“SORRY, anak. Maliit lang ang bahay ko kumpara sa bahay ng tita Pau at tito Grego mo.” “Okay lang po, Mama. Ang importante po may bahay tayong matitirhan. Maganda naman po ang bahay mo, eh. Andami pong magagandang kulay!” Nagtatatakbo ang anak niya sa lahat ng sulok ng apartment na iniregalo pa sa kanya ni Pauline nang makalabas siya sa ospital. They fought about it pero sa huli ay natalo siya nang biglang humagulgol ng iyak si Pauline. Moodswings, of course. Kaya napilitan siyang tanggapin ang bahay. She added a little touch on it. The cream-colored walls matched the vinyl-tiled floor. The furnitures came from a very famous furniture company sa Poblacion kaya nagmukhang mamahalin ang apartment ni Eve. Iginiya niya ang anak sa kwarto niya. “Gusto mo bang magkatabi tayong matulog, anak?”

