Sige, hija. Sasamahan na kita sa kanya. May mga bumisita rin sa kanya kahapon, eh. Ang bait kasi niyang si sir 'no?" Ngumiti at tumango lang ako. Hindi ko naman talaga kilala si 'Sir Nap.' Kanina no'ng nasa bahay pa ko, pagkatapos kong mabasa ang throwback post kung saan nakita ko ang posibleng human version ni Levi, pasimple kong tinanong si Vince kung may kilala siyang Napoleon de Leon. Ang palusot ko, nakita ko 'yong post ng matanda sa page ng St. John College habang nag-re-'research' ako. Napansin ko kasi na maraming update si Sir Nap sa f*******: tungkol sa eskuwelahan kaya naisip ko na baka faculty member siya. Tama naman ang hinala ko. Ayon kay Vince, matagal ng P.E teacher sa high school department si Napoleon de Leon at naging manager pa nang naitatag naman ang collegiate basketball team ng St. John College. Ang mas nakakatuwa, nalaman kong active pa rin ang matandang guro sa pagtuturo kaya nagdesisyon akong bisitahin siya. Para sa 'research,' siyempre. "Sir Nap!" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may kung sinong tinawag ang kasama kong guard. Sinundan ko ng tingin 'yong direksyong kinakawayan niya. Sumalubong sa'kin ang isang matangkad at medyo payat na matandang lalaki na may malaking bilog na eyeglasses, gray na ang kulay ng buhok, at nakasuot ng simpleng puting T-shirt, pulang jogging pants, at itim na rubber shoes. Siya si Napoleon de Leon? Nakangiting kumaway si Napoleon, pero sa guwardiya siya nakatingin. "Kumusta, brad?" "Mabuti naman, ho," masiglang sagot naman ng guard, saka niya ko tinuro. "Sir Nap, hinahanap kayo ng batang 'to. Dating estudyante niyo raw ho. Binibisita kayo." Pilit na ngumiti ako nang tumingin sa'kin ang nagtatakang tingin ni Napoleon. "Hi, Sir Nap." Kumunot ang noo ni Napoleon na parang kinikilala ako. Pero sa huli, umiling-iling siya na parang may inaalis sa isipan niya. Pagkatapos, ngumiti siya sa'kin. "Mainit dito sa labas, hija. Do'n na lang tayo sa faculty magkuwentuhan." Tumango lang ako, pagkatapos ay sumunod ako kay Napoleon na dinala ako sa malaking faculty room. Bakante ang mga mesa. 'Yong table niya, nasa pinakasulok. Ah. Mukhang department head na siya dahil sa puwestong 'yon. Makalat ang desk niya dahil sa tambak na paperworks, may malaking globo sa gilid, at may mga lumang photo album pa. "Break time ng mga teacher kaya lahat sila, nasa labas para sumilip sa mga booth," paliwanag ni Napoleon nang napansin niya sigurong nililibot ko ang tingin ko sa faculty room. Sinubukan niyang ligpitin ang mesa niya pero sa dami ng nagkalat sa ibabaw niyon, sumuko rin agad siya. Iminuwestra na lang niya ang silya sa harap bago siya umupo sa swivel chair niya. "Please sit down..." "Sunny," maagap na sabi ko naman pagkaupo ko sa silya. "I'm Sunny Esguerra, Sir Nap." Kumunot uli ang noo niya at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "You're not my former student, aren't you? Natatandaan ko ang lahat ng mga nagiging estudyante ko. Hindi man sa pangalan, pero nakikilala ko sila sa mukha pa lang. Sigurado akong ngayon lang tayo nagkita, Miss Esguerra." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nabanggit nga ni Vince kanina na paboritong teacher niya si Napoleon de Leon dahil matalino ang guro at hindi nakakalimot. Hindi ko naman inakalang sa ganitong paraan ang ibig niyang sabihin. "I'm sorry for lying, Sir Nap. Gusto ko lang sana talaga kayong makausap." "Figures." Umaliwalas na uli ang mukha ni Napoleon. "So, what brings you here? Hindi ka naman magsisinungaling sa isang guro ng walang sapat na dahilan, hindi ba?" Kanina pa ko nag-iisip ng magandang pasakalye para sa pakay ko. Pero hindi na ko makapaghintay na masagot ang mga