Prologue

1604 Words
"Mommy, sure ka na bang okay lang sa'yo?" malungkot kong tanong sa Mommy ko habang nilalagay ko ang maleta sa trunk ng sasakyang magdadala sa akin sa Manila. "Anak, ilang beses mo na bang itinanong iyan?" Balik na tanong ng Mommy ko. Natanong ko tuloy ang sarili ko ko kung ilang beses ko na nga ba iyon naitanong, "Dion, 'wag mo na akong alalahanin. Marami akong magagawa rito na mapaglilibangan. Ang mahalaga ay makapagtapos ka sa magandang paaralan. Sayang ang talino mo kung dito ka lang sa atin makapagtatapos. Isa pa, gusto rin ng Daddy mo na makasama ka kaya pumayag na rin ako. 'Di ba noong bata ka pa, eh palagi mong sinasabi na gusto mo ring makasama ang Daddy mo?" "Mommy, noon iyon. Saka, dati hindi ko pa alam ang sitwasyon natin. Ngayon ay magiging kumplikado ang lahat kung doon ako," pagrarason ko kay Mommy. Sa totoo lang, dati pa man ay pangarap ko nang mag-aral sa Manila. Gusto kong makapagtapos sa kilalang paaralan upang madali para sa akin ang makapaghanap ng trabaho. Kahit alam kong kaya naman kaming buhayin ni Daddy. Pero dahil sa uri ng pamilya meron kami ay pinili ko na lamang magtiyaga sa isang state university na malapit sa amin. Ngunit dahil sa utos ni Daddy na hindi rin kwinistyon ni Mommy na magta-transfer ako sa St. Matthew Institute for Science and Art. Ang St. Matthew Institute for Science and Art ay isa sa mga kinikilalang paaralan sa bansa. Bukod pa sa bansag ditong paaralan ng mga sikat at mayayaman, ang paaralang ito ay masasabing class A pagdating sa pagbibigay ng edukasyon. Ayon pa sa nabasa ko ay hindi basta-basta ang makapasok dito dahil masasabing kabilang ito sa Ivy League ng bansa at maging sa ASIA. Buti na lang at hindi ako nagkaproblema sa pag-process ng papers ko. Consistent first honor ako mula elementary hanggang senior high school. Bagay na nagpadali ng lahat. Pagdating naman sa mga extra-curricular ay top din ako kahit na noong tumuntong ako ng high school. Naging co-captain ako kaagad ng cheer leading squad namin dahil sa galing ko pagdating sa cheer leading noong high school. Salamat sa gymnastic class at dance class na sinasalihan ko tuwing summer vacation. President din ako ng mga club na sinasalihan ko. May mga volunteer experience din ako sa iba't ibang institution ng mga kapos-palad. Sabi ko naman kanina 'di ba pangarap kong makapasok sa magandang paaralan sa Manila. Kaya daig ko pa ang gumagawa ng portfolio para sa Ivy League ng US. "Oh siya na, Dion, at gagabihin na kayo kapag nagtagal ka pa rito. Tandaan mo sabay kayong kakain ng Daddy mo ng hapunan." Pagtataboy ni Mommy sa akin, "Tandaan mo, magpakatino ka roon at iwasan mong masyadong maggala tuwing gabi." Kilala na niya talaga ang ugali ko. Alam ni Mommy na balance ako sa lahat. May oras ako sa pag-aaral, sa extra at higit sa lahat ay may oras ako sa pansarili. Hindi nawawala iyon lalo na kung kailangan mo ng stress reliever. Wala na akong nagawa dahil desidido na talaga si Mommy na ipaubaya ako kay Daddy. Pagkatapos na magpaalam at yakapin si Mommy ay sumakay na ako sa back seat. Kaya ko namang mag-drive kung tutuusin. Kaya lang ay pinasundo ako ni Daddy kay Kuya Iggy. Isa si Kuya Iggy sa pinagkakatiwalaan ni Daddy. "Sir Dion, umidlip muna kayo. Mahaba-haba rin 'tong byahe natin," aniya nang umandar na ang sasakyan. "Naku, ayan na naman tayo sa sir, sir na 'yan. Ilang beses ko bang sasabihin na Dion na lang, Kuya?" Hindi kasi ako sanay nang ganoon. Alam kong tauhan siya ni Daddy at kailangan niyang igalang ang lahat ng miyembro ng pamilya. Pero naaasiwa ako. Ilang sandali pa ay ginigising na ako ni Kuya Iggy. Nakarating na kami sa Manila. "Naghihintay po ang Daddy mo sa loob ng restaurant na 'yan," aniya sabay turo ng restaurant sa tapat ng sasakyan. Doon ko lang na-realized na madilim na pala ang paligid dahil sa magagarang ilaw na nagmumula sa restaurant. Agad naman akong bumaba at pumasok sa nasabing restaurant. Iilan pa lang naman ang mga tao roon kaya agad kong nakita ang taong mukhang kanina pa naghihintay. "Hi, Dad," bati ko nang makalapit na ako sa kanya. "You're here. Come, seat down. Tamang tama at inihain na nila ang mga pagkain. How was the trip?" aniya. Mababakas sa tono nito ang excitement. Masaya naman kaming nag-usap habang kumakain. Nagulat akong sabihin nitong binilhan niya ako ng condo. Not just any condo but a high end condo around BGC, The East Gallery Place. "Dad, okay lang naman ako with town house or apartment malapit sa school. You don't need to spend too much for me." Nanghihinayang kasi ako sa perang magagastos. "Look, Dion, you are my son. And