HALOS hindi makahinga si Khalid dahil sa sobrang kaba sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng pamilya niya. Bakit umiiyak si Bella? Bakit siya pinagmamadali? Sa halip na bilisan niya ang pagbalik sa ospital ay para bang ayaw niyang umalis sa restaurant na iyon. He’s just looking at the dark screen of his phone. “Something happened?” pukaw ni Perri na kasalukuyang kumakain ng Korean ice cream. Lumamlam ang mata ni Khalid at hindi siya makasagot. Hindi mapalagay ang damdamain niya at nakaramdam din siya ng takot. “Kuya Khalid?” Inangat niya ang paningin niya dito mula sa kanyang telepono. His eyes glistened, nagbabadya ng pagluha. Binitiwan tuloy nito ang kutsarang hawak. “I’ll ley you marry my friend if you are afraid to be alone,” anito na akala mo ay isang simpleng bagay lang ang kan