tanong ko kaya dineretso ko na siya. "Sir Nap, may naaalala ba kayong Levi Mitchell Hope na naging estudyante niyo noon? Member siya ng first basketball team ng St. John College." Halatang nagulat si Napoleon sa mga tanong ko. Pagkatapos ay pinagkatitigan niya ko. Tumango-tango siya na parang may ideyang nabubuo sa isipan niya. "You are Levi's daughter, aren't you?" Ako naman ang nagulat. "Excuse me?" Nasapo ni Napoleon sa mga kamay ang mukha niya. "I knew it! That guy was a total player. By that, I just don't mean him dribbling a ball. Noon pa man ay sinabihan ko na ang batang 'yon na hindi makakabuti sa kanya ang pagiging babaero niya. Pero nakinig ba siya sa'kin? Hindi! Sinasabi ko na nga ba't magbubunga ang pagiging mapusok niya no'ng kabataan niya." Nalaglag ang panga ko, hindi makapaniwala sa mga narinig ko. "Hindi ho ako anak ni Levi. I was not even born when he..." Nakagat ko ang dila ko nang mag-angat ng tingin sa'kin si Napoleon. Nawala sa isip ko na sekreto nga pala ang nalaman ko. Mabuti na lang, nakapag-isip ako ng ipapalit sa mga sasabihin ko sana. "I was born two years after he disappeared. I'm a 1994 baby, Sir Nap." Dumaan ang lungkot sa mukha ni Napoleon. "Ah. Kung gano'n, alam mo rin pala na bigla na lang siyang naglaho na parang bula dalawampung taon na ang lumilipas." 'Naglaho na parang bula.' Hindi 'namatay.' Kung gano'n, posible ngang totoo ang mga sinabi ni Beatrice na tao si Levi noon bago naging manika. Kumunot ang noo ni Napoleon habang nakatitig siya sa mukha ko. "Sandali. Bakit mo nga pala kilala si Levi? Alam mo rin kung kailan siya eksaktong nawala. You seem to be digging up his past." Gah, ang talas mag-isip ni Napoleon. Kailangan ko ring bilisan ang paghahabi ng kuwento sa isipan para makumbinsi ko siyang sagutin ang mga tanong ko. "Sir Nap, hindi ko alam kung natatandaan niyo ang pinsan ko. He's Vince Jerohm Madrigal," pagsisimula ko. "Teacher daw po niya kayo no'ng high school." Umaliwalas ang mukha ni Napoleon. "Yes, I remember him. Batch 2010, right? Sayang ang batang 'yon. Ang tangkad-tangkad, ang lamya namang mag-dribble ng bola," halatang nagbibiro lang na sabi niya. Tumango lang ako dahil mukhang hindi naman ininsulto ni Napoleon ang pinsan ko. "Anyway, napag-usapan ho namin ni Vince ang tungkol sa mga kakaibang school legend dito sa St. John College. Nabanggit ho niya sa'kin na noon nga raw ho ay may isang magaling na basketball player na bigla na lang naglaho na wala ni isang trace." Gah, ngayon ay alam ko na kung hanggang saan ang extent ng paghabi ko ng kuwento kapag kailangan kong magsinungaling: infinite. Sana lang hindi magkrus ang landas nina Vince at Napoleon. O kung mangyari man 'yon, sana nakabalik na ko sa Maynila no'n. "Uhm, bale I'm a fiction writer ho pala. Paranormal and crime ho ang kadalasang genre ng mga nobela ko. Kaya ho nang narinig ko ang kuwentong 'yon mula kay Vince, na-curious ako. Para kasing pang-crime fiction ang premise ng story dahil sa misteryosong pagkawala ni Levi Mitchell Hope." Tumango-tango si Napoleon na parang ninanamnam ang mga sinabi ko. Matagal din bago siya muling nagsalita. "Madalas kong mabanggit sa mga estudyante ko sa P.E class ang tungkol sa magaling na basketball player ng eskuwelahang 'to na si Levi sa tuwing pinapalakas ko ang loob nila sa pag-pa-practice. Alam mo kasi, hija. 