ILANG araw na ang lumipas at wala pa ring nagbabago sa pakikitungo niya kay Hefner. Nanatili pa ring iwas si Eve sa ama ng anak. Habang nasa labas ang mag-ama at naglalaro ng volleyball sa beachfront ay naisipan ni Eve na maglibot sa buong kabahayan at tingnan ang mga guestrooms. The house seemed so familiar. Na para bang napuntahan na niya iyon kahit alam niya sa sarili’ng iyon ang unang beses na nakita niya ang naturang bahay. Maybe from her dreams. Dahil ang bahay ni Hefner ay tila gawa lang ng imahinasyon. Too good to be true, ika nga. Napadpad siya sa isang plain white room na may view ng beachfront dahil gawa sa clear fiberglass ang pader. She gasped. Minsan ay nangarap siya ng gano’ng art room para sa kanya. Mas lalo pa siyang napa-nganga sa mga art materials na naroon. Lahat ng

