Mananatili?

1171 Words
                “Puwede ba, tama na. Alam mo namang…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap. Mahigpit. Animo’y nais niyang kitlin ang buhay ko. Hanggang sa bigla ko na lamang naramdamang may kung anong basa sa ‘king balikat at likod. Mainit-init ang likidong iyon. Luha.                 “Patrick, tama na.” Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap. Mamula-mula na ang mga mata niyang basa pa rin hanggang ngayon.                 “Mali ‘to, tignan mo tayo.”                 “Walang mali sa pagmamahal, nagmamahalan lang tayo,” tugon naman niya. “Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba,” dugtong pa niya.                 Sa mga sinabi niya, hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba. Ito ‘yong abnormalidad sa katawan ko kapag kasama ko siya. Pag-ibig na nga yata ito.                 Tipid akong ngumiti, habang pinagmamasdan ko ang lalaking nagmamahal sa ‘kin.                 “Mahal kita,” bigla kong naibulalas. Malawak siyang ngumiti at hinawakan ako sa kamay. Tulad ng yakap niya kanina, mahigpit din ito.                 “’Yong totoo? Makahawak at makayakap naman ‘to!” biro ko sa kanya habang naglalakad kami. Hindi na namin pinansin pa ang mga matang nakamasid sa ‘ming dalawa. Basta ang importante, masaya kami. Ngayon at sa susunod pa.                 “Do’n tayo sa may paborito nating bench, mauna ka na’t bibili ako ng ice cream!” aniya. Tumango na lamang ako habang tinitignan ang parkeng nagsilbing piping saksi sa ‘ming dalawa. Halos lahat ng mga nangyari na may koneksyon sa ‘min ay rito naganap.                   Dito kami unang nagkita.   “Lampa! Lampa!” patuloy na asar ng mga batang nakapalibot sa ‘kin. Mga kaklase kong lalaki na halos araw-araw na lang ako asarin. “LUMAYO KAYO SA KANYA!” malakas na hiyaw ng isang batang lalaki. Lahat ng mga nang-aasar sa ‘kin ay napatingin sa kanya. ‘Yong parang lider nila na tabatsoy ang humarap sa kanya. “Hoy, bata. ‘Wag kang nakikialam dito, a. Baka gusto mong makatikim sa ‘min!?” buong angas na saad nito. “Hindi ako nakakatakot sa inyo, tigilan niyo na nga siya!” tugon naman nito kasabay ng malakas na sipa nito sa gitna ni Tabatsoy. Halos mapaiyak ito sa sakit. “Buti nga sa kanya,” bulong ko sa ‘king sarili. “Hoy, kayo, tigilan niyo na siya, a!” utos nito at dali-daling kumaripas ng takbo ang tatlong batang kasama ni Tabatsoy kanina. Habang si Tabatsoy ay naupo na lamang dahil sa sakit. Lumapit sa ‘kin ‘yong bata, tinulungan akong ligpitin ang mga nagkalat kong gamit. “S-salamat,” mautal-utal na sabi ko. Ngumiti siya at tumugon, “Walang anuman, ako nga pala si Patrick.” Nilahad niya ang kamay niya’t nagkipag-kamay ako sa kanya. “Friends?” “Friends.”                   Dito rin siya umamin sa ‘kin. Isa na siguro ‘yon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Maliban pa sa araw na nagkita kami.   Araw ng mga Puso ngayon, hindi ko maiwasang mag-ampalaya sa mga nakikita ko. Puro mga magkasintahang nakapulang damit, puro mga puso. Ang sakit sa mata. “Nasaan na ba ‘tong mokong na ‘to? Ang tagal niya, a!” inis na sabi ko. “Ouch naman sa mokong.” Biglang nakarinig ako ng nagsalita sa aking likuran. Paglingon ko, si Patrick pala. Naka-pulang polo shirt. “Pati ba naman ikaw, naka-pula? O, kamusta ang date niyo ng girlfriend mo?” usisa ko, ngunit parang may halong pait pati na ang pagkakasabi ko. “Problema mo? Parang ang bitter mo r’yan, a? Haha! Girlfriend? Wala ako no’n, kagabi lang,” kalmadong sabi niya na siya namang nagpagulat sa ‘kin. “ANO!? Break na kayo? Bakit? Paano?” “Wala, e. Nakahanap ako ng iba.” “Sino naman?” “Ikaw.” Diretsahang sabi niya. Pagkarinig ko niyon ay di ko alam ang una kong sasabihin o gagawin. Nais kong pagalitan siya kasi pinagpalit niya ang dalawang taong relasyon nila sa isang tulad ko. I mean, matalik kaming magkaibigan mula noong ikalawang baitang hanggang ngayon, pero bakit ako? Nais ko ring kiligin kasi ako raw ang nahanap niyang pamalit. PAMALIT!? “Ginawa mo pa ‘kong pamalit, letse ka!” kunwaring may inis na sabi ko. Tumawa naman siya bago magsalita. “Sus, ayaw mo pa?” “Ay, letse ka nga talaga.” “Pero seryoso kasi, mahal na kita, e.” Namumulang pisngi at naghuhurumentadong tiyan, ‘yan ang naramdaman ko nang masambit niya ‘yan.                   “Nakatulala ka na naman at nakangiti mag-isa, iba na ‘yan,” biro niya na siyang nagpabalik sa ‘kin sa reyalidad. Nakaupo kami sa paborito naming bench, malilim kasi dahil sa malagong puno ng mangga sa may likuran nito.                 “May naalala lang ako,” sabi ko naman. Ibinigay niya ang ice cream na nasa apa. Strawberry, my favorite!                 “Salamat! Sarap nito!” parang batang sabi ko habang dinilaan ang sorbetes.                 “Buti pa ‘yan nasasabihang masarap at nadidilaan mo,” madramang pahayag niya. Napatawa naman ako sa tinuran niya.                 “Hoy, bunganga mo naman!” awat ko sa kanya.                 “Haha, bakit? Totoo naman, e. Buti pa ‘yong ice cream-” Agad kong tinakpan ang bibig niya.                 “Hep, tama na ‘yan!” Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.                 “Opo, magtitigil na.”                 Matapos naming kainin ‘yong sorbetes, namuhay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kapwa malalim ang iniisip namin.                 “Paano na tayo?” biglang untag niya.                 “I honestly don’t know,” klarong wika ko. At napayuko na lamang.                 “Mahal mo naman ako, di ba?”                 “Oo naman, alam mo ‘yan. Pero kasi…”                 “Kung gano’n, hayaan natin sila,” biglang sabi niya.                 “Hindi ‘yon gano’n kadali,” puno ng ka-negatibuhan na sabi ko.                 “Kasi, alam mo naman ang mga tao ngayon, masyadong mapanghusga. Bakit kasi may mga taong hindi na lang maging masaya sa kaligayahan ng iba?” dagdag ko pa.                 “Hindi naman lahat ng tao, aayon sa ‘tin parang tadhana lang ‘yan,” sagot naman niya. Napabuntong-hininga na lamang ako.                 “Papalubog na ‘yong araw, tara hintayin natin ang sunset,” pilit kong ginawang masaya ang tono ng boses ko.                 “Sige,” tipid na wika niya. Nagtungo kami sa fountain, kumuha ako ng barya sa bulsa ko. Taimtim akong humiling. Pagkamulat ko ng mata ko’y nakita ko ang mukha niyang malapit sa ‘kin. Nagngitian kami. Hinulog ko ang barya, kasabay ng biglang yakap niya sa akin.                 “Anong hiniling mo?” pabulong na tanong niya sa kaliwang tenga ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.                 “Hiniling kong maging ganito lang tayo hanggang huli. ‘Yong kasimplehan at kasiyahan nating dalawa ngayon, sana magtagal na nang tuluyan,” sagot ko bago kami kumalas sa aming yakapan.                 “Malapit nang lumubog ‘yong araw, tara. Mag-countdown tayo,”sabi niya na siyang sinang-ayunan ko. FIVE.                 “I, Patrick Sanchez, promising to love this person with me today, forever until my last breath. No matter what will happen, I’ll be his savior and lover. Until the time will come for us to be united as one.” FOUR.                 “I, Peter Sandoval, promising to love this person with me today, forever until my last breath. I’ll be his loyal lover and a great partner. We will be as one, from now until forever.” THREE.                 “Sumpaan natin ‘tong dalawa, a. Walang iwanan,” sabi niya at nag-pinky promise kami. Napatawa ako ro’n, “Para tayong mga bata.” TWO. “Hoy, ipangako mong walang iwanan!” childish na sambit niya. Aba, nakuha pang mag-pout ng loko. “H’wag mo ‘kong daanin sa ganyang paandar mo, a!” pabirong turan ko. ONE. “Bilis na kasi, ipangako mo.” “Oo, walang iwanan.” Matapos kong sabihin ‘yon, agad niya akong siniil ng matamis at mainit niyang halik. Tinanggap ko ‘yon ng walang alinlangan. Mahal ko ang taong ‘to, iyon ang importante. Natapos na naman ang isang araw, sa mga susunod kaya, mananatili pa rin ba kami sa isa’t isa? WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD