May shoot ako ngayon sa isang bikini magazine at sa beach ang unang venue namin. Napili ng team namin na pumunta sa resort ni Matheo na pinuntahan namin noon nila Zeta. Maganda rin kasi talaga ang view dito at may rock formation ito sa dulo na hindi na namin napuntahan noon dahil masyado naring naaliw sa pagligo. May sinet up din sa pool para sa susunod na shoot. "Miss Lia kailangan niyo na pong magbihis," sabi ng assistant ng designer ng mga bikini na gagamitin ko ngayon. Agad naman na akong pumunta sa room na siyang magsisilbing dressing room ko para sa araw na ito. Mabuti nalang at hindi masyadong mainit ang sikat ng araw ngayon isa sa rason kung kailangan naming magmadalo dahil mukhang uulan din. Pumwesto na ako sa may dagat kung saan sakto lang na di ako aabutin ng tubig kahit n