'Yang si Levi ay lampayatot noon. Magbubuhat na ko ng bangko, ha?" Ngumiti siya na parang may naaalalang magandang bahagi ng nakaraan niya. "Kung hindi ko pa siya sinulsulan noon na mag-basketball para naman lumaki-laki ang katawan niya at lumakas siya, baka hindi siya magkakaro'n ng kumpiyansa sa sarili niya." Bahagyang tumabingi ang ngiti niya. "Eh no'ng gumaling naman siya sa paglalaro, sumobra ang tiwala niya sa sarili. Lumaki ang ulo." "Naging masamang estudyante ho ba si Levi?" "Hindi ko sasabihing 'masama' dahil mabait na bata 'yong si Levi," maingat na sagot ni Napoleon, naging seryoso na. "Siguro, naligaw lang siya ng landas pansamantala. Dahil alam niyang siya ang sentro ng basketball team, naging mahangin siya. Mayabang. Sa sobrang tiwala niya sa sarili niya, hindi na siya nagpa-practice kasama ng ibang mga members. Mas madalas niyang ubusin ang oras niya kasama ang iba't ibang babae." Nag-init ang mga pisngi ko. Bigla kong na-imagine ang seryoso at blangkong mukha ni Levi. Nope, hindi mukhang player ang manika. Kaya pakiramdam ko, ibang 'Levi' ang nilalarawan ni Napoleon ngayon. Pero sabagay. 'Yong 'human version' ang tinutukoy ng guro at hindi ko pa nakikilala ang binatang 'yon. Lalo tuloy siyang na-curious. "Gano'n ho na ka-babaero si Levi kaya naisip niyo kanina na baka anak niya ko kaya ko siya hinahanap?" Ngumiti si Napoleon, pagkatapos ay nagsimula siyang kalkalin ang magkakapatong na photo album sa mesa niya. "Masuwerte ka, Miss Esguerra. Binitbit ko 'tong mga luma kong photo album ngayon dahil nawiwili ako sa pag-po-post ng lumang mga litrato sa f*******: bilang paggunita sa limampung taon na pagkakatatag ng St. John College." May hinila siyang photo album na kulay magenta at sinimulan 'yong buklatin. "Look at these photos." Dumukwang naman ako sa mesa nang iharap sa'kin ni Napoleon ang pahina ng photo album na gusto niyang makita ko. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa mga pictures ni Levi. Kung guwapo na siya sa group photo na nakita ko sa f*******: kanina, mas guwapo siya sa mga solo and stolen shots na tinititigan ko ngayon. Nakangiti o nakatawa siya sa lahat ng litrato. Karamihan sa mga 'yon, kinuhanan habang naglalaro siya ng basketball. Kitang-kita ang kasiyahan at buhay sa mga mata niya na dahilan kung bakit mas naging charming siya. I was captivated by Levi's picture wherein he was giving the camera a full-blown smile, which showed his complete set of white teeth. Dahil sa ngiti na 'yon, nangingislap ang asul niyang mga mata. Parang ngang nakatingin siya sa malawak na universe na puno ng nagkikislapang mga bituin at galaxies. Malayong-malayo ang buhay na buhay na asul na mga mata ni Levi sa mga mata niya ngayon bilang manika. His current 'doll eyes' may have the same color of the ocean, but they lacked the sparks and the life she was staring at right now. "Ang ngiting 'yan ang kinabaliwan ng mga babae sa St. John College noon," mayamaya ay sabi ni Napoleon. Halata sa boses ang pagmamalaki. Kung magsalita siya, para siyang ama ni Levi. "Ang ngiti ding 'yan ang dahilan kung bakit madali siyang makagaangan ng loob." "That's kind of contradicting," kunot-noong apela ko naman. "Akala ko, mayabang si Levi." "Gaya nga ng sinabi ko, mabait na bata 'yang si Levi," katwiran ni Napoleon. "No'ng minsang natalo ang team namin dahil sa kapabayaan niya, natauhan siya. Bumalik siya sa pagiging responsable at madaling pakisamahan na captain. When his happy persona returned, he gained back the trust and respect of his friends." "Sir Nap, if you're going to describe Levi in one word, what would it be?" curious na tanong ko. "Life." Nabigla ako ro'n, lalo na sa mabilis na sagot ni Napoleon. "Please elaborate." Ngumiti si Napoleon at naging malayo ang tingin. "Levi was full of life, Miss Esguerra. His presence alone could bring sunshine to people around him. Isang salita lang niya, nabubuhayan na ng loob ang mga kaibigan at kasamahan niya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa at parati siyang may nagagawang himala para makuha o magawa ang mga bagay na gusto niya para sa sarili niya, o para sa ibang tao." Hindi iyon ang nakita ko kay Levi. 'Yong manika na nakilala ko, desperado at walang damdamin. Gusto tuloy niyang makilala ang binata na tinutukoy ni Napoleon. Higit sa lahat, mas lalo siyang naging interesado kung anong nangyari kay Levi. "What happened to him?" Naging malungkot ang mukha ni Napoleon. "Wala kaming ideya, Miss Esguerra. Nawala si Levi no'ng araw ng unang championship game sana ng team. Hindi siya nagpakita ng araw na 'yon. Hanggang sa hindi na nga siya natagpuan." "Bigla na lang siyang nawala? I mean, before that day, wala ba siyang nakaaway? Or baka naman may naging mga sign na ng mangyayari sa kanya?" Okay, kahit ako mismo naguguluhan sa mga tanong ko. Marahang umiling si Napoleon. "Gaya nga ng sinabi ko, magaling makasama si Levi." Nakagat ko ang ibabang labi sa bagong ideya na pumasok sa isipan ko. Alam kong ridiculous, pero tinanong ko pa rin. "Sir Nap, posible kayang may kinalaman ang mga naging girlfriends ni Levi sa pagkawala niya? Baka may isa sa kanila na galit sa kanya." Matagal bago sumagot si Napoleon. Nag-aalangan pa ang boses niya nang muli siyang nagsalita. "'Yan din ang hinala ko, Miss Esguerra. Pero mahirap namang magbintang, lalo na't wala namang ebidensiya." "What do you mean by that, Sir Nap?" Tumingin muna si Napoleon sa paligid na parang sinisiguro niyang silang dalawa lang ang nasa kuwarto bago siya muling tumitig sa'kin. "Hindi ko alam kung bakit ko 'to sasabihin sa'yo. Pero siguro, matagal ko nang gustong may makausap tungkol sa pagkawala ni Levi. Natatakot lang akong magsabi sa iba dahil baka isipin nilang nababaliw ako. But since you are a fiction writer, you might find my theory quite believable." Mas hininaan niya ang boses niya sa mga sumunod niyang sinabi. "There was this weird girl who got obsessed with Levi. Sa palagay ko, may kinalaman siya sa pagkawala ng star player namin. Nang araw kasi na nawala si Levi ay hindi na rin namin siya nakita uli." Alright, it sounded like a cliché premise for a cheap horror film. Pero pakiramdam ko, malaki ang kinalaman niyon sa sitwasyon ni Levi ngayon. "Paano niyo nasabing weird ang babaeng 'to, Sir Nap?" Humugot ng malalim na hininga si Napoleon bago siya sumagot. "She was into black magic." Siguro kung noon ko narinig 'yon, matatawa lang ako. Pero kung may nag-e-exist na buhay na manika sa mundo, posible rin na totoo ang black magic. "Paano niyo nasabing mahilig siya sa black magic?" "Alam mo naman sa mga probinsiyang tulad mg lugar natin, laganap pa rin ang paniniwala sa mga itim na mahika," paliwanag ni Napoleon. "'Yong pamilya ng babaeng tinutukoy ko, kilala sila bilang lahi ng mga mangkukulam. Dating nobya siya ni Levi. No'ng naghiwalay sila, nagwala siya sa court at sinabing gagawin niya ang lahat para makuha niya uli si Levi. That happened the day before he disappeared." Nanlaki ang mga mata ko. "Posible kayang siya ang dahilan kung bakit nawala si Levi, Sir Nap?" Bumuga ng hangin si Napoleon. "Hindi na nakita si Levi kahit kailan, kaya walang nakakaalam kung ano nang nangyari sa kanya. Maging ang ina niya, nagpuntang Australia ilang taon matapos siyang mawala para marahil kalimutan na lang ang nangyari at magpatuloy sa buhay." Dahan-dahan akong huminga ng malalim. Weirdo man ang narinig kong kuwento, alam kong malapit 'yon sa katotohanan. "Miss Esguerra, puwede mo ba kong batiin?" parang nahihiyang tanong pa ni Napoleon. "Sir?" Ngumiti si Napoleon, namumula pa ang mga pisngi. "Magsusulat ka ng nobela na base sa misteryosong pagkawala ni Levi, hindi ba? Kapag nailathala ang libro mo, puwede mo ba kong batiin? Pangarap ko kasi 'yon. Saka mahilig din akong magbasa ng mga ganyang kuwento." Ngumiti ako kahit alam kong halatang pilit 'yon. "Sure, sir." BLACK magic. Nakapalumbaba ako sa mesa habang abala si Vince sa pag-aayos ng hapag-kainan. Oo, display lang ako sa dining area. Pero kasi, hindi rin naman ako makapag-concentrate. Nakapabasag na ko ng pinggan kanina kaya pinaupo na lang ako ng pinsan ko at sinabihan akong huwag gagalaw sa kinauupuan ko.'Yong isip ko kasi, nasa mga nalaman ko lang. Bakit ba ngayon ko lang naisip na puwedeng black magic ang dahilan kung bakit naging manika ang isang tao? Kung pagbabasehan ang kuwento ni Napoleon kanina, posible na tama ang hinala ko: sinumpa si Levi ng ex-girlfriend niya para maging manika siya. Maybe she was getting back at him for breaking her heart. Sa mga napanood at nabasa kong plot na may mga mangkukulam na character, madalas namang pagkabigo sa pag-ibig ang dahilan ng mga witch kung bakit nila sinusumpa ang mga lalaki. Malaki ang tsansa na gano'n din ang nangyari kay Levi at sa obsessed niyang ex-girlfriend. Naputol ang malalim kong pag-iisip nang mag-vibrate ang phone ko. May notification na naman ang f*******: account ko. "Levi Hope liked your photo." Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Humugot muna ko ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili ko bago ko pinindot ang notification. Yep, tinanggap ko ang 'friend request' ni Levi kanina. Naka-private ang account ko kaya ngayon lang niya makikita ang mga post ko. Mukhang sinamantala niya 'yon. Nagulat ako nang makita kong 'yong post ko no'ng 2010 pa ang ni-'like' ni Levi. Picture ko 'yon no'ng high school graduation ko. Nag-init ang mga pisngi ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Neneng-nene pa kasi ako sa litrato na 'yon kaya siguro ako nahiya sa hitsura ko ro'n. Napangiti ako nang biglang i-'unlike' ni Levi ang picture na para bang hindi niya sinasadyang ma-click ang 'like' button kanina. Pero huli na ang lahat. Nahuli ko na siya at alam ko nang na-i-stalk na niya ang profile ko dahil nakarating na siya sa dulo ng f*******: timeline ko. "Bakit nakangiti ka d'yan?" nagtatakang tanong naman ni Vince habang binibigyan ako ng nagdududang tingin. "Sino 'yang ka-text mo?" "Wala," nakangiting sagot ko. Ewan ko rin kung bakit ako nakangiti. Alam kong mukha na kong tanga, okay? Pero hindi ko mapigil."Huwag mo kong pansinin." Hindi ko alam kung dahil ba sa mga nalaman ko kaya bigla akong naging kampante kay Levi. Ngayong napatunayan ko nang totoong tao siya dati, bigla akong nakaramdam ng matinding awa at simpatya sa kanya. Naintindihan ko na rin 'yong desperasyon at pangangailangan niya para sa isang 'kaibigan.' Namalayan ko na lang na nag-send na ko ng private message kay Levi. Sunny: I thought you won't stalk me on f*******:? Levi: Sorry. 'Yon lang? Natawa ako ng mahina. Pero nalungkot din agad ako. Sa kuwento ni Napoleon kanina, masiyahang tao si Levi. Hindi 'yon ang nakikita ko sa kanya ngayon. I wanted to meet the person Levi used to be. Iisang paraan lang ang naiisip ko para magawa 'yon. "Hi, kids!" Natauhan ako mula sa pagmumuni-muni nang dumating na sina Tita Viel at Tito Celio mula sa kanya-kanya nilang trabaho. "Sakto ang dating niyo, parents," masiglang sabi naman ni Vince. "Handa na ang dinner." "Everyone, I have an announcement." Itinaas ko pa ang kamay ko para kunin ang atensiyon nila. Nang mapatingin sa'kin sina Tita Viel, Tito Celio, at Vince, pinanindigan ko na. Tumikhim muna ko bago nagsalita. "Nag-decide na kong maging temporary housekeeper sa malaking mansiyon." Sunny: Is your offer still up?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD