Chapter 2

3000 Words
Giovannie Kylo's POV Adams Mansion "Are you ready?" Tanong saakin ni Daddy. "Giovannie, baby you look so good" sabi naman ni mommy saka lumapit saakin at niyakap ako. Hindi ko sinasabing gusto ko ang lahat ng nangyayari na ito sa buhay ko pero hindi ko rin namang masabing ayaw ko though ginagawa ko ito para kela mommy dahil ayaw ko silang madisappoint at ako lang ang inaasahan nila sa pamilyang to. My brother is still a kid kaya ano mang oras at kahit na anong mangyari ay magiging pasan ko ang pamilya namin pagdating ng araw. "Do I really have to go with you? I do have a lot of things to do right now mom" tanong ko. Marami pa akong kailangan na tapusin sa kumpanya pero kinailangan kong i-clear ang schedule ko para sa lunch namin kasama ang Venizelos Family. Pero sa pagkaka-alam ko ay ang matatandang Venizelos lang ang makakasama namin dahil hindi pa kami pwedeng magkita ng anak nila. Hindi ko alam pero para akong nakaramdam ng pagkadismaya ng malaman na hindi ko pa makikita ang itsura ng mapapangasawa ko ilang taon nalang mula ngayon. We should at least meet and get to know each other before the wedding para hindi kami gaanong mag-adjust pero hindi iyon pwedeng mangyari dahil hindi nakalagay iyon sa propesiya na sinusunod namin. Anyway, if you are wondering kung bakit sinabi saakin nila mommy na sa isang Venizelos ako nakatadhana iyon ay dahil kahit ano rin naman ang gawin kong pag-imbestiga sa anak nila ay wala akong mapapala dahil hindi gaya ko ay nasa loob lang ito ng mansion nila at kung lumalabas man ito ay sa ibang bansa nila ito pinapadala gamit ang ibang identity or di kaya ay private plane nila ang gamit. Only the crews can see her at wala rin ni isa sa kanila ang nagsasalita, gaanon kalaki at kataas ang respeto nila sa pamilya ng Venizelos. Who wouldn't? Sila lang naman ang nangunguna sa rango ng Royal Families at sila ang ulo ng buong empire, the most respected family among anyone kaya sino lang rin ako para tumanggi sa propesiya, diba? Gayunpaman kahit na alam ko kung aling pamilya ang nakatadhana para saakin ay ang anak naman nila ay hindi maaaring malaman ang tungkol saamin o saakin dahil kahit isang search lang niya ng pangalan ko sa internet ay mahahanap na niya ako agad bilang CEO ng kumpanya namin. Mom and dad already entrusted the Adams Corporation to me when I turned 21, so I am already handling it for 4 years now. Gladly napalago ko naman siya ng maayos at hanggang ngayon ay patuloy lang parin sa paglago lalo na sa iba't ibang sulok ng mundo dahil sa dami na ng franchise ng kumpanya. "Unfortunately yes because Mr. and Mrs. Venizelos wants to personally meet the man who will marry their one and only daughter, soon" sagot ni mommy. She's an unica ija, huh? Interesting... "You must give them a good impression so that they wouldn't feel ashamed of having us as their in-laws. You better watch yourself later Giovannie, remember that we need them to streghten our family and properties" ma-awtoridad na sabi ni daddy saakin. He's been like this since I was young and for some reason, ay hindi ko magawa na suwayin ang bawat salitang namumutawi sa bibig niya. Minsan lang magsalita si daddy at paniguradong tungkol sa business lahat ng iyon. Sa kabila ng lahat ay hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan ko pang maikasal para lang mas mapaganda ang takbo ng lahat ng meron kami kung kaya ko naman iyong gawin ng mag-isa. I've been running the company alone for how many years yet yes, I admit that being tied up with Venizelos was a great opportunity para palaguin ang kumpanya at iba pa naming mga ari-arian pero hindi ba't parang hindi iyon makatarungan? Kahit pa sabihin nating may mapapala rin naman sila saamin but it seems like they were selling us, me and the heiress of Venizelos, for the sake of our family's dignity, tradition, and honor. Noon pa lang ay naiisip ko na ito pero kahit pa gaano ka layo ang kaya kong marating ay hinding hindi na magbabago ang propesiya kung saan nakasulat ang kahihinatnan ko at ng anak nila, wherein our future were being dictated hindi pa man kami nailuwal sa mundong to. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa restaurant kung saan magpareserve sina Mr. and Mrs. Venizelos. Pagpasok namin ay walang ibang tao doon kung hindi ang mag-asawa lang na pormal na nakaupo sa pinaka gitnang lamesa. Mukhang pinareserve nila ang buong lugar para sa araw na ito, mabuti narin iyon para maiwasan ang issue na makalat sa buong lugar lalo na't baka matunugan iyon ng nakababatang Venizelos. Paglapit namin ay agad silang tumayo para batiin kami. Sina mommy at Mrs. Venizelos ay nagyakapan, samantalang sila daddy at Mr. Venizelos naman ay nagkamayan. Agad naman na nabaling saakin ang atensyon ng mag-asawa. Kung titignan ay parang si Mommy lang din si Mrs. Venizelos dahil tila wala lang itong pinoproblema sa buhay at napakamasayahin. Para bang kahit anong gawin mo ay baka samahan ka pa niya, at supportahan. However, Mr. Venizelos is like Daddy, typical fathers huh? He look strict. "You must be Giovannie Kylo" sabi ni Mr. Venizelos. "Yes, Mr. Venizelos" nakipagkamay naman ako dito bilang paggalang na agad din naman niyang tinanggap. "It's nice to finally meet you hijo" sabi naman ni Mrs. Venizelos saka ako nilapitan at niyakap. "So, how have you been?" Tanong ni mommy sakanila matapos namin maupo. Agad din naman sinerve ng waiter ang pagkain namin. Kumain lang kami habang nag-uusap sila. Ano ba talaga ang silbi ko dito? Kung nasa kumpanya lang ako ay paniguradong marami na ako matatapos ngayon. "How's the company hijo?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang tanong na iyon ni Mrs. Venizelos. "So far everything's good Mrs. Venizelos. Luckily, I manage to run it properly for the past 4 years until now" sagot ko naman. "Ano ka ba naman hijo tawagin mo nalang akong Mama. Ilang taon narin naman mula ngayon ay ikakasal na kayo ng anak ko" hindi ko alam pero bigla akong nailang dahil sa narinig. Isn't it too soon for this? "Okay Mrs.-I mean Mama" sabi ko saka pilit na ngumiti na kinatawa naman nila. "I like this son of yours Sebastian" natatawang sabi ni Mr. Venizelos kay daddy na natawa nalang din. "Like father, like son. I still remember the day you met Tita Camille..." Pagkukwento naman ni Mrs. Venizelos tungkol sa unang pagkikita nila daddy at Lola Camille, my mom's mother. Hindi na ako gaanong nakinig sa kanila at nagpatuloy nalang sa pagkain. "Anyway, how's your daughter?" Bigla namang tanong ni mommy "What did she say about the wedding?" Agad naman na napunta sa usapan nila ang atensyon ko. "She's fine, wala naman siyang nababanggit tungkol doon. Wag kang mag-alala masunuring bata naman iyon at sinusunod lang naman nun ang mga sinasabi namin ng daddy niya kaya siguro hindi narin niyan nababanggit ay dahil hinahanda nalang niya ang sarili niya para rito" paliwanag ni Mrs. Venizelos. For some reason ay nakaramdam ako ng awa para sa anak nila dahil base sa nakikita ko ay ni kailan hindi man lang siguro niya naranasan na makapagdesisyon para sa sarili niya o magawa kung ano mismo ang gusto niya. Ilang oras lang pagkatapos naming kumain ay agad din naman kaming nagpaalam na sa kanila at ganon din sila dahil may mga kailangan pa silang tapusin sa kumpanya nila at ganon din kami. Yet, I don't know why but I do have this feeling that I already want to meet the young Venizelos. "What do you think about them?" Nabaling ang atensyon ko kay daddy ng itanong niya ang bagay na iyon. "I think they are good just like what the rumors are saying. Tungkol naman sa anak nila, I bet she's a well-mannered lady. I just hope that she'll behave accordingly" sagot ko naman. "I already met that young lady once and I can tell that she's a sweet and lovely lady. She's so polite and beautiful as well, inside and out. You better treat her well sooner because that's what she deserves after being imprisoned inside their turf for how many years. She's been blinded to what was going on outside that mansion" ngayon ko lang narinig na may kinomplimentang isang tao si daddy. "To tell you the truth I want to hurry your wedding" sabat ni mommy na kinapagtaka ko. "For her to moved here already and have her freedom to go out as long as she wants and to do whatever she wishes for because I felt guilty for the reason why she is being forbidden to go out of there" dagdag