Chapter 5

1520 Words
Maagang nagising si Ria, palagi namang ganoon mula noong unang beses siyang makaramdam ng kakaiba. Kaya naman matapos ang mga oras at mga minutong pakikipagbuno sa masama niyang pakiramdam ay nag-ayos na rin siya ng sarili para pumasok sa trabaho. Hindi na rin naman niya nagawang kumain pa. Kailangan niyang magtipid. Higit sa lahat, free meal naman sa tanghalian. Alas syete palang ng umaga ay nasa kompanya na si Mario. Iyon kasi ang kabilin-bilinan sa kanya ni Ms. Suarez na dapat mas maagap siyang dumating sa trabaho kaysa boss niya. Kahit ang mismong oras ng simula ng trabaho niya ay alas otso pa ng umaga. Hindi naman mahirap sa kanya ang gumising sa umaga. Lalo na at alas kwatro pa lang ng madaling araw, ginigising na siya ng pagsama ng pakiramdam. Kaya naman para makabawi ng lakas, kumakain lang siya pagkauwi ng apartment niya, tapos ay kaunting pahinga ay natutulog na siya. Sa katunayan ay laking pasasalamat niyang, nakikisama ang sama ng pakiramdam niya. Tuwing madaling araw lang siya dinadaanan ng pagsusuka. Ngunit pagkatapos noon, kahit papaano ay nagiging maayos na ang pakiramdam niya sa maghapon. May ilan na rin naman siyang nadatnang empleyado at binabati niya ang mga ito. Naiiling na lang siya sa reaksyon ng ilang kadalagahan o kahit may edad na nakakasalubong niya. Mukhang kinikilig pagbumabati siya. Pagkarating niya sa working table niya ay binuhay na niya kaagad ang kanyang computer, para maiready na rin niya iyon sa maghapong trabaho. Matapos linisan ang working area niya, ay tinungo naman niya ang loob ng opisina ng boss niya. Para doon naman maglinis. "Grabe lang talaga pagmayaman ka." Hindi mapigilang saad ni Mario. Kompleto ang loob ng opisina ng boss niya. May mini kitchen, living room, banyo at may maliit ding kwarto. Kung tutuusin ay isang buong bahay na ang mismong opisina ng boss niya. Patuloy lang siya sa paglilinis habang patuloy lang din siyang namamangha sa nasa loob ng opisina ng boss niya. "Ah, natapos din," bulalas niya matapos niyang malinis ang loob ng banyo. Iyon kasi talaga ang ipinanghuli niya. Nakalilis hanggang siko ang kanyang long sleeve polo at nakatupi ng hanggang tuhod ang kanyang slacks. Ang black shoes na suot niya at saglit niyang hinubad para hindi mabasa. Pagpabas niya ng banyo ay bigla na lang siyang nagulat ng makita ang boss niyang titig na titig sa kanya na wari mo ay manghang-mangha sa ginawa niya. Muntik pa siyang madulas mabuti na lang at nahawakan kaagad ng boss niya ang kamay niya. Natigilan naman si Fabio ng maramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa kanyang kamay ng magdikit ang palad nila ni Mario. Totoong nagulat siya. Kaya lamang ay hindi niya mabitawan ang binata dahil babagsak talaga ito kung gagawin niya iyon. Si Mario man ay nakatingin sa kanya at tulad niya ay mukhang naramdaman din nito ang pagdaloy ng kuryente sa palad nila nang magdikit iyon. Nakatingin lang sila sa isa't isa. Wari mo ay wala ni isa sa kanila ang gustong magbawi ng tingin. Narinig ni Fabio ang pagtikhim ni Mario. "Sir kamay ko po," wika nito na ikinabalik ng huwisyo niya. "I-I'm sorry," nauutal pa niyang sagot. Bago binitawan na niya ang kamay ng binata. Nailing na lang siya at kung anu-ano ang nararamdaman niya. Nautal pa siyang sumagot kay Mario. Alam naman niya sa sariling walang katuturan ang wirdong nararamdaman siya. Kaya napailing na lang siya. Muli ay nabaling ang kanyang tingin sa loob ng opisina niyang malinis na malinis na. "You're my secretary, right?" tanong niya na ikinatango naman ni Mario. "Yes Sir." "So, hindi kita katulong at hindi ka rin naman maintenance dito. Bakit ikaw ang naglilinis dito? Sana ay nagpatawag ka na lang ng cleaner para sila na ang gumawa ng paglilinis dito sa halip na ikaw." "Alam mo Sir, kung gaano kalaki itong kompanya mo?" tanong naman ni Mario na ikinatango niya. "Yes." "So ayon na nga. Malaki itong kompanya mo. Kahit marami kang cleaner or maintenance dito. Hindi pa rin sapat ang dami nila, para lahat ng parte ng kompanya mo ay malinis nila sa loob ng buong araw. Ako naman ay maagang dumating ngayon. Isa pa, kaya ko namang linisan itong opisina mo dahil halos wala namang lilinisin. Konte lang naman talaga. Why not hindi na lang ako ang gumawa ng bagay na kaya ko naman? Higit sa lahat, free time ko lang naman ang ginamit ko," paliwanag ni Mario. Lalo namang namangha si Fabio kay Mario. Kakaiba ang lalaking sekretarya niya. Ang katulad talaga ng katangian ni Mario ang isa sa kailangan ng kompanya niya. Hindi talaga nagkamali ang mommy niya sa pagpili dito bilang sekretarya niya. "Okay, thank you," iyon lang ang naisagot ni Fabio. Hindi pa rin mawala sa sistema niya ang labis na pagkamangha. "It's my job Sir to serve you," nakangiting saad nito. Nasundan na lang ni Fabio ng tingin si Mario ng maupo ito sa sahig. Nagsusuot ito ng itim na medyas bago kinuha ang black shoes nito para isuot din Napakunot noo pa si Fabio ng mapansin niyang napakaliit paa nito. Higit pa doon ay ang daliri nito sa paa na parang paa ng babae dahil sa ganda. Katulad ng paa nito maliit din ang sapatos nito, kumpara sa suot niyang size twelve. "Why Sir?" tanong ni Mario sa kanya ng mapansin nitong nakatingin siya dito. Nakatayo na rin ito sa harapan niya. "Ang liit ng paa mo." Hindi mapigilang puna ni Fabio. "Eh, hindi na kasi lumaki Sir eh. Hanggang dyan na lang talaga. Size eight lang talaga eh," sagot ni Mario na kakamot-kamot pa sa ulo. Nailing naman siya. Hindi naman niya sinasadyang pagmasdan ito ng ganoon. Na curious lang kasi talaga siya na may lalaki pa palang maliit talaga ang paa. Maliban sa mismong bata pa. "Thanks Mario," aniya. Totoong nagpapasalamat siya sa paglilinis nito sa opisina niya. "No problem Sir. By the way, good morning Sir. Hindi na kita nabati. Nagulat ako kanina na nariyan ka na kaagad eh. Hindi ko namalayan ang oras." "No worries. Coffee please." "Right up Sir," sagot ni Mario at tinungo ang mini kitchen niya sa loob ng mismong opisina niya. Naupo na siya sa harap ng working table niya at binuhay na rin niya ang laptop niya. Pero habang hinihintay niya na mabuhay iyon, ay nakatingin lang siya sa nakatalikod na binata. Napahilamos na lang ng mukha si Fabio. First day pa lang ni Mario, pero parang may kakaiba talaga sa binatang sekretarya niya. Ngayon hindi niya matukoy kung ano. Pero naguguluhan siya kung paanong napapabilis nito ang pagtibok ng puso niya. Pagkatimpla naman ni Mario ng kape ay ibinigay nito sa kanya ang kape niya. Masarap itong magtimpla ng matikman niya iyon kaagad. "Ah, Sir, huwag kang magagalit ha. Pero nagtimpla rin ako ng kape ko. May nakita rin kasi akong saging sa pantry ng kitchen mo, tapos mayroon kang, loaf bread doon. Okay lang bang makikain ako?" Hindi naman mapigilan ni Fabio ang mapangiti. Hindi naman siya madamot, pero natutuwa siyang nagpapaalam pa sa kanya ang sekretarya niya. Gayong pwede naman itong basta na lang kumuha. "It's okay, kung anong gusto mo na mayroon sa pantry kumuha ka lang. Hindi ko rin naman nakakain ang mga nariyan. Kape lang talaga ako madalas sa umaga at okay na ako roon." "Thank you Sir. Promise pagbubutihan ko ang trabaho ko," ani Mario at mabilis na tinungo muli ang kusina. Kahit nakatalikod ito ay kitang-kita niya ang masigla nitong pagkilos. Ngunit napakunot noo lang siya ng mapansin niya ang ginawa ng binata sa loaf bread na sinasabi nito. Nagslice ito ng saging na siyang ginawa nitong palaman sa loaf bread kahit mayroon naman doong ibang palaman. Matapos ang ginawa nito ay ipinatong nito iyon sa platito at inilagay sa tray. Inilagay din nito ang tasa ng kape doon. "Thank you Sir. Sa working area na po ako. Tawagin na lang po ninyo ako pag may kailangan kayo sa akin. Thanks po dito. Hindi pa kasi talaga ako nagbe-breakfast, need ko po munang magtipid," wika nito bago ito lumabas ng opisina niya. Nasundan na lang ng tingin ni Fabio ang binatang sekretarya niya. Matapos nitong maupo sa area nito ay humihigop muna ito ng kape at kumagat sa tinapay na may palamang saging. Napangiwi pa siya ng mapansing mukhang sarap na sarap ito sa kinakain nito. "Loaf bread ang saging. Weird," komento na lang niya, habang naiiling. "Pwede pa iyon," dagdag pa niya habang nakatingin kay Mario na abala na ngayon sa ginagawa habang patuloy pa rin ang paminsan-minsan na paghigop ng kape at pagkagat sa tinapay nitong saging ang palaman. Muli ay ibinalik niya ang paningin sa trabaho na nakalatag sa lamesa niya. "Ito ang dapat unahin, at hindi ang wirdong may sariling kawirduhang," aniya sa sarili. Wirdo na nga ang nararamdaman niya ngayon, wirdo pa rin ang nakasalamuha niya ngayon. Natatawa na lang talaga si Fabio sa sarili niya. Binasa na lang ni Fabio isa-isa ang mga papeles sa lamesa niya. Hahayaan na lang muna niya ang kawirduhang nararamdaman niya. Dahil sa isip niya, maaaring nakakapanibago lang talaga ang magkaroon ng lalaking sekretarya. Kahit normal lang naman iyon talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD