Huling araw na namin dito sa Ohio ni Giel dahil kailangan na naming bumalik ng NYC. Susunod lang si Liam dahil may kailangan pa siyang asikasuhin dito at sa mga business niya. Napag-isip isip kong ilabas si Gie kasama si Kylo pero hindi pumayag si Liam kaya sumama siya dahil narin sa takot na baka pati si Giel ay mawala sakanya. Masyado na siyang napamahal sa bata pero hindi rin naman namin habang buhay na maitatago ang katotohanan lalo na't oras na makabalik ako ng palasyo ay kahit na siya ang kinilalang ama ni Giel ay hindi parin maaaring angkinin niya ang bata lalo na kapag kinasal na ako. He can still be Giel's daddy by heart, she can still call him daddy but he can't be a real father to her for lifetime "Gustong sabihin na kay Kylo ang totoo bago kami umalis ni Giel," natigilan