pa nito. "Why?" Nagtatakang tanong ko. "The main reason why they don't want to expose her to the outside world is to make sure that she will face you with purity and decency. So that she will only give herself to you, and you're the only man that she will ever be with. Venizelos made sure that they won't disappoint us and our ancestors even if it takes their daughter's rights and freedom. Also, for their family to avoid humiliation" paliwanag ni mommy. Bigla akong nakaramdam ng inis sa hindi malamang kadahilan. Sisiguraduhin kong kapag nasa puder na namin siya ay makakamit niya ang buhay na gusto niya. Noong una ay hindi naman talaga ako pabor sa kasal kasal na ito pero tila nagkaroon ako ng rason para mas lalo pa itong tanggapin. Hindi ko alam kung bakit pero tila kahit hindi ko pa nakikita ang babaeng nakatakda para saakin ay ang gaan na ng loob ko sakanya and it feels like holding other ladies out there is already a sin for me. It feels like I am already cheating if I will do that. Nababaliw na ata ako Dumiretso ako sa villa nami nila Gavin matapos ang mga dinaanan kong trabaho sa kumpanya dahil kanina pa sila nangungulit saakin na pumunta doon. Alam kong makikiusuyo lang ang mga ito dahil alam ila ang nangyaring lunch kanina sa pagitan namin ng Venizelos, kalalakeng mga tao dinaig pa ang babae sa pagigibg chismoso. Agad akong pumasok at nadatnan silang naglalaro ng billiard sa look. Tumigil naman sila saka ako sinalubong ng lakad at nakipagshake hands saakin gamit ang bro code shake hands namin. We used to do it since we were young kaya childish man pakinggan o tignan pero nakasanayan na namin kaya wag kayong makialam, kidding aside. "Anong balita? Nakita mo na ba siya? Maganda ba? Makinis? Sexy?" sunod sunod nilang tanong. Sinasabi ko na nga ba eh, bakit kaya hindi ang mga ito ang pinagkasundo sa mag prinsesa sa loob ng empire? Baka sakaling matahimik at matigil sila sa kamanyakan nila. "How's your lunch with them?" napabaling ako kay Kleliam ng itanong niya iyon. Itong lalakeng ito na lang talaga ang kahit papaano ay masasabi kong matino sa mga kaibigan ko and thank God I have him dahil baka hindi ko kayanin ng mag-isa ang kabaliwhan nila Oliver kapag nagkataon. "It's fine, it was just a simple lunch. And she's not there, we are still not allowed to see and meet each other personally," sagot ko sa mga tanong nila kanina. Nakita ko naman na tila nadismaya sa narinig sina Oliver saka sila sabay na bumalik nika Gavin at Elijah sa nilalaro nila kanina. "Teka ako na titira," bulyaw ni Elijah. "Ano? Huwag kang madaya Bryon, it's my turn," angil naman ni Oliver. Nagkatinginan kami ni Kleliam saka sabay na umiling dahil sa inaasta ng mga kasama namin. Akala mo mga bata na nagaagawan lang ng candy sa tabi tabi. "Kailan pa kaya tatanda ang mga yan," tanong ni Kleliam habang nakatingin sa kanila. "Mukhang duda akong tatanda pa ang mga yan," kibit balikat kong sabi na kinalingon ng tatlo saamin. "Baka akala niyo hindi namin kayo naririnig?" — Oliver "Pakilakasan pa nga, masyadong choppy eh," — Gavin "Parang gusto ko nalang mabingi," — Elijah Natawa kaming lima matapos nilang isa isang umangal sa sinabi namin. Mga baliw talaga. "Pero come to think of it Gio," napalingon ako kay Oliver ng bigla siyang magsalita atsaka siya tinaasan lang ng kilay hudyat na magpatuloy siya sa sasabihin "What if hindi pala siya maganda kaya nila tinatago? What if may sakit, like malubhang sakit? What if kakaiba ang ugali? What if kahit anong gawin mo ay hindi mo parin talaga siya magugustuhan even after everything?" diretso lang ang tingin ko sakanya habang nakikinig sa mga what ifs niya Kinwento ko naman sa kanila ang sinabi saakin ni mommy at hindi naman sila agad na nakapagreact. "Mas mabuti pa nga na makasal na kayo, kawawa naman siya," sabi ni Oli "I don't know but I feel like there's something on her at na hindi malabong magiging malapit siya saatin. We will surely treat her as princess she should be ng hindi niya ramdam na limitado lang ang nasa paligid niya," sabi naman ni Liam Nakakatuwa para saakin na marinig ang mga iyon dahil nasisiguro kong matatanggap nila siya ng hindi mag-iisip ng kung ano ano at nakakalubag loob na kahit hindi pa namin siya nakikita ng lahat ay mukhang magugustuhan na siya miski ng mga kasama ko. Hindi ko lang sigurado pero sa tingin ko ay nakita ko naman na siya noon pero hindi ko lang natatandaan. Venizelos family seems familiar to me. I'll ask mom later kung nakapunta na ba kami sa palasyo nila noong bata pa ako because I can't really barely remember it. Wala sa sariling napahawak ako sa sing sing na nasa kwintas na ginamit ko kanina. Someone gave this to me when I was 5 years old but I can't clearly remember who gave it to me. I don't even know kung bakit ko sinuot iyon ng nakipagkita kami sa mga Venizelos. All I can remember is that the girl who gave this to me said that we are already married and she even kissed me on my cheek. I am already married at a young age huh? It's funny and for some reason I can't forget that scene and cute little voice. "What if siya pala ang nagbigay niyan sayo?" nabalik ako sa ulirat ng marinig ang tanong ni Eli na nakatingin sa kwintas na suot ko, sa sing sing na nakalagay doon. "Destiny na ang tawag doon pag ganon," pang-aasar ni Gav na tinawanan lang ng mga kasama namin I wonder if that little girl kept her ring just like mine. I don't know but for me it's so valuable and this ring is priceless parang may bumubulong saakin na dapat ko iyong ingatan at itago kahit noon pa man. "That's impossible," I said kahit na mayroon saakin na hindi pinagkakailang hinihiling at iniisip na paano kung totoo ang sinabi ni Eli, paano kung siya nga ang batang iyon? That just means she is my first crush, my first infatuation, my childhood princess and wife. What a fate's game it is right? A game of destiny that is probably so unexpected and never did I think of before. Eleftheria's POV Habang nakatayo sa gilid ng daan kung saan ako bumaba muna para magpahangin ay binuksan ko ang tila isang heart locket na nasa bracelet ko kung saan nakalagay ang isang sing sing na kung titignan ay para lang laruan. Actually dalawa to but back when I was 3 years old, exactly on my 3rd birthday I remember giving it to someone and even proposed to him using this. Ang landi ko noon no? Nad take note hindi lang ako basta nagpropose because I kissed him, and told him na mag-asawa ba kami but the problem is I don't know who he is dahil ni hindi ko natanong ang pangalan niya at hindi ko rin matandaan ang pangapan na sinabi niya. I was too young back then. Ang tanging pag-asa ko nalang para makita o makilala siya ay kung tinago pa niya ang pares ng sing sing na ito dahil walang ibang kapareho ang sing sing na ito dahil pinagawa ko mismo ito sa jewelry designer ni mommy as a gift for myself. I just hope he didn't threw it or lost it somewhere and I hope to meet him somewhere. Hindi ko alam pero may parte saakin na pakiramdam ko ay gaya ko tinago rin niya ang sakanya at pinahalagaan gaya ng akin. The only problem is we don't know or how to find each other. I actually don't know why did I gave it to him. All I can remember is noong araw mismo ng 3rd birthday ko natanggap ang mga sing sing na iyon at saktong pagbukas ko ng kahon ay siya ko ring paglingon sa kinaroroonan niya. Mag-isa lang siya na nakaupo sa may table at nakatingin sa paligid. He is so cute at parang may nagtutulak saakin na lapitan at kausapin niya at ng ginawa ko iyon ay hindi ko alam ang sasabihon at gagawin so I gave him the pair of my ring sakto naman iyon sa daliri niya na para iyong sinukat. Hindi ko rin alam kung saan galing ang kakapalan ng mukha ko ng sabihin na kasal na kami and I want him to be my prince, I even kissed him hindi rin naman siya umangal at ngumiti pa nga saakin at tumango sa sinabi ko. I feel safe and comfortable that day. My nanny called me kaya kinailangan ko ng lumayo sakanya at ng hanapin ko siya pabalik sa party ay wala na siya doon at kahit anino lang niya ay hindi ko na mahagilap. That was the first and last time that I met him or hindi ko lang alam na baka nakikita ko na siya king saan pero hindi ko lang nakikilala. Sino ba naman ang makakakilala o makakaalala pa sa nangyaring iyon sa sobrang bata pa namin kaya nga alanganin din ako na naalala pa niya ako o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD