"ANDRI." Tawag sa akin ni Zayn. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nasa loob kami ng conference room dahil may meeting kami. Inaayos ko pa iyong schedule niya bukas kaya hindi ko namalayan na madami na pala kami sa loob. My lips parted when he handed me a cup of coffee.May nakalagay na wifey ang cup. Hindi naman iyon napansin ng iba dahil sa 'kin nakaharap ang cupmarking. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Jared cleared his throat. Napatingin kami sa kanya sa ginawa niya. Tahimik kasi sa loob ng conference room. Kung pwede lang magtakip ng mukha ay ginawa ko na. Siniko nang pasimple ni Amanda si Jared saka ngumiti sa akin nang apologetic. "T-hank you, sir." Nahihiya kong pagpapasalamat sa kanya. "Hindi ka yata nakatulog kagabi?" Makahulugan niyang tanong sa akin. Napalunok ak

