Ilang buwan na ang nakalipas at sa bawat araw na lumilipas ay para akong sinasaksak dahil sa sakit. Nagiging maayos na kami ni Kylo at ang ganda ng pakikitungo ng Adams sa anak ko na tila ba pamilya na talaga ang turing nila sakanya pero habang tumatagal ay naiiyak at nasasaktan ako sa isiping malapit na kaming umalis at may posibilidad na malalayo si Giel sa Adams lalo na kapag dumating na ang araw na iyon, ang araw ng kasal ko. Ang isa nalang din sa hinihiling ko ay ang matanggap ng pamilya ko ang anak ko at ng lalakeng tinadhana saakin. Hindi ko kayang isakripisyo si Giel at isawalang bahala para lang sa araw na iyon mas pipiliin kong mamuhay nalang bilang Thalia Silva sa tanang buhay ko kesa isakripisyo ang anak ko dahil kahit na anong gawin nila kung hindi nila tanggap si Giel ay