I want only the best for my children. Besides, isa na ako sa stockholder ng company na nagpatayo noon. One of the perks you know." After diner ay tumuloy na kami sa condo. Grabe ang gara talaga mula lobby hanggang sa nasabing unit ko. "Pa'no, anak, I'll go now. Tomorrow, I'll send one of my assistants to help you with your stuff for school. Iggy will drive you. There will be someone here also tomorrow who will cook for you and clean the house." Ibinilin pa niya sa akin ang ilang mga bagay. Pagkatapos iwan sa akin ang susi ng unit, isang envelop ng cash at isang credit card ay umalis na ito. Naiwan akong mangha pa rin sa mga nangyayari. Nang sumunod na araw ay nagising akong may nakahain na sa mesa. Ilang sandali pa ay kaharap ko na si Kuya Iggy at ang babaeng nagpakilalang si Analise. Si Analise ang sinabi ni Dad na tutulong sa akin to prepare for the school tomorrow. "So, first stop is uniform." Nasa sasakyan na kami nang sandaling iyon. "Wait, school uniforms? I didn't expect that SMISA has one." "Apparently, yes they have," sagot niya. "Three actually. The gala, polo shirt and the main uniform." Napanganga na lang ako at mas lalong nawindang nang pagdating namin sa designer shop ay napakamahal noon kumpara sa ordinary uniforms. Magmumukha 'ata akong student sa Korean dramas. After sa uniform ay namili pa kami ng ilang mga gamit like clothes kahit madami naman akong clothes, shoes at kung ano-ano pang mga bagay na maisip ni Analise na kailangan ko 'di umano. "St. Matthew is not a common school, alam mo 'yan. Lungga iyon ng mga mayayamang spoiled brat. If ever na maamoy nila na kakaiba ka sa kanila, hindi maganda ang kalalabasan mo roon," paalala ni Analise. Marami pang mga bagay na sinabi si Analise. Mga tip at kung ano-ano pa. Inaamin kong madami akong natutunan lalo na sa fashion tips niya. Kahit on-the-go akong tao, at updated sa mga bagay-bagay ay hindi ako sinanay na magarbo at maluho. Kaya masasabi kong iba pa rin ang way ng mga mayayaman at kailangan kong makibagay kung ayaw kong maging center of distraction ng mga nag-aaral doon. "And before I forgot, there is a bar just few blocks away from here. You know, if you want to unwind or anything," aniya bago ako bumaba ng sasakyan. Dala-dala ang mahigit kumulang na sampung paper bags at idagdag pa ang limang set ng uniform na nakahanger, sa tulong ni Kuya Iggy ay narating ko ang unit ko. Napasalampak ako sa sofa sa sobrang pagod. Nang tingnan ko ang suot kong relo ay saka ko lang napagtanto na mag-aala syete na. Pero ang huling kain ko ay alas diyes ng umaga kanina. Dahil nakaalis na si Kuya Iggy ay nagpasya akong kumain sa labas. Nagtungo ako sa banyo para mag-quick shower. Pinili kong suotin ang isang white V-neck shirt at khaki pants. Ipinares ko ito sa slip on shoes na binili namin kanina ni Analise. Nang ready na ako ay dinampot ko ang susi, phone, at wallet ko saka dumiretso palabas ng unit ko. Hindi rin naman ako nahirapang makahanap ng makakainan dahil paglabas ko pa lang ng building ay may iba't ibang pwedeng kainan na. Sa isang bar-like restaurant ang napili ko. Dahil ako lang mag-isa ay napili kong sa bar area na lang ako pumwesto. Club house sandwich and fries ang napili kong kainin with chocolate frappe as drinks. Habang hinihintay ko ang order ko ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Sa hindi inaasahan ay nahuli ng mata ko ang isang lalaki na nakaupo sa kabilang dulo ng bar na kinauupuan ko. The guy is looking at me and d*mn he is gorgeous. Ngumiti ito sabay taas ng baso nito. Ngumiti na lang din ako bilang tugon at iniwas ang tingin sa taong iyon. Dion, seriously behave. Saway ko sa sarili. Bahagya akong nailang dahil dama ko pa rin ang mga mata niyang nakatuon sa akin. Buti na lamang at dumating na ang order ko at iyon ang binigyan ko ng pansin. "Hi." Napatigil ako sa pagkain. Kaagad akong napalingon sa nagsalita sa likuran ko. Only to know that i the same guy who is watching me a while ago. "Alone?" tanong niya. Dahil hindi ako pinalaking snob ay sinagot ko siya. Ang isang tanong ay nasundan pa ng tanong at nasundan pa hanggang sa hindi namin namanlayan na nagtatawanan na kaming pareho. Ang kaninang club house sandwich ay mukhang nilangaw na dahil beer na ang nilalaklak naming pareho. Ang matinong usapan ay nahantong sa mga biruan at kung ano-ano pang topic. Mukhang nawawala na ako sa katinuan dahil unti-unti na naming tinatawid ang distansya sa pagitan naming dalawa. Tonight is going to be a sinful night and I can do nothing to stop neither myself nor him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD