“How are you, Hefner?” Hinagkan ng babae ang binata sa pisngi. Pakiramdam ni Eve ay parang naninikip ang dibdib niya sa sobrang inis. Nag-iwas siya ng tingin at nagmamadaling pumunta sa nipa hut at padabog na nahiga sa isa sa mga foldable beds na naroon at ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang makita ang paglalampungan ng magkasintahan. “Mrs. Waverly? May kailangan pa ho ba kayo? Gusto niyo po ba ng maiinom?” Nagmulat siya ng mata at bumungad sa kanya ang mukha ng assistant ni Hefner na si JM. She looked so young and brilliant dahil sa wide-framed eyeglasses nito at colored braces. Gayunpama’y alam niya na hindi bumawas iyon sa natural nitong ganda. Kahit kanina lang niya ito nakilala ay nararamdaman na niya kaagad na magkakasundo sila. “Mrs. Waverly? Hindi ako ang asawa ng boss mo, JM.”

