Chapter 2

1003 Words
“Oh! Malapit na tayo sa Bagac! Maghanda na ang mga bababa.” sigaw ng kundoktor ng bus. Kinusot ko ang aking mga mata, kakagising ko lamang mula sa isang oras na pagtulog. Pinasadahan ko ang buhok ko gamit ang aking kamay upang maayos ito at tumuwid. Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa bus. May iilang kalalakihan ang nakatitig sa akin kaya agad akong nagiwas ng tingin at tinuon na lamang sa bintana ang aking atensyon. “Oh! Bagac! Bagac!” sigaw ng kundoktor. Nagsibabaan na ang mga tao, tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad. May naramdaman pa akong kamay na umaalalay sa aking likuran. Kunot noo ko itong sinulyapan. Agad naman nagiwas ng tingin ang lalaki at tumikhim. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. “Sa hacienda po ng Suave.” saad ko sa driver. Tumango naman ito at mabilis na pinaandar ang traysikel papunta sa hacienda. “Dito na, ineng. Singkuwenta lang.” inabot ko na ang aking bayad bago bumaba sa traysikel. Tanaw ko ang malaking bahay sa loob ng hacienda. Ang gate na kulay tsokolate na may kaunting kalawang. “Sino po sila?” tanong may edad na guard ng makita akong pasilip-silip sa tarangkahan ng hacienda. “A-ako po si Elviera Suave, nais ko po sanang makausap... Uhm, kahit isa sa mga kamag-anak ko.” Kumunot naman ang noo ng matanda. “Ngayon lamang kita nakita rito, hija. Kaya sino sa mga Suave ang magulang mo?” litong tanong nito. “Si Joselito Suave po.” “Si Senyor Joselito!” gulat na bulalas nito at madali akong pinapasok sa tarangkahan. “S-salamat po.” “Walang anuman. Sige at tumuloy kana, paniguradong may makakasalubong kang katulong diyaan.” Nagsimula na akong maglakad papasok sa pintuan ng hacienda, sinulyapan muna ako ng isang katulong bago ako nilapitan. “Si Madam Jackie ba ang hanap mo?” tanong nito kaya tumango naman ako. “Teka, tatawagin ko.” Ang Tiya Jackie ko ang isa sa dalawang kapatid pa ng aking tatay. Pareho silang babae, ikalawang panganay si Tiya Jackie. Pero sa pagkakaalam ko ay ito ang may hindi kaaya-ayang ugali. “Sino ba 'yan?” mula sa sala kung saan ako naroroon ay dinig na dinig ko ang impit niyang boses. Agad na tumaas ang kilay at sulok ng labi niya ng makita ako. “Tiya Jackie...” bati ko. “Oh! Tama ba itong nakikita ko? Ikaw ba 'yan Elviera? Ang anak ng suwail kong kuya?” nanunuyang anas nito, “Anong kailangan mo?” muling bumagsik ang kanyang itsura. “H-hihingi po sana ako ng tulong, Tiya. Na-heat stroke po ang tatay, a-at wala po kaming perang pambayad..” Humalakhak naman ito, “Ganoon ba? Hindi ba't nanggaling ka rin dito noong isang taon? Nanghihingi ng tulong? May napala ka ba? Lumayas ka!” sigaw nito. Dali-dali akong lumuhod at hinawakan ang kanyang kamay na puno ng alahas. “N-nagmamakaawa po ako, Tiya. Kapatid niyo parin po si Tatay!” pagsusumamo ko habang patuloy sa pagluha. “Noon siguro, oo! Pero itinakwil na siya ng Papa, at ano? Makikihati kayo sa yaman ng pamilya?” paghi-histerya niya. “H-hindi po!” agad kong tanggi, “Perang ibabayad lang po sa hospital ang hinihiram ko! Magbabayad po ako!” iniwas niya ang kanyang mga kamay. “Wala akong pakialam! Palayasin niyo 'yan.” sigaw niya. Sabay naman akong hinawakan ng katulong sa magkabilang braso at pilit na itinatayo. “Huwag niyo na muling papapasukin—” “Mama! Ano bang nangyayari rito?!” lahat ng aming atensyon ay natuon sa matikas at guwapong lalaki na pababa ng hagdan. “Nothing, Dominic.” malambing na turan ng ginang sa kanyang anak. “Bitawan niyo.” “W-what?!” “Let me take care of it, Mama.” saad nito sa mababang boses at hinawakan ang aking braso bago ako hinila palabas ng pinto. Luminga muna siya sa paligid at ngumisi ng makitang walang tao. “K-kuya Dom..” bulong ko. Dominic Suave, ang pinaka-panganay sa aming magpipinsan apat na taon rin ang tanda niya sa akin. At ang huling kita ko sakanya ay noong labin-dalawang taong gulang pa lamang ako samantalang siya labing-anim na noon. “Eli..” bulong niya at isinandal ako sa pader ng bahay. Tinukod niya ang kanyang kamay sa pader sa gilid ng aking ulo at mas inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin. “A-anong ginagawa mo, K-kuya?” nags-simulang maglikot ang aking mga mata ng marahan niyang haplusin ang aking kanang pisngi. “I'll help you,” bulong niya sa aking tenga at marahang hinalikan ang aking buhok, “Pero may kapalit.” dugtong niya. “A-ano naman?” tanong ko, “Puwede akong magtrabaho sayo.. Sa hacienda. O kahit saan, para mabayaran ko 'yon.” “Oh, You'll work... But only for me.” Pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan. Ngayon ko lamang naalala na, naka-uniporme parin ako. Hapit na puting blouse at hapit na itim na paldang hanggang sa ibabaw ng tuhod ang haba. “You're so sexy, I wonder...” aniya sa malambing na boses, tumingin siya sa aking mukha, “How can I make you mine?” Agad na nanlaki ang mga mata ko. “N-nababaliw kana! Pinsan mo ako!” “I know and I think I have a f*****g fetish towards you, my cousin.” muli nitong hinaplos ang aking pisngi, agad na tinabig ko ang kanyang kamay at tinulak siya palayo sa akin. “I'll help you in exchange... You'll work for me, everynight in my room. Just pleasure me. And I'll do the rest.” naka-ngising saad nito. Malakas na dumapo ang palad ko sakanyang pisngi. Hinaplos naman nito ang kanyang mukha at tumingin sa akin. “Even your slapped can turn me on, Elviera.” saad nito at marahang pumikit bago muling idilat ang kanyang mga mata. “Bastos ka! Imoral! Mag-pinsan tayo! Hindi ko na kailangan ng tulong mo.” sigaw ko. “We both know that you need my help.” nababagot niyang saad, muli siyang lumapit sa akin. “Think about my offer, Eli.” bulong nito at akmang hahalik na naman. Agad kong iniwas ang aking ulo ngunit hinuli ng dalawang kamay niya ang magka-bilang pisngi ko. Tinitigan niya ako ng ilang saglit at mariing hinalikan ang noo ko, inamoy niya pa ang buhok ko habang pilit kong tinatanggal ang kanyang mga palad na nagkukulong sa mukha ko. “Think about it, My Eli.” Itinulak ko siya ng malakas at tumakbo palabas ng tarangkahan. Nag-abang ako ng traysikel at sumakay, muli kong sinulyapan ang hacienda. Nakita kong nakamasid lamang si Kuya Dominic sa akin habang madilim ang mukha. Gaya noong nakaraang taon, muli na naman akong uuwi ng bigo sa aming bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD